Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen says although my mother is a street smart, it doesn't mean that I'm a smart ass....

        (Updated 1 day, 20 hours, 42 minutes ago)

      Please visit this site
      Ads here
      • Advertise Here
        Chitika Referral
        Performancing Hive
        Social Media Marketi
        Authority Builder
        Blog Management
        Blog Stats
    Recent Comments
    Sponsors
Bata, gusto mo bang madukot?
By User Imagemanilenya | No CommentsLeave a Comment
Last updated: Wednesday, December 13, 2006

Bata! gusto mo bang madukot?  Bata gusto mo bang madukot?

  Tinakot ako ng isang anonymous sa comment sa entry ni Karl Bettita sa    Echeblahblah tungkol sa “kagutuman sa kapangyarihan” ng maraming kongresista na sumusuporta sa Con-Ass samantalang ang sabi ko lang naman ay ganito:

but in their minds GOD is with them….sabi nga ni GMA ang DIYOS ang naglagay sa kanya sa posisyon kaya hindi sya magreresign.
pero sabi nga rin maraming bulaang propeta ang lumalabas ngayon at isa na diyan ang propetang pinaniniwalaan ni GMA at ng mga tuta nyang kongresman.

Biro man ito o hindi, hindi magandang pakinggan o mabasa ng mga taong umaasa pa sa isang maayos at matahimik na paraan para magkaroon ng tunay na demokrasya at pagbabago ng pulitika at lipunan sa bansang pinagmulan.

Hindi lingid sa lahat ang ginagawang pagmamani-obra ng pamahalaan at ng mga kongresman para lang matuloy ang Cha-Cha na pinatay na ng Supreme Court noong Oktubre 25 ng kasalukuyang taon. 

At ngayon ang sabi nga “GINAGAHASA NA ANG SALIGANG BATAS” dahil sa pagbura ng Section 105 ng House Rule 15 na nagsasabing dapat dumaan sa tamang proseso ng pagpapasa ng resolusyon ang anumang panukalang naglalayon ng pagbabago sa charter at pagkatapos ay ang pagsusulong ng House Resolution 1460 na magkakansela sa darating na eleksyon sa Mayo Uno sa susunod na taon.

Wala ako sa kongreso para isigaw ang boses ng simpleng mamamayan, wala ako sa lansangan para ubod lakas ng isigaw ang boses ng mamamayan.  Nandito lang ako sa malayo nanonood sa “sarswela ng pamahalaan” at sa totoo lang hindi ko gusto ang napapanood ko.  Sa gitna ng paghihirap ng mga bikolano dahil sa trahedyang dulot ng bagyong Reming ang gulo sa kongreso ang bumulaga sa paningin ko.

Naniniwala na nga ako na hindi kahirapan ang pangunahing problema ng pinas kundi ang sinasabing kagutuman sa kapangyarihan na nagbubunga ng sobra-sobrang kahirapan.

Sa nabasa ko ang sabi ko nga :

natatakot ako
bawal na palang magsalita pati sa net ngayon wala ng freedom of speech,
panloloko man o hindi nakakapanginig ng kalamnan anonymous,
kailangan bang dukutin ang ang isang taong nagsasabi lang ng kanyang sariling opinyon?

Ako katulad ng maraming mamamayan ay may sariling opinyon.  Opinionated ako e, paki mo?

Rate this:
2.5

Viewed 684 times by 205 viewers

RSS feed | Trackback URI

Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.