“Why we have bathroom here?”
“Because you sleep in the master’s bedroom, that’s why.”
“Hmmnn why it’s dirty?” sabay turo sa tiles.
“It’s not dirty Bi, It’s because of the brown design.”
Tingin si Enane sa bintana ng bathroom sabay tanong ulit kung bakit sira ang palibot ng bintana.
“It’s not actually broken, maybe because this unit is old already, It was built more than 10 years ago I guess.” sagot ko
“Aha! 10 hundred years ago!”
Mahilig magsalita ng ganun si Enane, 10 hundred, thousand million years ago etc. etc.
“Singapore is only 41 years young Bi, so it’s not possible that they built this some hundred years ago. And there was no condo during that time.”
Akala ko tapos na ang pakikipagdiskusyon ko sa maliit na bata pagkatapos nyang maligo pero sinundutan ako ng tanong na “..our country is small right?”
“Our country?” kunot noo ko syang tinignan kahit alam ko na yung “our country” na sinasabi nya ay ang Singapore.
Tumingin siya sa kin na parang nasukol sabay sabing “Ah Philippines is our country” at nag-aalangan pang sinabing “..right?”
Sa sinabi nya naalala ko tuloy yung isang batang kalaro nya, kumakain kami noon sa Tuctuc isang Thai Restaurant sa may Suntec City. Doon may nakilala silang taiwanese nabata, nagpakilala si Enane. “I am Shernane, I am Filipino and they are James and Julia, they are Filipino too.”
Umalma bigla si James, anak ng employer ko. “Nope! I am Singaporean.”
Of course it wasn’t a nice thing to here. Sa pinas ipinanganak si James pero wala pa yata siyang isang taon ng dinala sya ng mga magulang nya dito sa Singapore, kaya dito na siya nagka-isip at nag-aral. Ni hindi marunong magtagalog at kung magsalita singlish na singlish ang dating.
At lalong hindi ko masisisi si Enane noong nasabi nya sa akin minsan na “this (Singapore) is my home. Pero hangga’t maaga ipinamumulat na namin sa kanya na Pilipino siya at Pilipinas ang pangalan ng bansa nya.
| 2.5 |
Viewed 264 times by 87 viewers









itot
manilenya







No comments yet.