Matagal ko ng gustong ipost ito since alam ko at alam nyo na walang maglalakas ng loob na ipost ako sa isang magazine o newspaper para ipangalandakan ko kung may nag-iba ba, nagbago, nadevelop sa akin bilang isang kulugo na naging tao.
Then
Naka naman! Eto yung sinasabi ni major na ang tapang daw ng loob ko na ipost ang aking picture nung bata pa ako kasama si youngest sis. What a place! what a dress! and what an ULIKBA!
Ang nanay ko kahit na sa gitna ng kamiserablehan ng kinagisnan naming lugar hindi niya kami pinagmumukhang malungkot. Ayan kahit na hindi bagay lagi kaming pinapasuot ng pambinyag tuwing sasapit ang pasko at ang damit na iyon, asahan mo suot-suot namin tuwing linggo sa simbahan, kapag may bertdeyan, pag mamasyal sa kung saan at minsan pati pambahay.
Medyo umokey-okey lang noong nasa elementarya kami hanggang sa umabot ako ng pangalawang taon sa sekondarya, pinagsusuot nya na kami ng pants, yun nga lang pare-pareho pa rin kaming 3 magkakapatid. pero magkakaiba ng kulay. Kung kulot ang buhok ng isa, kulot din ang dalawa syempre at iyan ay dahil sa nag-aaral maggupit at magkulot si nanay dahil sa walang pambayad sa parlorista.
Now
Ayan ako sa mga naghahanap kung bakit wala ako sa beach, hindi naka two piece. Wala namang nagbago lumaki lang ng konti humaba ang buhok pero ULIKBA pa rin. Hindi na ko stiff, marunong ng magpopose at nag-aastang maganda. Pero ganoon pa rin mukhang paa o mas swak na tawag mukhang kulugo sa paa. (Iklik lang ang larawan para sa mas marami pang ewan.)
Hindi na ako nagsusuot ng bestida tulad ng dati, wala na rin ang dating ilog sa larawan, napalitan ito ng beach ng Sentosa noong linggo.
Lumabnaw ang paniniwala na hindi na makaka-alis ng Tundo dahil ngayon gustong subukan na hindi lang semento at lupa ng mga kalapit bansa ang gustong tapakan.
Ang Sigaw ng Bayan! Paalisin nyo na kooooo!!!!!!
| 2.5 |
Viewed 287 times by 101 viewers









itot
manilenya









No comments yet.