Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Please visit this site
    Recent Comments
      Shout Out!
    Sponsors
» 2006 » December

Sa wakas okey na ulit ang manilenya pero hindi ko pa siya naayos, hindi pa ako talaga nakakapaglipat kaya pansamantalang nakaredirect dito ang site.  Hope to blog again ng kahit ano.

Maraming salamat kay Ferdz ng BigSkyMedia, bale siya ang nag-ampon sa akin ng itakwil ako ng Nokiahost.  Lol! syempre hindi ako tinakwil nagkataon lang na nagwapuhan ako kay Ferdz :)
Wala akong masabi batiin ko na lang kayo ng :

Continue Reading »

Viewed 189 times by 93 viewers

  

Natuwa naman daw ako dito sa bigay ni TiKey, maganda na ako lalo nya pa akong napaganda (maginsert ng tawa dito kung gusto).  Nakabawas ng konting sama ng loob sa pagkawala pansamantala ng aking blog.  Ngayon lang ulit ako napadpad dito sa wordpress pagkalipas ng mahigit isang taon.  Mahilig kasi akong magsearch ng tag word na manilenya, tinitignan ko kung alin pang site ang gumagamit nito maliban sa akin.  Pagclik ko nagulat pa ako dahil parang sarili kong gawa ang tatlong entry na nakita ko.

Mga panahon na kahit may stokwa na ako ay patuloy pa rin akong nangangalikot ng ibang blog.  Nag-iisip kung saan ba ako liligaya/sasaya.

Ang laki na ng ipinagbago ng wordpress mula noong unang makita ko to.  Dati hirap pa akong magpalit-palit ng template samantalang ngayon umaapaw ang template sa dashboard.  At napakaganda ng wp-admin kamo.  Palagay ko dito muna ako:(insert ng dalawang unang paragraph sa isa blag na ginawa ko)

Wala pansamantala ang manilenya kung kailan pa naman inaatake akong magblog part two sana ng anniversary entry ko, ang nangyayari eto ako pinagsasawa ang mga mata sa pagbabasa ng mga paboritong blog.

Medyo nagkaproblema sa bandwidth ang isa sinabay pa sa pagsasara ng mga bangko, hindi tuloy ako makapagbayad para sa bagong hosting plan.  Lumipat na ako ng hosting, ang sabi ko nga mas gwapo kaysa sa dati kong host pero sa sobrang propesyunal yata nito walang kai-kaibigan, walang kakilala-kakilala.  Hindi ko maaccess ang manilenya hanggang sa unang linggo ng Enero.

Baka nga sige dito muna ako.

Rate this:
2.5

Viewed 112 times by 38 viewers

Isa akong certified chatatista (chat addict) noong naimbitahan ako ng isang co-operator sa Manila channel  ng IRC Dalnet na maging contributor sa kanyang blog, noong una ang sabi ko pang-agaw oras lang ito sa IRC life ko.  Pero noong nakita ko ang blog site ang sabi ko hindi masamang maging contributor dahil sa medyo nakaka-aliw naman ang mga naunang post.  And since may blogger account na ako why not try to make my own blog, walang mawawala.

At nagsimula nga ako.  Nagsimula akong mag copy and paste ng mga forwarded messages galing sa inbox ko.  At nagsimula rin akong magkalikot ng template.  Hanggang sa puro pagkalikot na lang ng template ang ginawa ko walang bagong post galing sa inbox ng email ko.  At pagkatapos noon nagsimula akong mabato sa blogger kaya gumawa ako ng blog sa blogdrive.

Sa blogdrive hindi na mga forwarded emails ang pinost ko, nag-umpisa ko na kasing ninamnam yung sama-samang pagkahomesick, pagkahiya sa itsura ko, pagkainggit sa kapwa ko, pananaginip ng mga bagay na wala sa akin, at higit sa lahat ang pagkahilig ko sa mga Korean Dramas.  Naging malaking tulong din sa akin yung panonood ng concert ni younger sis sa Rivermaya sa isang bar dito.  Gamit ang dating handfone nya pinagkukuhanan nya ang Rivermaya hanggang sa hindi na sya nakapanood ng concert, nagpicture picture na lang sya at kumuha ng mga videos only to find out na pangit pala mga kuha nya.  Pero dahil sa naramdaman ko na naging supportive sya sa blog life ko kaya pinost ko na rin ang mga video clips at mga litrato.

Continue Reading »

Viewed 123 times by 44 viewers

Praning, paranoid, nababaliw.  Yan na yata ako.

Feeling ko lagi ngayon mamamatay na ako.  Makabasa lang ako tungkol sa cancer, tay tayu diyan feeling ko may cancer na ako.  E di ba nga dati kinaclaim ko na diabetic ako? pagdating ko sa doktor normal na normal ang blood sugar ko. O kaya naman feeling ko may sakit ako sa liver, o kaya baka kailangan akong operahan sa gall bladder.  Noong una feeling ko tama ang tingin ng Embassy baka nga may TB ako, pero negative naman daw ako sa TB sabi ng isang medical test ko.  Hayness grabe na to, sana homesick na lang dumapo sa kin pero ito malala kung anu-ano na naiisip ko sa sarili ko. 

Continue Reading »

Viewed 120 times by 43 viewers

time magazine

Gusto kitang i-congratulate, ang entry na ito ay inaalay ko sa iyo, ikaw na nagbabasa nito, ikaw na inaabot ng maghapon magdamag disiotso hanggang beinte kwatro oras na nakakababad sa harap ng monitor.  Nakatulala, patingin-tingin, panood-nood ng video ng mga illegal videos sa YouTube habang oras ng trabaho.  Mga blagista na umagang-umaga ay tinatamad magtrabaho pero kapag nakakita ng mga nakakatuwang entry at mga makapanindig-balahibong mga komento ay biglang lumiliwanag ang tingin sa paligid.      

Okay kidding aside, Ikaw at ako sampu ng mga World Wide Web Users ang panalo at hinirang na Person Of the Year Award ng TIME Magazine.  Ako, ikaw, tayo bilang net citizen of the digital democracy (sabi ng Time Magazine) ang nagkokontrol sa Information Age.

Basahin mo ito kung ayaw mong maniwala.

Continue Reading »

Viewed 148 times by 46 viewers

Narinig ko kahapon sa isang radio station na ang mga lalaki daw ay maaring makapagproduce ng milk dahil gusto ko ang mga dj at paborito ko ang radio station syempre pinatulan ko ang topic.

Sabi sa wikipedia, dahil ang mga lalaki daw ay may nipples hindi naman ganoon kalinaw kung mayroon silang mammary glands.  Ordinarily daw may mga konting mammary tissues na hindi napapansin at ang tawag dito ay gynecomastia o ang abnormal na paglaki ng dibdib (breast) ng mga lalaki. Pero kung hindi naman daw ito dala ng obesity o pagtaba mawawala din o matitigil ang paglaki nito habang tumatagal.

Ito ang nakakaloka, dahil sa hormonal stimulus - natural na magproduce ng gatas ang mga babae at ganun din daw sa mga lalaki although hindi ganun kalakas ang maaring ilabas na gatas ng lalaki.

Medyo nakakabaliw ito para sa mga lalaki lalo na sa mga macho at nagmamacho-machohang lalaki.  Dito pag sinabi kong macho hindi sinusukat lang sa laki ng katawan kundi yung mataas na pagtingin sa sarili na lalaki sya at siya lang ang may karapatang magprovide ng anumang lakas o kapangyarihan sa loob ng bahay.  E paano nga naman kung nagkataon na mayroon siyang gatas, papayag ba sya na magbreast feed kung sakali na wala o hindi kaya ng ina na maglabas ng gatas para sa kanyang sanggol?

breastfeedingMay isang listener ang tumawag, ang sabi niya OO magpapabreast feed siya alang-alang sa pamilya syempre.  Bilang ama tutuparin nya yung pangako nya na aalagaan ang kanyang mga anak.

Syempre isang bagsak sa lalaking ito.  E ikaw kaya bilang lalaki gawin mo rin kaya yung kayang gawin ng listener na yun?

Rate this:
2.5

Viewed 116 times by 42 viewers

Bata! gusto mo bang madukot?  Bata gusto mo bang madukot?

  Tinakot ako ng isang anonymous sa comment sa entry ni Karl Bettita sa    Echeblahblah tungkol sa “kagutuman sa kapangyarihan” ng maraming kongresista na sumusuporta sa Con-Ass samantalang ang sabi ko lang naman ay ganito:

but in their minds GOD is with them….sabi nga ni GMA ang DIYOS ang naglagay sa kanya sa posisyon kaya hindi sya magreresign.
pero sabi nga rin maraming bulaang propeta ang lumalabas ngayon at isa na diyan ang propetang pinaniniwalaan ni GMA at ng mga tuta nyang kongresman.

Continue Reading »

Viewed 245 times by 89 viewers

barya

Inabot ako ng birthday ko na ito lang ang pera ko sa bulsa ko, hindi ko na binilang kung magkano.  Katibayan ng ugali ko na mabuhay sa araw araw na hindi iniisip ang bukas.  Ewan ko, ang sabi ko wala naman sa akin ang pera (basta ba may maganda akong handfone, mp3 player at maayos-ayos na camera).

Sabi ni younger sis noon (hindi pa gaano katagalan) immature pa raw talaga ako. Dahil sa alam ko na hindi magugutom ang anak ko at may mga taong sasalo sa akin kaya hindi ko iniisip mag-ipon para sa pag-aaral ni Aya o para kahit sa akin man lang.

Akala ko kasi maganda na ang ugali ko ng ganoon.  Hindi pala, kasi sa kaiisip ko na wala sa akin ang pera ayan at wala nga akong kapera-pera.  Pero hindi ako yung hindi makaulagapay kung paano ako magkakaroon nito kasi nga siguro tama si younger sis dahil nakakakain ako ng tatlong beses maghapon, hindi ko kailangang problemahin si Aya dahil nandoon siya sa mga magulang ko at wala ng iba pa.  Ibig sabihin sa isip ko wala akong dapat pang problemahin sa buhay.

Hindi na ako bumabata pero ganito ako noon at ganito pa rin ako ngayon.  May mababago pa kaya?

 

 

Rate this:
2.5

Viewed 147 times by 54 viewers

 Dulaang katig '90   cultural theater group

mga taong gumugunita ng pinagmulan, pinagsibulan at kinamulatang mga kasama…kapatid…kaibigan…kahit kaaway…pamilya… sa hirap at ginhawa…balitaan,kumustahan. Mga taong babalikan ng tanaw, sa tuwing maiisip ang mga bahagi ng masaya,magulo,mahirap na pinagdaanan.malaking bahagi ng sarili na kung ano kami ngayon,at kung anong magiging kami bukas.

Continue Reading »

Viewed 194 times by 69 viewers

“Why we have bathroom here?”

“Because you sleep in the master’s bedroom, that’s why.”

“Hmmnn why it’s dirty?” sabay turo sa tiles.

“It’s not dirty Bi, It’s because of the brown design.”

Tingin si  Enane sa bintana ng bathroom sabay tanong ulit kung bakit sira ang palibot ng bintana.

“It’s not actually broken, maybe because this unit is old already, It was built more than 10 years ago I guess.” sagot ko

“Aha! 10 hundred years ago!”

Continue Reading »

Viewed 141 times by 50 viewers

Hindi ako si melai.

Pwede namang hindi ko ipakilala ang sarili ko…hmmnnn naipakilala ko na pala yun nga lang hindi ang tunay na pangalan ko ang madalas nyong makita.

Pwede ko namang hindi sabihin ang tunay kong pangalan, marami naman dito sa cyberspace ang mga may mukha na walang pangalan.  At mas marami ang mga may pangalan ngunit walang mukha.  Mga pangalan na ikinabit lang sa mga profile ng indibidwal na may ari ng websayt, maaring hindi totoong pangalan, maari ring hindi totoong indibidwal. 

Mas madalas kasi hindi sila iyong sinasabi nilang sila.  Mapaghabi ang mga daliri.  Mapaghabi ang mga matatalinong isip.

Hindi ako si melai.

Continue Reading »

Viewed 139 times by 47 viewers

Nahagip minsan ng mga mata ko iyong link ni Red Constantino sa blog ni Dong noon at siyempre dahil sa kilala ko siya binisita ko ang blog at nag-iwan ng mensahe.  Nagpakilala ako at sinwerte naman na natatandaan nya “daw” ako.  Nagkapalitan ng email add at mga linya ng handphone, nagkataon din na pauwi ako ng pinas noon kaya kahit nasa Indonesia siya napag-usapan namin na magkikita kami pag-uwi ko.  Ang problema pareho kaming busy, siya sa mga gawain niya na hindi ko ganoon kagagap, ako bilang isang domestic helper na nagbakasyon sa pinas.  Siyempre mas uunahin kong makapiling ang pamilyang halos dalawang taon kong hindi nakita.

Red ConstantinoSi Red para sa mas nakararaming nakakakilala sa kaniya ay mula sa angkan ng Philippine Historian na si Renato Constantino, pero sa aming mga simpleng mag-aaral ng PUP siya ay isang estudyante noon na nagtatag at nagtaguyod ng ABAKADA, isang student organization na masigasig na kumikilos para sa pagpapatalsik ng Base Militar noong bago magtapos ang dekada otsenta.

Ngayon isa na siyang manlalakbay upang makakalap ng mga kwento…makabuluhang kwento ng  bawat bansang mapuntahan nya.  At isang manunulat sa likod ng librong The Poverty of Memory: Essays on History and Empire.

Kanina nakatanggap ako ng isang email mula sa kanya, article na ginawa nya para sa Business Mirror. 

…..I’ve been away, but hopefully I’ve managed to get plenty
of material for good stories.  Below is a light piece for those who have
traveled, which means all of us — maybe it’s something to ponder on the
next time our worldly vessels take us a hundred miles south of
elsewhere.  The article came out today in the Business Mirror and I’ve
also placed it on my blog, along with a few musings about the fine,
crazy gang I worked with the previous month.  Also on the blog are two
nudges — the foreword to the Poverty and Memory book and a review
penned by the journo Boojie Basilio.  Visit
http://redconstantino.blogspot.com

Continue Reading »

Viewed 157 times by 56 viewers