Lunes
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing inaabot ako ng siyam-siyam sa pag uupdeyt ng blog ay hindi ko alam kung paano ulit sisimulan. Hindi ito nagiging kasing dali sa tuwing may natatapos na panahon o bagay sa aking buhay, madali akong macope-up o akala ko lang yun? parang weird diba?
Hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa. Hindi ko alam kung sisimulan ko sa isang panaginip o sa isang kwento mula sa aking kabataan.
O simpleng ganito lang.
Hindi naman matatawag na hiatus ang limang araw na pagliban sa paggawa ng entry at lalong hindi matatawag na kasipagan ang paminsan-minsang pagsilip kahit sa sarili mong site.
Simpleng mga salita, simpleng pagpulandit ng mangilan-ngilang pangungusap na nagsasabi na okey naman ako ngunit hindi makakapa ng mga letra kung paano sisimulan ang tunay na kwento ng karanasan, opinyon, haka-haka o maging ng rebuttal ng isang bobang pinay.
Ngunit ang malinaw……..nakagawa ako ng entry para sa magandang Lunes.
Maligayang Lunes sa lahat!
*****
May job fair sa blag ni ms toots.
| 2.5 |
Viewed 1175 times by 240 viewers

manilenya 
Welkam Bak Sa Akin!!!


No comments yet.