Gumawa ako ng sariling bahay sa Kookabura Street, lugar na ginawa ni Leah para sa mga kapwa blagista na napapadaan sa bahay nya.
Natatandaan ko ang isang psychological test na ito noong kumukuha ako ng kursong sikolohiya sa kolehiyo noon. Sa exam ay gagawa ka ng bahay at makikita doon kung anong klaseng personality mayroon ang gumawa.
Siyempre nakaka-aliw na sa simpleng bagay na nilikha ng mga kamay mo ay malalaman mo kung anong personahe mayroon ka, kaya gumawa ako ng bahay at pinangalanan kong manilenya’s ancestral house.
Pagkatapos ng paggawa ng straktura ay ang sampung tanong tungkol sa ginawang bahay na pagkukunan ng summary ng iyong personality At ito ang lumabas sa aking personalidad.
You are sensitive and indecisive at times. You are a freedom lover and a strong person. You will avoid being alone and seek the company of others whenever possible. You love excitement and create it wherever you go. Once you have a problem, you need a friend with you. son.
When it comes to love, you shut yourself off. It’s difficult to win your heart because you have decided to keep your feelings deep inside. You see the world as it is, not as you believe it should be.
You are not a romantic person by nature. It also safe to say that others don’t see you as a flirt. You are self-confident and happy with your life.
Iyong unang linya parang totoo dahil sa madalas pag tinanong ako kung ano gusto ko ang isinasagot ko ay “ikaw bahala ka.” May ugali kasi ako na mas nakikibagay kaysa sa pinakikibagayan. Sensitibo ako sa nararamdaman ng ibang tao at sensitibo din ako sa maraming bagay pagdating sa emosyon yun nga lang hindi halata ng ibang tao.
Indecisive din dahil noon hindi ko talaga alam kung ano ang gusto kong gawin at marating sa buhay, pero ngayon alam na alam ko na kung ano ba talaga ang gusto ko yun nga lang hindi ko alam kung paano ko to magagawa o gagawin.
Mali yata yung “avoid being alone” dahil mas gusto ko ang nag-iisa, hindi ko kailangang makipaghalubilo sa maraming tao. At mas madalas din sinasarili ko lang ang mga problema ko at hindi na kinakailangang sabihin ko pa maging sa pinakamalapit na tao sa akin.
Tamang tama, saktong sakto ang pangalawang paragraph maliban sa huling statement dahil sa marami akong opinyon sa lipunan o mundong ginagalawan ko.
Ang panghuli, naalala ko ang sinabi ng pinsan ko noon tungkol sa akin. Ako daw yata ang taong walang karoma-romansa sa katawan.
| 2.5 |
Viewed 407 times by 136 viewers









athem short term medical insurance
manilenya







No comments yet.