manilenya

Mga karanasan, haka-haka, opinyon at rebuttal ng isang bobang pinay
Subscribe

Hindi ako si Melai

December 04, 2006 By: User Imagemanilenya Category: pasakalye

Hindi ako si melai.

Pwede namang hindi ko ipakilala ang sarili ko…hmmnnn naipakilala ko na pala yun nga lang hindi ang tunay na pangalan ko ang madalas nyong makita.

Pwede ko namang hindi sabihin ang tunay kong pangalan, marami naman dito sa cyberspace ang mga may mukha na walang pangalan.  At mas marami ang mga may pangalan ngunit walang mukha.  Mga pangalan na ikinabit lang sa mga profile ng indibidwal na may ari ng websayt, maaring hindi totoong pangalan, maari ring hindi totoong indibidwal. 

Mas madalas kasi hindi sila iyong sinasabi nilang sila.  Mapaghabi ang mga daliri.  Mapaghabi ang mga matatalinong isip.

Hindi ako si melai.

Noong una akong makahawak ng kompyuter na may internet, para akong nasa kalawakan.  Umiikot ang paligid habang umuusal ng syet! syet! totoo ba to?

Feeling ko hawak ko ang buong mundo samantalang Yahoo pa lang ang nakikita ko sa sobrang bagal ng browser.  Siyet! siyet! nasa palad ko nga ang mundo.  Pwede akong magpalipat-lipat ng lugar, sa US, Australia, India, Singapore, Canada at kung saan saan pa basta isang click lang doon sa may ibaba ng Yahoo.

At para mas maging in ako sa bagong mundong pinasok ko, gumawa ako ng email pero bago ako gumawa ng email gumawa muna ako ng pangalan.  Antoinette Cervantes ang napili kong gamitin at naging Antoinette Cervantes na nga ako na naging “nette” sa mga bagong “kaibigan.  “Nette” o “ate nette” ang tawag nila sa akin kahit na hanggang ngayon kapag nakaisip silang kumustahin ako sa friendster, email o kahit sa text.

Sabi ni youngest sis artistahin.

Syempre artistahin.  Naisip ko kasi na tutal pumasok ako sa mundo ng mga pangalan na walang mukha kailangan pambenta na ang pangalan na gamitin ko. Maari itong umakit ng atraksyon sa cyberspace.  Pero yung naisip kong atraksyon hindi ko kinakahon lang para sa opposite sex.

At nagkaroon ako ng maraming kaibigan sa ilalim ng pangalang “nette”.  Hanggang sa maging melai siya.  Nagsawa ako sa paggamit ng hindi ko tunay na pangalan.  May isang mabait na chatter ang nagbigay sa akin ng registered nick na melai pero bago yun katakot-takot na “Unggoy” at “matsing muna ang tawag nya sa akin.  Inisip ko na lang na term of endearment iyon kahit nasusuka na ako at halos gusto ko siyang sakalin.  Pero feeling ko mahal na niya ako dahil sa hinack nya pa talaga ang nick na melai para lang sa akin.

At ako’y naging si melai.

Pero hindi ako si melai.

Nakailang isip at buntunghininga rin ako.  Bakit ba parang sinusuka ko ang tunay kong pangalan.  Pangalang itinaguyod, ipinagmamalaki at ibinibida ni nanay sa mga kaibigan kapag magkukuwento na siya tungkol sa aming mga anak niya.

Hindi ako si melai at lalong hindi ako si nette.

Hindi ko man gusto ang tunog at s-p-e-l-l-i-n-g ng napiling pangalan ni nanay at ni tatay sa akin.  Kailangan kong tanggapin na hindi ako si melai.

Gusto kong magpakilala……ako si Nalen……ANNALYN CACHO AGUILAR…….ang batang tundo……ang MANILENYA.

Rate this:
2.5

Viewed 1023 times by 220 viewers

RSS feed | Trackback URI

46 Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.