
Inabot ako ng birthday ko na ito lang ang pera ko sa bulsa ko, hindi ko na binilang kung magkano. Katibayan ng ugali ko na mabuhay sa araw araw na hindi iniisip ang bukas. Ewan ko, ang sabi ko wala naman sa akin ang pera (basta ba may maganda akong handfone, mp3 player at maayos-ayos na camera).
Sabi ni younger sis noon (hindi pa gaano katagalan) immature pa raw talaga ako. Dahil sa alam ko na hindi magugutom ang anak ko at may mga taong sasalo sa akin kaya hindi ko iniisip mag-ipon para sa pag-aaral ni Aya o para kahit sa akin man lang.
Akala ko kasi maganda na ang ugali ko ng ganoon. Hindi pala, kasi sa kaiisip ko na wala sa akin ang pera ayan at wala nga akong kapera-pera. Pero hindi ako yung hindi makaulagapay kung paano ako magkakaroon nito kasi nga siguro tama si younger sis dahil nakakakain ako ng tatlong beses maghapon, hindi ko kailangang problemahin si Aya dahil nandoon siya sa mga magulang ko at wala ng iba pa. Ibig sabihin sa isip ko wala akong dapat pang problemahin sa buhay.
Hindi na ako bumabata pero ganito ako noon at ganito pa rin ako ngayon. May mababago pa kaya?
| 2.5 |
Viewed 354 times by 131 viewers









athem short term medical insurance
manilenya







No comments yet.