Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen says although my mother is a street smart, it doesn't mean that I'm a smart ass....

        (Updated 1 day, 20 hours, 15 minutes ago)

      Please visit this site
      Ads here
      • Advertise Here
        Chitika Referral
        Performancing Hive
        Social Media Marketi
        Authority Builder
        Blog Management
        Blog Stats
    Recent Comments
    Sponsors
Mga kablagista ito ang nanay ko…….
By User Imagemanilenya | 2 CommentsLeave a Comment
Last updated: Saturday, January 6, 2007

Nanonood ako ng Wowowee, habang ginagawa ko ang new template na to. Ang mga guest player sa hindi ko alam kung anong tawag na portion ay mga mag-iina na nabubuhay sa pamamagitan ng pagbabasura. Isa sa gagawin nila habang iniinterview ni Willie Revillame (as usual magpapa-iyak na naman –pampataas ng rating) ay ipapakilala nila ang kanilang ina…

Mga kapamilya …….ito ang nanay ko.

At habang nagsasalita ang nanay syempre mailalabas ang mga sama ng loob sa buhay. Ito yung panahon na maipapaabot ng isang simpleng mamamayan ang kalagayan nya bilang bahagi sa pinakamababang uri ng lipunan. Iiyak, magpaparamdam ng pagka-awa sa sarili at ipapakita sa publiko na kahit na anong mangyari ay igagapang ang mga anak sa kahirapan.

Mga kaawa-awang nilalang na nagagamit ng mga negosyong pang entertainment. Hindi na ako magpapalawig pa dito. Ang gusto kong puntuhin nasaling nito ang puso ng isang anak.

Paano ko nga ba ipakikilala ang nanay ko?

Si nanay na hindi nagtyaga na turuan akong magsulat ng alpabeto - hindi dahil sa tinatamad sya- kundi dahil sa inamin nyang hindi rin nya alam o hindi nya alam kung paano ituro dahil noong panahon na itinuturo sa kanila sa eskwela ang alpabeto naroon siya sa bukirin kasamang nagsasaka ng pamilya nya.

Si nanay na hindi sumasama sa mga PTA meetings ng eskwelahan namin dahil sa nahihiya siyang maboto sa eleksyon… wala daw siyang alam.

Si nanay na palihim na nagtitinda kapag wala si tatay… pang dagdag-gastos daw sa kakarampot na sahod ni tatay.

Si nanay na nagtyatyagang pakainin kaming magkakapatid sa iisang plato……para pagkasyahin sa amin ang pagkain. Di bale na siya’y wala.

Si nanay na nagsumikap kasama ni tatay para mapagtapos kaming magkakapatid sa pag-aaral. Ang sabi niya hindi para sa kanila kundi para mismo sa amin. Ang gusto nya pagkatapos namin ay mapasok kami sa opisina na pinangarap nyang maging trabaho kung nakapag-aral lang siya. Ang gusto sana nya paglaki nya ay maging Sekretarya….simpleng pangarap na hindi natupad.

Si nanay na kailan lang iniyakan ko.

Humingi ako ng pasensya sa kanya kamakailan. Hindi kasi ako nakakapagpadala ng pera. Hindi naman para sa kanila yung konti kong pinapadala, kundi para sa maliit na batang iniwan ko sa kanila. Ang sabi niya, “Ako nga ang dapat magpadala sa iyo e. Kausapin mo ang ate (pinsan) mo, humiram ka muna ng pera babayaran ko kamo pag uwi niya dito.”

Sino hindi maiiyak?

Ikaw nga sige. Paano mo ipakikilala ang iyong ina?

Rate this:
2.5

Viewed 372 times by 118 viewers

RSS feed | Trackback URI

2 Comments »

2007-05-13 16:00:09

[...] BLOG 2: Paano mo ipakikilala ang nanay mo? Mayaman? Mataray? Masayain? Masamang ina? Mabuting ina? … Pakinggan si Nalen sa kaniyang lumang entry. Pinakilala niya ang kaniyang una, at pinaluha ang ilan sa mga nagbabasa. Isa na ako doon. Si nanay na nagsumikap kasama ni tatay para mapagtapos kaming magkakapatid sa pag-aaral. Ang sabi niya hindi para sa kanila kundi para mismo sa amin. Ang gusto nya pagkatapos namin ay mapasok kami sa opisina na pinangarap nyang maging trabaho kung nakapag-aral lang siya. Ang gusto sana nya paglaki nya ay maging Sekretarya….simpleng pangarap na hindi natupad. (Read: Mga Kablagista, Ito ang Nanay Ko) [...]

 
2007-07-27 12:20:03

[...] blogger na nakapag paiyak sa akin (walang halong biro) sa pamamagitan ng kaniyang entry tungkol sa nanay niya. Mga Kablog, sya si Ate Nalen, si Manilenya — ang “bobang” [...]

 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.