Sa panahon ng patuloy na pagkaumid o katahimikan

pasakalye

Praning, paranoid, nababaliw.  Yan na yata ako.

Feeling ko lagi ngayon mamamatay na ako.  Makabasa lang ako tungkol sa cancer, tay tayu diyan feeling ko may cancer na ako.  E di ba nga dati kinaclaim ko na diabetic ako? pagdating ko sa doktor normal na normal ang blood sugar ko. O kaya naman feeling ko may sakit ako sa liver, o kaya baka kailangan akong operahan sa gall bladder.  Noong una feeling ko tama ang tingin ng Embassy baka nga may TB ako, pero negative naman daw ako sa TB sabi ng isang medical test ko.  Hayness grabe na to, sana homesick na lang dumapo sa kin pero ito malala kung anu-ano na naiisip ko sa sarili ko. 

Kung madalas maisip ko na matetepok na ko buti na lang naalala ko yung mga nakaraan (habang tinutugtog ang Material Girl ni Madonna - background music ko to).  Yung ilang beses kong pagkahulog sa hagdanan mula tuktok hanggang baba, walang nangyari sa king masama nagkaroon lang ng bukol bukol sa mukha.  Muntik ng masagasaan ng truck sa kanto ng C2 Road (papuntang pier) as in konting konti na lang e marami pa man ding naaaksidente dun ano!

At nitong huli medyo matagal tagal na rin yung nadulas ako sa loob ng bath tub habang naliligo.  Noong una wala sa akin yun pero nung naisip ko na “e pano kung pumalo pala yung ulo ko sa bath tub?” buti na lang nasalampak lang ako tsk tsk tsk….kung hindi walang bobang pinay na blogger ngayon.

Kaya sabi ko sa sarili hindi….hindeeeeeeeee….hinding-hindi pa ko matetepok ano!

Pero paano nga kung one of these days? Oh My Gawd! hindi ko kakayanin ito.  Para nyo ng awa pleaseeee!!!  Parang sobra pa akong bata.  Gusto ko pang umabot ng at least 68 (life span daw ng mga babae) man lang, gusto ko pang mag sleeveless na blouse, gusto ko pang magsuot ng boots (ultimate dream ko yata yan), gusto ko pang makakita ng snow at magsayaw-sayaw, pumaikot-ikot habang may hawak na snow tapos sabay tikim kung ano pinagkaiba ng snow at ng kinaskas na yelo.

Marami pa kong gustong gawin sa buhay at higit sa lahat mag-aanak pa ko ng isa no! Paging kalalakihan wala pa kong katulong gumawa ng isa pa.  Teka jowk lang yan, di pa ko ganyan kagarapal kunwari di nyo nabasa.

Kaya ang dalangin ko sana….sana lang hindi totoo mga naiisip ko o kaya naman sana lang gumaling na ko……yung mawala na pagkabaliw ko..yung bumalik na ko sa normal…yung hindi nag-iisip….yung feeling ko wala akong isip…..para di na ko nagiisip.

(Katok katok mga misis!!!)

 

Rate this:
2.5

Viewed 737 times by 197 viewers

RSS feed | Trackback URI

Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.