manilenya - Last updated: Wednesday, January 31, 2007Limang sekreto ng Manilenya, Ibubunyag na!
Umaalingawngaw pa yan. Ano ang sinabi ng mga sekretong madalas ibunyag sa The Buzz ng tatlong mahahaderang mga host? Aww shucks!! okey lang naman yung salitang ginamit ko diba? kasi talagang kapag tsismosa naman di ba mahadera? Heniways, nitag ako ni Rhodora, medyo nagulat ako kasi dalawang beses ko pa lang siya nakita sa comment page ko pero ito tinag nya na ko, natuwa siguro :). Actually natouched ako sa huling comment nya e kaya sige pagbigyan ang aking bagong kaibigan
Sabi niya:
Hello! Wow, ang ganda ng bagong design mo. Alam mo, type ko ang istilo mo sa pagsusulat - deretsahan at ‘down to earth’, yun bang napi-feel ng nagbabasa ang mensahe.
Yan naiiyak tuloy ako.
Pero bako ako maiyak, unang sekreto muna:
Continue Reading »
Viewed 162 times by 52 viewers
manilenya - Last updated: Sunday, January 28, 2007Blogging makes my world go round ang temang umiikot noong mga nakaraang araw sa blogosphere, isa itong meme na natabunan na ng panahon. Hinagis sa kin ni Toe -ganti- daw nya sa kapwa nya mga adik na blagista.
Kung may kantang Ng Dahil sa Pag-ibig ni -matagal- na singer na, si Ma’m Toe kumanta ng Dahil sa Iyo.
Dahil sa blogging ano nga ba ako ngayon o ano ba ang nagawa sa akin ng blogging.
Una, nandito ako alas dos ng madaling araw nag hahanap ng magandang template, nag eedit ng template, nagpost ng mga nawalang nakaraang mga entries (salamat kay Mon na naman). Sa madaling salita naga-puyat naman daw ako tapos maguiguilty ang lola nyo at sasabihin sa sarili na hindi na ko magpupuyat plamis.
Sabagay dati na naman akong napupuyat sa harap ng computer yun nga lang dati puro chat lang atupag ko, ngayon sa salita ni younger sis e may sense na ginagawa ko kasi bLogger na ko. Asus!! hinahanap ko sense wala ako makita tsk tsk tsk.
Pangalawa, natututo akong magbasa. Nagagamit ko na ang linaw ng mata ko na medyo lumalabo na rin dahil ito nga ako nagapuyat sa harap ng monitor na medyo madilim ang ilaw. Habang may binabasa sige basa ng basa kahit ano pinapatulan kasi baka may mahanap na pwedeng iblag. Pero madalas wala naman akong maiblag sa mga binabasa ko kasi mas masarap magkwento ng kung anu ano na lang at buti naman may naaliw naman kahit papano sa mga kwento kong kung anu-ano na lang.
Pangatlo, natuto akong magsulat magtype ng walang direksyon, walang malinaw na plano kung ano nga ba ang ipopost ko. Yung tipo bang gumagalaw galaw ang mga daliri ko kapiling ang mga letra dito sa keyboard ko, salat salat na lang at kung may mabuong salita, pangungusap, parirala abah e ang saya pwede na talagang magsulat ang mga daliri ko, wag lang gagamit ng bolpen kasi tyak di ko mababasa kung anu ano mga sinusulat ko. Para kasing kinalahig ng manok.
Pang-apat, napipilit kong maging isang may kwentang tao na dahil sa blogging. Tinuturuan ako nitong mangarap. Yun bang hindi na lang nakatigil sa isang bagay ang utak ko. Meron na kong maging gusto kong maging paglaki ko —-sabi yan ng mga bata— ibig sabihin nagkakaroon na ng direksyon ang buhay ko. Marami na kong gustong matutunan. Marami na kong gustong gawin. Ang problema lang kaiisip ko kung ano na ang gusto kong maging, medyo sa dami kasi e wala akong maumpisahan miski isa. Iniisip ko e baka kasi siguro mas nauuna yung pag-iisip ko kung ano ba ang gusto kong ipost di kaya?
Panglima…..wala na kong maisip tsk tsk tsk. At wala na rin akong mapasahan kasi halos lahat na yata ng kakilala kong blagista e nagawa na itong meme na ito.
| 2.5 |
Viewed 144 times by 47 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, January 25, 2007Dumating na pala si nanay noong martes ng hapon, ang balak ko bago siya dumating ay kukunan ko siya ng litrato palabas ng budget terminal pero mas maganda sana kung doon mismo siya sa Terminal 1 ng Changi Airport kasi mas maganda ang view. Naalala ko kasi noong maliit pa ko kapag may dumarating na mga kamag-anak galing sa ibang bansa hindi pwedeng walang litrato na may nakasabit pa talagang isang travelling bag sa balikat. Yung mga litratong iyon syempre may isang biglang papasok na litratista, parang kapag may kasalan o graduation diba? Tapos pupuntahan ka sa bahay para lang ibenta sayo yung litrato mo na sapilitan kang pinapangiti ng kung sinong herodes na me hawak ng camera sa reception kapag kasal at kapag nasa entablado ka naman kapag graduation.
Kaso mo nung oras na dumating si nanay hindi ko naisip na magdala ng camera kasi basang basa pa halos buhok ko pag labas ko ng bathroom kulang na lang hilahin ako ni pamangkin. Buti na lang hindi ako lumalabas ng bathroom na naka roba lang, kasi nga wala akong roba.
Dahil sa maagang lumapag ang eroplano na sinasakyan ni nanay, hindi kami naghintay ng matagal doon. Nakita ko agad si nanay nung ine x-ray ang mga gamit nya. Medyo taka kami ni younger sis kasi bakit parang hindi nagtina ng buhok sis nanay pero paglapit aba e kulay kalawang pala ang buhok. Dati kasi parang red e.
Bukod sa mga toothpaste, vitamin at PJ (Peejay aka padyama) ni Shernane, pamintang buo at durog, bulaklak ng saging, at chicharong baboy ay may dalang leggins -iyong uso sa pinas ngayon na parang stocking (di ko alam tawag e sorry) isang mini skirt na maong at pagkaganda gandang blouses si nanay para kay younger sis. Super seksi si younger sis nung sinukat nya. Tanong ko bakit ako wala?
Sabi niya may leggins din daw ako pero poproblemahin ko pa yung mini skirt at pagkaganda-gandang blouse ng katulad ng kay younger sis para para kaming sasayaw kapag suot namin yun. Sabi ko mahal dito ang damit, kaya baka amagin na lang sa aparador yung leggins (tama ba spelling?)
Hindi na ko nangulet pa kasi noong tinatanong ako kung ano gusto kong ipadala, hindi ako sumasagot. Hiya ako kasi di naman ako nagpapadala ng pera tapos hingi pa ko pasalubong diba?
Pero may dala siya para sa akin.
Viewed 177 times by 72 viewers
manilenya - Last updated: Monday, January 22, 2007Â

Â
Nag-aastang litratista, tatlong araw kaming may bisita galing pinas, at sa tatlong araw na iyon binuhos ko ang isang araw para maging litratista nila. Sabi ni sis sa likod ko bakit daw ganoon, ako daw ang litratista pero ako ang mahusay na nagpopose habang hawak-hawak ang kamera niya. Sagot ko, e talagang ganoon ang mga trying hard. Naging litratista nga ako at ang modelo ko?
Viewed 118 times by 48 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, January 18, 2007Meron ka bang priority sa buhay na sa palagay mo ay dapat noon mo pa ginawa?
Tanong yan ng isang blogger na madalas bumulong sa hangin. Walang nilayo sa madalas kong marinig sa nanay ko, hindi eksaktong mga salita pero alam kong ganyan ang ibig sabihin. Pero madalas naman yung prioridad na hinahanap nya sa akin na unahin ko ay yung mga bagay na gusto nyang gawin ko.
Siyempre kasi sa tingin nya iyon ang makakaganda para sa akin. Na siyang malayo sa gusto kong gawin. Magkaiba kami. Magkaiba ng iniisip, magkaiba ng prinsipyong tangan-tangan at magkaiba ng gustong gawin sa buhay.
Pero dahil sa ako’y anak at siya ang aking ina at nadadama ko ang mga nararanasan nyang pangamba na madalas kong ibigay, nagpasya ako na hindi gawin ang gusto kong gawin.
Noong huminto ako, akala nya iyon na iyon. Isang nagdaang alipato lang na sumayaw kasama ng ihip ng hangin. Nawala na kasabay ng mga lumulutang na alikabok. Pero hindi pala. Dahil alam niya sa bawat nilalabas na salita ng aking dila, alam niya sa may mga panahon na gusto kong magsalita at alam niya sa bawat entry na nababasa niya na hindi ako tumitigil. Alam niya kung ano ang prioridad ko sa buhay na hindi ko nagagawa ngayon pero maari kong magawa bukas.
Sana nasagot ko ang tanong at sana naintindihan ng siyang nagtatanong.
| 2.5 |
Viewed 116 times by 45 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, January 17, 2007Tag mula kay Jhay, syempre hindi ko mahindian at pwedeng panagot sa new years resolution na wala ako. Ang bumalik at iassess ang sarili kung ano na ba ako? kung asan na ba ako? kung nagkaroon ba ako ng direksyon ng nakaraang taon at kung maiisip kong magkaroon na ng direksyon ngayong taong ito.
Â
Halika’t bulatlatin ang aking nakaraang taon. Huwag kalimutang buksan ang radyo o mp3 player dahil sa mahaba-haba ito.
Viewed 139 times by 47 viewers
manilenya - Last updated: Monday, January 15, 2007At sila ay nagbalik. Narecover ko na lahat ng mga entries ko sa loob ng isa’t kalahating taong pagbablag. Nagising na lang ako isang araw na narestore ang dati kong database. Magic!
Utang ko yang kay preng Major, feeling ko lang. Kahit hindi kami nagkikita ng mata sa mata, nagkakadamahan ng daliri sa daliri, nagkakarinigan ng tainga sa tainga at kahit na hindi kami nagkakausap kahit sa email man lang. Isang komento lang ang naging tulay at naplantsa ang problema ko.
Noong makita ko ang database ng back-up ko ay sinimulan ko ng pag-aralan kung paano ko maibabalik ang mga post. Trial and error lang at hindi ko dinidelete ang mga nililipat ko o kinokopya sa SQL Query, unti- unti naiintindihan ko ang myPHPadmin sa cPanel ng domain ko.
But the problem is makalikot ako masyado. Iyan din ang nirereklamo sa akin ng kung sino mang may ari ng ginagamit kong computer. Noong sa tingin ko okey na siya namang nadelete ko yung table ng mga latest posts ko kaya ang nangyari inimport ko na lang ulit yung nasa wordpress ko. Hinahanap ko ang feeds ng mga pinakalatests posts ko kasama na ang tag-ulan pero hindi ko na siya makita. Okey lang (siguro si Mon ay mayroon…sana.)
Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga blogger-friends, bloghoppers na nakisimpatya sa naging problema ko sa back-up at kay Ferdz, Mon, Mark, Poell at myepinoy na handang handang tumuolng at syempre pa ang aking pards na si Major - meron ka pang kailangang gawin lol!…antay kita -
I owe you all and ah lab yu all! Pramis. Peksman.
| 2.5 |
Viewed 179 times by 57 viewers
manilenya - Last updated: Friday, January 12, 2007Para kay youngest sis na nagsabing miss nya na kami ni younger sis. Isang bukas na liham.
Walang tigil ang ulan sa labas. Ilang araw na rin yan. Hindi pala. Kung diyan sa atin papaumpisa pa lang ang panahon ng tag-init, isang kalagitnaan ng tag-ulan naman dito na nagsimula noong Nobyembre. Bago magpasko nakita ko sa telebisyon na binaha ang ilang bahagi ng Singapore kasabay ng pagbaha dulot ng ulan sa ilang bahagi ng Malaysia.
Ang sabi nila unang karanasan ng pagbaha pagkatapos ng may 75 na taon. Hindi pa isang nagsasariling bansa ang Singapura noon. Hindi pa natatapos ang araw nabilang na agad nila kung magkano ang nalugi sa araw nila. Para kasi sa isang mayamang bansa walang dapat na masayang na araw. At walang dapat malunod na mga kompyuter at iba pang gamit sa loob ng opisina, walang dapat na masalantang mga halaman na malaking negosyo sa pagpapaganda ng mga kalye. Walang dapat na masirang makina ng mga kotse at taksi sa gitna ng kalsada. Mahalaga ang panahon kaya walang dapat na mga nag-oopisina ang mastranded sa kalsada.
Ang lahat ng iyan na hindi dapat ay normal na diyan sa atin.
Nakakalungkot ang panahon ng tag-ulan. Kasabay ng mga tikatik ng ulan sa mga yero at ang walang hintong pagpatak ng mga butil nito sa semento ng lansangan ay ang tyak na pag-agos ng mga ala-ala na nagdadala ng lungkot at syempre ng saya.
Naalala mo ba noon pagbaba natin isang umaga sa silong ng bahay ay isang malaking tubig ang nakita natin? Aanod-anod ang ilang mga gamit sa bahay. Hindi tuloy tayo makababa para maglaro. Nagkasya na lang tayo sa pagkanta-kanta ng “rain rain go away†sa baitang ng hagdanan at paminsan-minsa’y bigla kang sisigaw na “alupihan! alupihan!†Natataranta namang hahanapin ito ni nanay sa takot na baka makagat ka.
Nakailang ulit na tayo ng kanta ng pagpapalayas sa ulan ay hindi pa rin ito humihinto. Nakakalungkot dahil sa ang mahabang araw natin ay inubos lang natin sa pagkakaupo sa hagdanan. Minsa’y aakyat at manonood ng tv sa taas pero iba pa rin kung walang ulan, malaya tayong magtatakbo sa harapan ng bahay.
Akala natin noon ang ulan ang makakapagpahinto ng buhay natin bilang bata. Pero ilang taon lang ang nagdaan. Ang lansangan habang tag-ulan ay nagmistulang isang malaking beach sa atin sa velasquez.

Ito yung tag-ulan na madalas nasa pagtitinda si nanay, at kapag wala si nanay maari tayong lumabas ng bahay at maligo sa ulan. Naghahanap tayo ng mga kalsadang may lampas tuhod na baha. Noon una ay patakbo-takbo lang tayo sa tubig-baha at masaya tayo kapag naabot ng malalaking tilamsik ang bawat isa. Isang masayang laro sa ilalim ng ulanan. Noong huli wala ng eksaytment ang mga tilamsik ng baha. Naglulumunoy na tayo sa may kulay putik na tubig kulang na lang ay isisid natin pati ang mga ulo natin. At sabay sabay tayong sisigaw na “ANG SARAP MAG SWIMMINGGGGGGGGG!!!â€
Noong nagdadalaga ka na, ang paglangoy-langoy sa gitna ng baha ay hindi na magandang tignan at lalo na sa akin na may pitong taong tanda sa iyo. Pero likas sa ating mga taga tundo ang maging pasaway. Hindi lang ikaw. Hindi lang ako. Mapabata at mapamatanda iba ang tawag ng ulan sa atin. Kapag narinig na natin ang malakas na patak ng ulan sa mga bubungan ay parang nagkakaisang isip tayo na lalabas ng bahay.
At sa labas makikita natin ang ilang matatanda na may karay-karay na apo o mga anak. Mga kabataang madalas tambay sa kanto ng eskinita. At ang iba ay tatayo pa sa may bubungan. Malayang dadamhin ang tubig na nanggagaling sa yero, hayaan nang ito’y may tae man ng pusa o kinakalawang. Basta maliligo tayo sa ulan.
Nakakamiss din.
Malungkot masarap ang tag-ulan. Pero sana hanggang doon na lang iyon. Tama ng magbigay lungkot sa binibigay nitong mga ala-ala at maging masaya sa sarap na ibinibigay nito sa may mababaw ang kasiyahan. Pero sana huwag na lang itong magdulot ng pighati sa mas karamihan …… sa labas ng tundo.
Ako nga pala ito, baka makalimutan ko.
Si eldest sis.
| 2.5 |
Viewed 159 times by 49 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, January 10, 2007At long last nakuha ko na rin ang mga old files ko, buong-buong back-up ng dati kong cpanel ang ipinadala ng dati kong host sa kin after akong magbigay ng 5 ow ow na halos kasing presyo na rin ng domain registration. Lumipat ako sa murang hosting na hindi pinag-isipan ang lahat. Ang nangyari more than 2K rin ang nagastos ko sa blog na ito for this year.
Magastos na pagbablog pero okay lang, dugo (exagg), pawis, laway na napapanis sa haba ng oras na wala kang kausap at nakatutok lang ang mga mata mo sa monitor (buti na lang may mga nakakatawang blog na nababasa - mapapangiti ka bigla at minsan hahalakhak pa - kailangan may tunog para hindi masyadong mamaho ang hininga dahil sa walang laway na tumatalsik palabas), oras na sa tingin ko naman hindi ganoon nasasayang at higit sa lahat yung maraming pera (marami na sa kin ang 2K mahirap lang ako e) na ginastos sa domain ngayong taon.
May blog na at nandito na ulit sa akin ang files na buti na lang nadownload ko agad dahil sa binigyan ako ng ultimatum ni ex-host na kwarenta’y otso oras, tanong ko lang kung hindi ko kaya nadl yun another 5 ow ow ulit?
Atat akong makuha yung old files ko, sabi ko nga sa taas sayang ang napanis kong laway kung hindi ko makukuha iyon, e madalas hindi pa naman ako nagbablag-hop. Nakatitig lang ako sa mga entry ko kung baga yun lang ang tanging yaman ko (exagg ulit).
Ang bagong problema ay paano ko ma-iinstall dito ang back-up ko at ang sandamakmak na back-up entries ni Karmi at Malaya? Paano ko nga ba maibabalik sa kanila?
Sinubukan kong tumalon, magtumbling, pinaglalapit ko na rin ang nguso ko at ang noo ko wala pa rin akong maisip na paraan. Nawawala rin ang mga taong maari kong pagtanungan.
Na-upload ko na rin ang back-up sa aking cpanel but unfortunately hindi nababasa ng myphpadmin ko ang mga old database ko which is primarily needed para maintigrate ang old entries sa new entries. Hindi ako masyadong marunong este hindi ako talagang marunong. Lahat ng ginagawa ko now puro hunch lang (malay nyo matuto) at mga napupulot sa pamamagitan ng tanong-tanong. Pero dahil busy ang mga pinagtatanungan parang dot dot na hindi tuloy-tuloy ang mga information na nakakalap ko.
Ang kailangan ko ay isang tao na sobrang bait at mapagkakatiwalaan (ako pa daw ba ang mag-inarte na maghanap ng taong pagkakatiwalaan ko?) ko to these things for me o maiguide man lang ako.
Somebody help me. Anyone please?
| 2.5 |
Viewed 112 times by 40 viewers
manilenya - Last updated: Monday, January 8, 2007“How would you know kung bading ang isang guy?â€
Hmmnnn, ewan ko basta ako naamoy ko kung kulay berde ang dugo ng lalaki.
“Tyong bading yata siya e, ang daming nagsasabi gay siya. Paano naman ang pinong magsalita. Basta basta bading nga yata talaga siya. Kahit si ate weng tingin sa kanya bading.†kunot-kunot na mukha ng kausap ko na para bang sobrang seryoso ng binuksan nyang topic.
Daming lalaking pinong magsalita at mahinhing kumilos hindi bading. At saka uso na sa panahon ngayon yan. Marami ngang lalaki sobrang vain diba pero babaero.
“Hindi tyong e, nandidiri sa Geylang (Red district area dito)â€
So???!!! Aba e swerte girlfriend o asawa nyan.
“Pre yun nga e walang girlfriend.â€
Never had?
“Ewan, hindi ko tinatanong e.â€
Teka nga, nakataas kilay na tanong ko sa kanya. E sino ba yang lalaking yan at masyado kang interesado?
Umilap mata ng kausap ko sabay sabing, “housemate ko pero hindi ako interesado doon ano,†deny pa nya.
“Okey, okey. E pre naman grabeh lagi kaming magkasama, sa kainan, bago matulog, kapag walang pasok. Tapos minsan mag-aaya sa labas pag weekends. Sasamahan ako o magpapasama sa akin. Madalas pa magkasama kaming nangangalikot ng computer.â€
“Pre nafafall ako pero ayaw kong mafall.â€
At pag nafall ka tatakasan mo na naman. Hindi ba humihirit ka ng boyfriend? O ayan na. Tanong mo kung nagka girlfriend na siya, malay mo mahuli mo kung bading nga o hindi.
“Pre hindi ko kaya.â€
Flirt ka lang ng konti sus at saka hindi porke nagtanong ka kung nagka girlfriend na siya e finiflirt mo na nga siya. Sabihin mo kapag nagtanong gusto mo lang siya makilala ng husto kasi friends kayo diba?
“Eto pa pre ha, may bestfriend na babae.â€
E halos lahat naman ng lalaki ngayon may bestfriend na babae diba?
“Pero pre yung mga yun nagkakagustuhan sa bandang huli. E sila hindi. Bading nga yata talaga e.â€
Maganda ba yung babae?
“Disente.â€
E baka kasi narealize nya na mas gusto nyang maging bestfriend lang yung babae kesa maging girlfriend.
“Pre, paano ko ba talaga malalaman kung bading siya?â€
Gusto mong malaman?
Tumango siya.
Gusto mo talagang malaman?
“Waaaahhhhh! oo no!â€
Sige paamoy mo sa kin.
Sa kwentuhan namin sa ilalim ng araw -habang naglalakad dahil sa nakalagpas kami ng tatlong bus stop sa pupuntahan namin- bukod sa nalaman kong interesado ang kaibigan ko sa housemate nyang kuwestyonable daw ang gender, naisip kong dahil sa walang nagkakagustong lalaki sa akin, paano kung tulad nya ay may natalisod na bading sa harapan ko.
Maamo ang mga matang tititig sa mga mata ko at sasabihing “Oh mah gosh! hitad! I’m fallin in luv with yah! Say mo vaklush!! sagot sagot! Wish ko lang luv mo rin ako ever bakla!â€
Ano kaya ang gagawin ko?
| 2.5 |
Viewed 103 times by 34 viewers
manilenya - Last updated: Saturday, January 6, 2007Nanonood ako ng Wowowee, habang ginagawa ko ang new template na to. Ang mga guest player sa hindi ko alam kung anong tawag na portion ay mga mag-iina na nabubuhay sa pamamagitan ng pagbabasura. Isa sa gagawin nila habang iniinterview ni Willie Revillame (as usual magpapa-iyak na naman –pampataas ng rating) ay ipapakilala nila ang kanilang ina…
Mga kapamilya …….ito ang nanay ko.
At habang nagsasalita ang nanay syempre mailalabas ang mga sama ng loob sa buhay. Ito yung panahon na maipapaabot ng isang simpleng mamamayan ang kalagayan nya bilang bahagi sa pinakamababang uri ng lipunan. Iiyak, magpaparamdam ng pagka-awa sa sarili at ipapakita sa publiko na kahit na anong mangyari ay igagapang ang mga anak sa kahirapan.
Mga kaawa-awang nilalang na nagagamit ng mga negosyong pang entertainment. Hindi na ako magpapalawig pa dito. Ang gusto kong puntuhin nasaling nito ang puso ng isang anak.
Paano ko nga ba ipakikilala ang nanay ko?
Si nanay na hindi nagtyaga na turuan akong magsulat ng alpabeto - hindi dahil sa tinatamad sya- kundi dahil sa inamin nyang hindi rin nya alam o hindi nya alam kung paano ituro dahil noong panahon na itinuturo sa kanila sa eskwela ang alpabeto naroon siya sa bukirin kasamang nagsasaka ng pamilya nya.
Si nanay na hindi sumasama sa mga PTA meetings ng eskwelahan namin dahil sa nahihiya siyang maboto sa eleksyon… wala daw siyang alam.
Si nanay na palihim na nagtitinda kapag wala si tatay… pang dagdag-gastos daw sa kakarampot na sahod ni tatay.
Si nanay na nagtyatyagang pakainin kaming magkakapatid sa iisang plato……para pagkasyahin sa amin ang pagkain. Di bale na siya’y wala.
Si nanay na nagsumikap kasama ni tatay para mapagtapos kaming magkakapatid sa pag-aaral. Ang sabi niya hindi para sa kanila kundi para mismo sa amin. Ang gusto nya pagkatapos namin ay mapasok kami sa opisina na pinangarap nyang maging trabaho kung nakapag-aral lang siya. Ang gusto sana nya paglaki nya ay maging Sekretarya….simpleng pangarap na hindi natupad.
Si nanay na kailan lang iniyakan ko.
Humingi ako ng pasensya sa kanya kamakailan. Hindi kasi ako nakakapagpadala ng pera. Hindi naman para sa kanila yung konti kong pinapadala, kundi para sa maliit na batang iniwan ko sa kanila. Ang sabi niya, “Ako nga ang dapat magpadala sa iyo e. Kausapin mo ang ate (pinsan) mo, humiram ka muna ng pera babayaran ko kamo pag uwi niya dito.â€
Sino hindi maiiyak?
Ikaw nga sige. Paano mo ipakikilala ang iyong ina?
| 2.5 |
Viewed 137 times by 44 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, January 4, 2007Ayaw ko ng maging bitter sa sinapit ng dati kong blog, kung iisipin ko yung pagkawala ng may 250 blog entries ko sa loob ng 15 months kong pagbablog kasama ng kaunting mga “feeling short stories†ko (yes feeling lang) e sobrang nakakalungkot talaga. Pero sabi ko nga start ng bagong taon, kaya walang bitternes dapat.
Ganun naman ako e, para bang wala sa akin ang isang bagay na hindi magandang nangyari sa kin, hmmnn….syempre konti meron pero ayaw ko ng isipin. Saka bagong taon…sabi ko nga bagong buhay ako. Kailangan positibo sa akin ang lahat ng bagay. Nag-iisip ako kung paano ko makukuha yung wordpress database ko sa dati kong host -kanina search ko ulit ang manilenya- syempre lumabas sila sa search engine pero pagclinik mo dito ang bagsak, pero hindi na makikita ang mga blog entries.
Saka masayahin akong tao….

….hindi lang halata. Lol! kafal ko talagang magpost ng picture ko, sayang nga lang wala na yung old blog ko I even post my picture sa loob ng restroom sa isang bar na hub…… nyahahahahaha hindi lasheng lang lol!!!
Heniways, life goes on and my blogging is movin on din syempre… pero iyong mga nagsasabi dyang mga fans ko (hehehehehe kayo nagsabi nyan hindi ako!) baka mayroon kayong feeds na kopya sa computer nyo pahingi naman ako pleasseeeeeeeeeee.
Yan ang natutunan ko, sabi nga ni jhay linggo-linggo nag baback-up sya ng blog nya at iyan ang new year’s resolution ko. Back-up, Back-up. Sa katunayan nga me back-up na kaagad ito eh.
Maglalagay nga pala ako ng donation box dito dahil sa hindi pa ako bayad sa Bigskymedia.

Wala pang laman o kailangan kong mag-open account sa bangko para diretso sa bangko? Bagong blog, bagong buhay at bagong tapang ng mukha… kaya chip-in na!
Hahahahaha! jowk lang ito pero ang magtototoo may libreng…..halik!! FREE KISS!!!!
| 2.5 |
Viewed 114 times by 42 viewers
manilenya - Last updated: Monday, January 1, 2007Naghintay ako ng pagpapalit ng taon sa harap ng monitor, wala kasi akong kasama. Dati-rati mayroon ditong new year’s eve party, yan ay noong nandito pa ang couple housemate naming pinay at indian-malaysian. Tapos binibisita rin kami ng isang pamilyang pinoy at iba pang mga friends ni younger sis at bayaw. Sad to say ang blog ni preng bulitas ang kaharap ko. Teka hindi pala ako sad baka batukan ako. They’re out up to now nandoon sila sa bahay ng isang kaibigan, I choosed not to go dahil alam ko tatanga lang naman ako doon. Mas mabuti pang ito ang tangahan ko:
Viewed 107 times by 33 viewers


piapot


