Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen used to rule the world, now she will rule her digital scrapping atsutsutsu!

        (Updated 1 day, 13 minutes ago)

      Please visit this site
      Ads here
      • Advertise Here
        Chitika Referral
        Performancing Hive
        Social Media Marketi
        Authority Builder
        Blog Management
        Blog Stats
    Recent Comments
    Sponsors
Paamoy mo sa akin
By User Imagemanilenya | 3 CommentsLeave a Comment
Last updated: Monday, January 8, 2007

“How would you know kung bading ang isang guy?”

Hmmnnn, ewan ko basta ako naamoy ko kung kulay berde ang dugo ng lalaki.

“Tyong bading yata siya e, ang daming nagsasabi gay siya. Paano naman ang pinong magsalita. Basta basta bading nga yata talaga siya. Kahit si ate weng tingin sa kanya bading.” kunot-kunot na mukha ng kausap ko na para bang sobrang seryoso ng binuksan nyang topic.

Daming lalaking pinong magsalita at mahinhing kumilos hindi bading. At saka uso na sa panahon ngayon yan. Marami ngang lalaki sobrang vain diba pero babaero.

“Hindi tyong e, nandidiri sa Geylang (Red district area dito)”

So???!!! Aba e swerte girlfriend o asawa nyan.

“Pre yun nga e walang girlfriend.”

Never had?

“Ewan, hindi ko tinatanong e.”

Teka nga, nakataas kilay na tanong ko sa kanya. E sino ba yang lalaking yan at masyado kang interesado?

Umilap mata ng kausap ko sabay sabing, “housemate ko pero hindi ako interesado doon ano,” deny pa nya.

“Okey, okey. E pre naman grabeh lagi kaming magkasama, sa kainan, bago matulog, kapag walang pasok. Tapos minsan mag-aaya sa labas pag weekends. Sasamahan ako o magpapasama sa akin. Madalas pa magkasama kaming nangangalikot ng computer.”

“Pre nafafall ako pero ayaw kong mafall.”

At pag nafall ka tatakasan mo na naman. Hindi ba humihirit ka ng boyfriend? O ayan na. Tanong mo kung nagka girlfriend na siya, malay mo mahuli mo kung bading nga o hindi.

“Pre hindi ko kaya.”

Flirt ka lang ng konti sus at saka hindi porke nagtanong ka kung nagka girlfriend na siya e finiflirt mo na nga siya. Sabihin mo kapag nagtanong gusto mo lang siya makilala ng husto kasi friends kayo diba?

“Eto pa pre ha, may bestfriend na babae.”

E halos lahat naman ng lalaki ngayon may bestfriend na babae diba?

“Pero pre yung mga yun nagkakagustuhan sa bandang huli. E sila hindi. Bading nga yata talaga e.”

Maganda ba yung babae?

“Disente.”

E baka kasi narealize nya na mas gusto nyang maging bestfriend lang yung babae kesa maging girlfriend.

“Pre, paano ko ba talaga malalaman kung bading siya?”

Gusto mong malaman?

Tumango siya.

Gusto mo talagang malaman?

“Waaaahhhhh! oo no!”

Sige paamoy mo sa kin.

Sa kwentuhan namin sa ilalim ng araw -habang naglalakad dahil sa nakalagpas kami ng tatlong bus stop sa pupuntahan namin- bukod sa nalaman kong interesado ang kaibigan ko sa housemate nyang kuwestyonable daw ang gender, naisip kong dahil sa walang nagkakagustong lalaki sa akin, paano kung tulad nya ay may natalisod na bading sa harapan ko.

Maamo ang mga matang tititig sa mga mata ko at sasabihing “Oh mah gosh! hitad! I’m fallin in luv with yah! Say mo vaklush!! sagot sagot! Wish ko lang luv mo rin ako ever bakla!”

Ano kaya ang gagawin ko?

Rate this:
2.5

Viewed 258 times by 85 viewers

RSS feed | Trackback URI

3 Comments »

Comment by no imagejhen (Who am I?)
2007-02-02 01:00:04

yup..me too..he’s a decent man and at the age of 33 wla siyang girlfriend ngayon ..pero lalaking tingnan siya..actually nun nagkakasama kami medyo ndeveloped ako sa kanya…and trying to get some attention..i started to text and call..then one time sinabing kong mahal ko siya…naloka ako nang sinabi niyang ok lang daw un..at sa ganda ko sinabi niyang friend lang daw kami…hello…wla daw siyang time ….pero puro guys ang mga gusto niyang kasama ha…at cute na cute siya sa bosing guwapo…oh my…inlove ako sa bading….

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-02-03 01:50:15

jhen,
nagulat ako dito sa comment mo nung hindi ko pa nakita kung saang post ko nakalagay to kasi sa recent comments ko nakita, akala ko tuloy pertaining to a guy na kasama sa recent entry ko lol!!

hayy ganyan talaga pag-ibig di mo alam biglang dumarating madalas sa maling lalaki pa
sayang sis sana naging lalaki na lang siya ano?

salamat pala sa pagbisita at pagcomment :)

Rate this:
2.9
 
2007-02-12 17:43:59

[...] ni kaibigan yan pagkatapos mabasa ang previous entry ko. Tinawagan ko agad siya. Paano ko ba sasabihing naisip [...]

 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.