Gusto kitang i-congratulate, ang entry na ito ay inaalay ko sa iyo, ikaw na nagbabasa nito, ikaw na inaabot ng maghapon magdamag disiotso hanggang beinte kwatro oras na nakakababad sa harap ng monitor. Nakatulala, patingin-tingin, panood-nood ng video ng mga illegal videos sa YouTube habang oras ng trabaho. Mga blagista na umagang-umaga ay tinatamad magtrabaho pero kapag nakakita ng mga nakakatuwang entry at mga makapanindig-balahibong mga komento ay biglang lumiliwanag ang tingin sa paligid.
Okay kidding aside, Ikaw at ako sampu ng mga World Wide Web Users ang panalo at hinirang na Person Of the Year Award ng TIME Magazine. Ako, ikaw, tayo bilang net citizen of the digital democracy (sabi ng Time Magazine) ang nagkokontrol sa Information Age.
Basahin mo ito kung ayaw mong maniwala.
Nagmistulang mamamahayag ang bawat isa sa atin (kulang na lang ipahayag pati ang kinain ng ating mga kapitbahay), bawat isa ay may reaksyon, komento (violent man o hindi), bawat isa may ibinibigay na kaalaman. Dahil dito nakatutuwang isipin na hindi pala ako boba (tanggalin ko na kaya yung bobang pinay sa tuktok.)
Hindi pwedeng wala akong acceptance speech, ngayon lang ako naparangalan at prestihisyosong award pa kaya kailangan meron ako nito.
“maraming salamat sa TIME Magazine at nakita nyo at pinahalagahan ang walang humpay kong pakikibaka na makagawa ng blog entry dalawa hanggang tatlong beses isang linggo (bah! hirap yatang mag-isip ng topic ano?). Sa larangan ng pagbablog ko lang narealize na kahit konti pala ay may kakayanan ako, hindi man ako makapagsalita ng maayos, nakakapagtype naman pala ang aking mga daliri at naipararating kung anumang mensahe, may katuturan o wala sa mga mambabasa.
Ang award na ito ay inihahandog ko sa aking butihing ina. Nay, ayan dati-rati pinagagalitan mo ako dahil sa minamagdamag ako sa harap ng pc. Ayan nagbunga rin ang aking madalas na pagpupuyat at pagpapalipas gutom. May award na ako, sorry wala ka nito kasi nuong tinuturuan kitang mag-chat ayaw mo. Bawi ka na lang sa uulitin hane?”
Papalakihan ko yang litratong yan, ipe-frame at isasabit sa dingding ng bahay namin.
| 2.5 |
Viewed 417 times by 129 viewers









athem short term medical insurance
manilenya







No comments yet.