Pagkalipas ng isang taon at apat na araw….ano ba bago?
Isa akong certified chatatista (chat addict) noong naimbitahan ako ng isang co-operator sa Manila channel ng IRC Dalnet na maging contributor sa kanyang blog, noong una ang sabi ko pang-agaw oras lang ito sa IRC life ko. Pero noong nakita ko ang blog site ang sabi ko hindi masamang maging contributor dahil sa medyo nakaka-aliw naman ang mga naunang post. And since may blogger account na ako why not try to make my own blog, walang mawawala.
At nagsimula nga ako. Nagsimula akong mag copy and paste ng mga forwarded messages galing sa inbox ko. At nagsimula rin akong magkalikot ng template. Hanggang sa puro pagkalikot na lang ng template ang ginawa ko walang bagong post galing sa inbox ng email ko. At pagkatapos noon nagsimula akong mabato sa blogger kaya gumawa ako ng blog sa blogdrive.
Sa blogdrive hindi na mga forwarded emails ang pinost ko, nag-umpisa ko na kasing ninamnam yung sama-samang pagkahomesick, pagkahiya sa itsura ko, pagkainggit sa kapwa ko, pananaginip ng mga bagay na wala sa akin, at higit sa lahat ang pagkahilig ko sa mga Korean Dramas. Naging malaking tulong din sa akin yung panonood ng concert ni younger sis sa Rivermaya sa isang bar dito. Gamit ang dating handfone nya pinagkukuhanan nya ang Rivermaya hanggang sa hindi na sya nakapanood ng concert, nagpicture picture na lang sya at kumuha ng mga videos only to find out na pangit pala mga kuha nya. Pero dahil sa naramdaman ko na naging supportive sya sa blog life ko kaya pinost ko na rin ang mga video clips at mga litrato.
At doon nagsimula ang tunay na nobela ng totoong buhay na dinaan sa pagbablag. I met new net acquaintances, dinudumog nila palagi ang blog ko mga dalawa sila, si te Pips at si Te Neng na pawang mga blogger users. And then I decided to use blogger again, sabi ko nga back were I really belong. Using another URL for the nth time, sabi ko nga sa entry ko noon (orihinal galing sa puso at isipan ko)
Doon pa lang sa mga naunang entries nababanaagan na ako ng pagkukuwento ng totoong buhay ko. And the flesh became words
Pagkatapos lang ng isang buwan ng pagiging stokwa at pagpupumilit gumawa ng sariling kwento na walang kwenta sa pamamagitan ng pagbablag ay pinilit ko rin ang sarili kong magkaroong ng sariling domain. At noong Disyembre 23 ng 2005 nagkaroon nga ng manilenya.
Isang taon at apat na araw na nga ako. Ano ba bago? Wala. Ewan ko. Hindi ko pa alam.
| 2.5 |
Viewed 1102 times by 269 viewers

manilenya 
Welkam Bak Sa Akin!!!


testing!
testing
gusto ko maging top komentator