Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen used to rule the world, now she will rule her digital scrapping atsutsutsu!

        (Updated 1 day, 7 minutes ago)

      Please visit this site
      Ads here
      • Advertise Here
        Chitika Referral
        Performancing Hive
        Social Media Marketi
        Authority Builder
        Blog Management
        Blog Stats
    Recent Comments
    Sponsors
TLC Results
By User Imagemanilenya | No CommentsLeave a Comment
Last updated: Friday, November 3, 2006

Truth

3. Dating artista sa teatro <--- sa maniwala kayo at sa hindi totoo po yan at ang walang kamatayang tawag ko sa sarili ko ay "artista ng bayan", madalas ay street interpretative dance at iyon ang itinatanghal sa paanan ng mendiola, sa may harapan ng dating Popeye sa PUP, sa harapan ng Post Office sa may Liwasang Bonifacio at sa kahabaan ng kalsada ng Roxas Boulevard sa tuwing panahon ng Mahal na Araw.  Isama na rin natin ang pagbibigay ng workshops sa mga urban poor area lalo na iyong may mga demolisyon at pagtatanghal sa mga espesyal na araw ng ibat-ibang sektor ng lipunan tulad ng mga mangingisda,magsasaka at mga manggagawa.

4. Nangarap maging Titser noong bata pa, halos lahat naman yata e diba.

5. Nangarap sumabak sa eleksyon <--- SK election.  Sabi ko baka may magawa ako sa aming komunidad, maabot ko man lang ang mga kabataan, mag-organisa ng isang theater organization para maiwas sa masasamang bisyo, pero noong nag-ganyak ako ng magiging vice chairman ko sana, tinurn-down ako.  Busy daw siya sa trabaho (service crew sa isang fast food chain, yun bang may bubuyog ba yun?).  Nawalan ako ng gana hindi ko tinuloy, kamukat mukat mo iyong impakto, kuneho at mukhang ewan na kinausap ko ay tumakbo at nanalo bilang SK kagawad tsk tsk tsk tsk!

7.Tumpak! ako ay isang kagalang-galang na Domestic Helper.  Ang tawag sa akin ay Bagong Bayani sa lupa na kinamatayan ni Flor Contemplacion.

8. Single Mom at kilalang-kilala nyo na ang aking baby.

9.Mukhang paa.  Bonus ba ito? depende kasi yan sa persepsyon ng makakakita sa akin.

10. Katulad ni Sasha hindi nawawala ang nesvita cereals sa umaga. <--Speaking of cereal kailangan ko na palang bumili.

14. Nagpapanggap na writer. <---tunay at walang pakundangan kong inaamin.

15. Inlababo.  Ewan ko ang pakiramdam ko laging inlab kahit saan, kahit ano at kahit sino.  Nandoon iyong isang emosyon na nararamdaman ko sa tuwing nakakarinig ako ng isang magandang musika, isang napakagandang istorya sa libro, dyaryo o pelikula at kahit na sa mga simpleng positibong salita na aking nakikita dito sa aking pahina.  Hindi naman siguro kailangang sa opposite sex lang ako mainlab ano?

And Lies

1. Ayoko ng baboy. <--- Gusto ko yung unang single ng RadioActive Sago Project na Ayoko ng Baboy.  Hindi ko pwedeng ayawan ang baboy para akong umayaw sa grasya, mahal ang baboy madalas mahirap makakain niyan ang mga walang pambili.

2. Ako’y sikat na nobelista ng Valentine Romances at Precious Hearts (baka daw sabi ni razz). <---Wish ko lang sana para kahit papano ay kumikita ako, pero malabo dahil hindi ako makagawa ng kwento tungkol sa pag-ibig.  Isa pa hindi ako manunulat, nagpapanggap lang.

6. Kinarga ni Imelda Marcos sa isang political rally noon.<<---Isa yata sa imahinasyon ko pero alam ko totoo na nagkaroon ng political rally sa amin noon at dalawa kaming mga kuting na nakipagsiksikan sa dami ng tao, sa may harapan manghang-mangha kami sa naggagandahan nilang mga kasuotan lalo na syempre sa damit ni Meldific.  Noong pag-uwi namin sabi ko sa kasama ko, “sabihin natin sa nanay ko kinarga ako ni Imelda sa may stage ha!”.  Nanlalaki pa noon ang mga mata ko para naman kasing “Huwaw” sa ganda ni Imelda at ang kinis ng balat, malabo na makakita ka sa squatters area ng ganung itsura.  At syempre Unang ginang at Gobernadora ng Maynila (ewan ko lang kung noon alam ko na ganun siya).  Isa sa mga white lies noong maliit pa ako.  Ewan ko kung natatandaan pa ni nanay to.

11. Honor student noong elementarya.<<---Kailan man hindi ako naging honor student, boba nga ako diba?

12. Nagpapantasya kay Brad Pitt.<<--Wala siya sa listahan ng mga naging boyfriend ko.

13. Nagtapos sa Unibersidad at nangangarap na makapagtapos ng Masteral at PHD.<<---Hindi na ko tinanggap ng PUP sayang daw ang perang nagastos sa akin ng gobyerno.  Medyo hindi ko gaanong nakita yung nagastos nila sa akin pero yung mga nagastos ng nanay ko sa mga pamasahe ko, miscellaneous fee (tama ba spelling?) at mga school projects ko kitang kita ko.

Si tin-tin ay may apat na tamang kasagutan, tatlo ang kay mics… o siya siya sama na natin ang ika siyam, kunwari hindi ako mukhang paa, kaya apat si mics, apat din ang kay TK, Si Vince ay may apat din. Tama ang apat na sagot ni Peter, dalawa ka lang Sasha sorry ka gawin mo ulet yan (singit ng tawang baliw), apat ka razz pero dapat tatlo lang e kulet mukha nga kasi akong paa. Tatlo si rHo at apat din si Ms ghee.

Ang huhusay! at dahil diyan sige hindi na ko magbibigay ng parusa.  Mabait ako e!

Rate this:
2.5

Viewed 331 times by 104 viewers

RSS feed | Trackback URI

Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.