Huling gabi mamaya ng Block Rosary dito sa bahay. Sa isang buwan na pananatili nito dito napagtyagaan naming magdasal ng rosaryo gabi-gabi. Napagtyagaan kasi hindi naman namin naging ugali ang magrosaryo lalo na kung gabi-gabi. Noong una sa isip ko bakit kailangan pang dasalin ito gayung paulit-ulit lang din naman, pwede bang isang beses lang? Sa isang beses 53 beses mo ng naidasal ang Hail Mary, 6 ang Our Father at 9 na Glory Be, huwag ng isama yung pagdasal ng Apostle’s Creed at Hail Holy Queen. Sa tingin ko noon pagkatapos ng unang kumpisal ko na ang pagdasal ng mga nabanggit ko ay parusa.
Paano ba namang hindi, pagkatapos mong sabihin sa pari na nangupit ako ng piso sa pitaka ng nanay ko, hindi ko sinusunod ang mga utos ng tatay ko at ang pakikipag-away ko sa mga kapatid ko ay sinabihan akong magdasal ng isang Ama Namin, Sampung Aba Ginoong Maria at tatlong Luwalhati.
Pagkatapos noon sabi ko “yehey!!! wala na kong kasalanan.”
Pero habang paulit-ulit akong “nagtatyaga” sa paulit-ulit na pagrorosaryo, ito rin yung panahon na paulit-ulit akong nababaon sa pag-iisip dala-dala ng parang roller coaster na emosyon. Pag-iisip kung may sakit nga ba ako o wala? pag-iisip kung makukuha ko ba yung hinihintay ko, pag-iisip kung ano ba ang role ko sa mundo at kung saan ba ko patungo. At syempre pa ang pag-iisip sa mga napakaraming walang kwentang bagay.
Hindi ko napapansin ito rin yung panahon na nalaman ko na may nasasandigan ako, may nasasabihan ng saloobin kapag oras na ng pagdadasal ng personal na intensyon.
Ito rin ang panahon na tinatanggap ko sa sarili ko na may pananampalataya pala ako…na hindi ako ang makakapagligtas sa sarili ko, dahil sa bandang huli inaamin ko na mayroong “SOMEONE, SOMEWHERE” na nagbabantay sa akin.
| 2.5 |
Viewed 294 times by 103 viewers









itot
manilenya







No comments yet.