Myerkules
Nagtapat ka ng iyong pag-ibig……… Hindi ko namamalayang kumakanta na pala ako. naalala ko si Imelda Papin at naalala ko rin yung unang-unang hit na kinanta nya yung Bakit……actually una ko tong naalala noong kinanta ito ni Rosita sa expulsion night two saturday ago sa PDA.
Paano ko makakalimutan yung isa sa madalas naming kantahing magkakapatid/magpipinsan habang nagsisiksikan kami sa pagdungaw sa maliit na bintana sa likod bahay ng lola namin. Doon natatanaw pa namin yung nag-iisang puno sa gilid ng plaza kung saan may basketball court. Habang tumatagal, nag-iiba ang mga istruktura ng mga bahay, hinahanap hanap ko yung dating plasa na abot tanaw lang ng ngayon ay bahay na ng tita ko. Wala na yung bintana ngayon dahil sa napatayuan na ng ibang bahay ang likod. Kung gaanong hindi na matanaw ang nawalang plasa dahil natayuan na rin ng bahayan…ganoon na rin parang hindi matanaw yung panahon ng kabataan kung saan sabay-sabay kaming nagkakantahan ng O Maliwanang Na Buwan.
Ngayon nagtataka pa ba ako kung bakit ang mga batang paslit ah nahahaling sa mga kanta nina April Boy Regino, Aegis, Sexbomb Dancer at kung sino sino pang mga feeling Jukebox King and Queen at mga novelty songs.
Pero unti-unti napapalitan iyon ng pagkahilig sa mga long playing album ng ABBA at Beatles na madalas patugtugin ni tatay, madalas nga sa sobrang nakakarindi na ginagawa na naming flying saucer ang mga plaka ni tatay. Hanggang sa maengganyo kaming pakinggan ang mga Slow Rock na pinapakinggan at piniplay sa jamming ng isang pinsan kasama ng kanyang mga kaadikan na tropa.
Sa bandang huli napansin ko na lang ang sarili ko nakaupo sa punong ibaba ng isang tulay habang nakikinig sa saliw ng Honesty ni Elton John sa may tapat ng isang Jukebox. Ninanamnam ang malamig na bato ng tulay…..ni wala sa hinagap na ilang araw lang mawawala ang tulay kasama ng maruming ilog sa tapat ng bahay.
| 2.5 |
Viewed 1223 times by 236 viewers

manilenya 
Welkam Bak Sa Akin!!!


No comments yet.