Nakatutuwa lang na pagbuklat mo ng isang local newspaper dito sa Singapore ay may makikita kang nakafeature tungkol sa talentong pinoy. Usually ang madalas kong makita dito ay ang mga litrato ni GMA kung saan ubod laki ng ngiti at ubod ganda ng balita. Nagkaroon din ng panahon na nagbalita sila dito tungkol naman sa isang village o probinsiya sa pinas na pinaratangan nilang “village of killers” dahil sa karamihan ng may kasong pagpatay sa saudi at ibang bansa ay galing sa lugar na iyon. Kung naalala ninyo ang issue sa recent chop-chop lady na pinay din daw ang gumawa ng krimen, iyon yung panahon na iyon. At siyempre hindi rin nakaligtas ang bagyong milenyo, kaya kahit papaano wala man ang TFC dito nakakabalita pa rin naman kami tungkol sa pinas.
Noong unang tapak ng mga paa ko dito wala pang TFC, nakakasilay lang ang aking mga mata ng pinoy personalities sa tuwing nanonood ako ng MTV. Kita ko pa noon si Janno Gibbs kumakanta kasama si Pilita Corrales sa video at syempre kuntodo ngiti ako pero bigla namang nahomesick.
Pero recently lang habang nakikinig sa local radio station dito sabi ko parang familiar yung kanta, may tunog pinoy ito halos idikit ko pa iyong tenga ko sa radyo and then I realized na kanta nga ni Christian Bautista ang pinatutugtog. Apparently naging hits ito sa Singapore though madalas ko na ring marinig sa ilang mga kaibigan na sumikat na nga daw ang The Way You Look At Me sa Indonesia, Thailand, Malaysia at ibang karatig pook dito sa Asia. Nakuha ng singer ang pulso ng mga Singaporean at naging Top 1 siya sa local hit charts ng 98.7 dito at dahil doon siyempre naimbitahan siyang mag co-DJ noong Byernes.
Bago pa iyon ang Rivermaya ay naging paboritong Filipino Band ng mga locals dito. Noong isang taon nagkaroon sila ng Back to Back concert ng Elecrtrico ang local rock band ng Singapore at nitong September ay nirelease nila iyong album nila na may single na You’ll Be Safe Here at ang good news ay naging top seller ito in two weeks, galing!!! Although matagal na iyong mga kanta nila sa pinas at least humahataw pa rin sa market dito.
Ngayong araw na ito dalawang magkaharap na pahina ang ibinigay ng isang local newspaper dito sa mga pinoy talents na nakilala dito sa Singapore, ang saya diba kasi madalas puro mga T-J-K-Pop (Taiwan, Japan, Korea) ang pinagbubuhusan nila ng panahon na isulat.

Taray diba?
Next daw na magrerelease ng album ay ang Bamboo kaya tiyak naka antabay ang mga pinoy dito.
Hindi ko namention iyong pelikulang pinagbidahan ni Alessandra de Rossi na The Maid, ipinalabas ito noong nakaraang taon, horror ang tema ng pelikula at nakakatuwa ding tinanggap din ng mga tao ang pelikula. Sana magtuloy-tuloy na iyong pagpasok ng pinoy music industry sa Asia o maging ng buong Entertainment Industry para matulungan si Gloria na mapanatili sa 2nd World and ekonomiya ng pinas ano? Syempre pasok din ng pera yun sa kanya…….(teka tawa muna ko hek hek hek!!!)
| 2.5 |
Viewed 867 times by 179 viewers

manilenya

