Silos Beach @ Sentosa Island
Ewan ko kung mas napamulagat sila noong sinabi kong “Iba talaga ang mayaman ano, nakakagawa ng beach.”
Masikip iyong lugar kumpara sa mga beach sa pinas, pero siyempre nakakatuwa na ring manatili dito maghapon ng maiba naman at hindi puro mga nagtataasang gusali at mga shopping malls iyong papasyalan mo.
Malinis ang paligid, pinaligiran ng mga puno at nilagyan ng disenyo sa may di kalayuan ng tubig. Pero sa mga mahihilig magsilangoy at mahilig makipagsagupa sa alon tiyak na mababato sila dito dahil sa hindi sila pwedeng lumayo, may harang at puro malalaking bangka na ang makikita mo sa may di kalayuan. Kaya ang karamihan sa mga local dito mas nanaisin pang magtungo sa Malaysia, Indonesia, at Thailand sa tuwing sumasapit ang bakasyon. Tamang masarap lang kumain at uminom lalo na sa gabi sabay na pagpalo ng hangin sa buhok mo mula sa dagat at siyempre ang mga tunog ng alon masarap sa pandinig.
Pero ganunpaman, dito lang sa lugar na ito mo mararamdaman ang pakikipagniig sa kalikasan sa bansang ito dala ng dagat.
| 2.5 |
Viewed 1081 times by 209 viewers

manilenya 
Welkam Bak Sa Akin!!!


No comments yet.