cultural theater group
mga taong gumugunita ng pinagmulan, pinagsibulan at kinamulatang mga kasama…kapatid…kaibigan…kahit kaaway…pamilya… sa hirap at ginhawa…balitaan,kumustahan. Mga taong babalikan ng tanaw, sa tuwing maiisip ang mga bahagi ng masaya,magulo,mahirap na pinagdaanan.malaking bahagi ng sarili na kung ano kami ngayon,at kung anong magiging kami bukas.
Nakita ko sa link ng referrals ko ang yahoo search engine tungkol sa Dulaang Katig at pinadaanan ko ng tingin yung mga nakalap na info. Sakto ang Dulaang Katig Yahoo Groups, at nakita ko ang deskripsyon sa taas.
Medyo nag-isip ako sa nabasa ko, bakit magkasunod yata yung mga katagang kaaway…pamilya. Maari ring sakto ang naiisip ko dahil sa panahon na yan ay nagiging mistulang kaaway ang pamilya kung kailan inaakala nilang nagiging sarado ang isip sa mga pangaral sa tuwing inaabot ng gabi sa kalsada o tuluyan ng hindi uuwi ng ilang araw may paalam man o wala.
Pero binura ko rin agad sa isip iyon dahil ang pamilya ang laging nasa tabi kahit anuman ang mangyari.
May kakaibang saya yung naramdaman ko nung nakita ko ang litrato lalo na nung makita ko ang parang kinayod na mga letra at numero sa kaliwang itaas ng larawan. Bataan 120790.
Kung iyan nga yun, memorable para sa akin.
KWENTO SA LIKOD NG LARAWAN
Disyembre noon at nalalapit na ang aking ika labingwalong kaarawan, tinanong ako ni nanay kung ano ba ang gagawin maghahanda ba? magpapaparty? syempre no debutante yata ako. Ang sabi ko magluto na lang sya ng spaghetti at dalin sa iskul, magtatapos na rin yung palabas na ginawa namin tamang-tama iyon para hindi na kami mag-abala pa ng dagdag na gastos para sa pagkain ng grupo.
At napa ayon ko nga si nanay, karay karay ang ilang box ng spaghetti para sa pagkain noong huling gabi ng produksyon, huling gabi rin iyon ng pagkikita namin bago ang aking kaarawan dahil pagkatapos noon nagtuloy kami sa Bataan. Regalo na namin siguro yun pagkatapos ng mahabang panahon na itinuon sa year-end production at iyon din ang unang beses na lumabas kami ng maynila hindi para magtraining/workshop, hindi para mag-aral at magpulong at higit sa lahat hind para magpalabas sa entablado.
Hindi ko alam kung ilan kaming nagpunta ng Bataan at nakituloy sa bahay ng aming Chairman (tawag namin sa pinaka bos tsip at tumayo ring Production Manager ng katatapos na produksyon), doon parang mga bakasyunista napuno namin ang buong bahay. Nagsimba sa pinakamalapit na simbahan at nilakad ang malayu-layong dagat para maligo.
Madalas sa tuwing lalabas kami patak-patak ang gastos, hindi ganoon kalaki ang pera ng grupo para akuin ang mga gastos, sa ikalawang araw namin saka napansin na wala na pala kaming pera. Wala na ring pera ang bawat isa ibig sabihin walang pangkain at higit sa lahat walang pamasahe pauwi.
Sanay sa walang pera, sanay sa target at pabo (sardinas) para sa ulam okey na yun pero ang maganda naka-isip na maghanap ng makakain sa mga puno-puno at mga tanim sa paligid ng mga kabahayan. Pero ang mahirap, yung pamasahe pauwi ng Maynila.
Buti na lang may PUP Bataan, doon kami nakahingi ng tulong yun nga lang medyo nahirapan una dahil sa mga tibak nga ang mga nastranded kahit na isipin pang mga estudyante pinagdudahan yung pagsulpot namin ng Bataan na sangkaterba. At syempre dahil sa mga estudyante abot-abot din ang mga sermon lalo na noong naiparating na rin sa mga magulang namin yung nangyari.
Pero ganun pa man, hindi naging sagabal yung pagkastranded para hindi mag-enjoy ang buong grupo, ang kawalaan ng pera ay ginugol sa isang kwarto, may umiyak at may nag-away. Medyo nagkaseryosohan hanggang sa huli nalamang umaarte lang pala ang iilan, sabi nga pangtanggal ng tensyon. Mga artista nga diba?
May hinika at nagkasakit, pero doon din nakita yung pagiging “kapamilya” ng isa’t isa hindi lang basta kasama o kamyembro. May nagkalabasan ng mga sama ng loob at dahil doon naging mas malapit sa isa’t isa. May mga ewan, may mga pasaway at may mga sobrang seryoso kaya tiyak hindi mo nanaising makasama sa kwarto o makasalubong man lang sa daanan. Ngunit sa kabuuan naging isang napakasaya at memorable ang lakad naming iyon sa Bataan.
Hindi ko na maaninaw ang ibang mga tao sa litrato ni hindi ko nga maalala kung nandiyan ako pero ang isa diyan ay isa ng assistant creative director ng ABS-CBN, ang ilan sa kanila ay nasa UK, Canada at iba pang lugar sa Europe, ang iba hindi ko alam kung nasaan na . Maari namang ang iba ay abala para sa nalalapit na mga pagkilos sa Disyembre 15 para sa Anti Con-Ass.
Ang sarap lang isipin na ang panahon kung kailan nandoon ako sa grupo ang nag-iwan ng magandang ala-ala sa grupo, patunay lang ang larawan na ginamit ng gumawa ng Dulaang Katig yahoo groups para sa group profile.
Ang Dulaang Katig……ang dahilan kung bakit ganito ako mag-isip ngayon.
| 2.5 |
Viewed 492 times by 165 viewers









athem short term medical insurance
manilenya






cultural theater group
dulaang katig member din aq nun…2001?!
Ely,
siguro galing ka sa blog ni gibo ano?

2001
may limang taon na akong wala sa PUP nyan
salamat sa bisita ha