Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Please visit this site
    Recent Comments
      Shout Out!
    Sponsors
» 2006 » November

Domestic violence happens everywhere. It affects someone near you. At least 1 in 3 women has been beaten, coerced into sex, or otherwise abused in her lifetime. Usually, the abuser is a member of her own family or someone known to her.

Get active against domestic violence as part of the 16 Days of Activism.

Kicking off on November 25 - International Day Against Violence Against Women – make the human rights of women your business. For 16 days, until December 10 - Human Rights Day – you can take a different action every day. Tell the world about this human rights scandal and make governments act on their obligations to women.

Be an activist against domestic violence!

Email ng Amnesty International, nalalapit na nga ang International Human Rights Day kaya nalalapit na rin ang isa sa madalas na “ordinaryong araw ko”.  Pero kakaiba sa “ordinaryong araw” ko may nauna ng naka-alala at bumati.

Continue Reading »

Viewed 167 times by 60 viewers

rosary Huling gabi mamaya ng Block Rosary dito sa bahay.  Sa isang buwan na pananatili nito dito napagtyagaan naming magdasal ng rosaryo gabi-gabi.  Napagtyagaan kasi hindi naman namin naging ugali ang magrosaryo lalo na kung gabi-gabi.  Noong una sa isip ko bakit kailangan pang dasalin ito gayung paulit-ulit lang din naman, pwede bang isang beses lang? Sa isang beses 53 beses mo ng naidasal ang Hail Mary, 6 ang Our Father at 9 na Glory Be, huwag ng isama yung pagdasal ng Apostle’s Creed at Hail Holy Queen.  Sa tingin ko noon pagkatapos ng unang kumpisal ko na ang pagdasal ng mga nabanggit ko ay parusa.

Continue Reading »

Viewed 159 times by 55 viewers

Nahihirapan akong iaccess ang comment page, sitemeter ko at maging ang Gmail.  Kasing hirap mag-isip kung ano ba ang pwedeng iblag para sa araw na ito.  Mala-diary sana ang dating, ang tikas ng mukha kong maghabol akala mo may deadline sa pagbablag.  Sabi na nga ba e hindi naman kailangang araw-arawin dahil nawawala ang kalidad.  Kung baga sa produktong ibinebenta sa karaniwang tao…. kailangang bang magsuffer ang bibili nito.

Huwebes na, bukas Byernes sasapit na naman ang Linggo’t Sabado, iplinag ko na yung tatlong araw na nabanggit dahil baka hindi na ko makabalik, sa ibang araw naman. Sabi ko na nga ba e hindi na ko magdadiary, noong high school kasi ako bigla kong naisip na magdiary. Bumili pa ko ng isang malaking record book. OO record book hindi yung mala stationary na notebook o yung diary talaga, hindi kasi ako mahilig sa kaartehan o yung kinahihibangan ng mga teenager na magagandang klaseng notebook, mahal kasi.

Doon sa record book sumulat ako ng Dear Diary, pagkatapos sumulat ako ng medyo mahaba-habang kwento, nagkwento ako tungkol sa kras ko noon na kras din ng barkada ko at naging syota nya nung bandang huli. Kaya nga doon ko sinulat e kasi kahit barkada ko siya di ko maikwento baka sabihin nang-aagaw pa ko ng kras ng may kras. Nakita yung “diary” ko ng ewan ko kung si younger sis o si youngest sis, niloko ako….nainis ako. Pinilas ko yung pahina ng mala-diary kong kwento, nabuko ako e kaya sabi ko hinding hindi na ko magdiadiary pa ulit.

Ang ginawa ko sa record book, sinulatan ko ng isang plot, mga karakter at nagumpisa akong gumawa ng kwento, sabi ko pwedeng nobela pero hindi ko na nasundan pa yung inumpisahan kong kwento.  Tinamad ako.  Tamad kasi ako e.

Hanggang sa hindi ko na siya nagawa. Naging pakalat kalat nung record book ko, madalas makita tuloy ng mga bisita…babasahin pagkatapos sasabihin sa kin “….ang hilig mong gumawa ng ganito ano?” feeling ko tinutuya ako kaya sabi ko sa sarili ko “huling basa mo na yan ng sinasabi mong hilig kong gumawa nyan.” Hindi na nga ako gumawa.

Pero ito next time, pag nakita siya sabihin ko “basahin mo to”.

Rate this:
2.5

Viewed 149 times by 53 viewers

Nagtapat ka ng iyong pag-ibig……… Hindi ko namamalayang kumakanta na pala ako.  naalala ko si Imelda Papin at naalala ko rin yung unang-unang hit na kinanta nya yung Bakit……actually una ko tong naalala noong kinanta ito ni Rosita sa expulsion night two saturday ago sa PDA. 

Paano ko makakalimutan yung isa sa madalas naming kantahing magkakapatid/magpipinsan habang nagsisiksikan kami sa pagdungaw sa maliit na bintana sa likod bahay ng lola namin.  Doon natatanaw pa namin yung nag-iisang puno sa gilid ng plaza kung saan may basketball court.  Habang tumatagal, nag-iiba ang mga istruktura ng mga bahay, hinahanap hanap ko yung dating plasa na abot tanaw lang ng ngayon ay bahay na ng tita ko.  Wala na yung bintana ngayon dahil sa napatayuan na ng ibang bahay ang likod.  Kung gaanong hindi na matanaw ang nawalang plasa dahil natayuan na rin ng bahayan…ganoon na rin parang hindi matanaw yung panahon ng kabataan kung saan sabay-sabay kaming nagkakantahan ng O Maliwanang Na Buwan.

Ngayon nagtataka pa ba ako kung bakit ang mga batang paslit ah nahahaling sa mga kanta nina April Boy Regino, Aegis, Sexbomb Dancer at kung sino sino pang mga feeling Jukebox King and Queen at mga novelty songs.

Pero unti-unti napapalitan iyon ng pagkahilig sa mga long playing album ng ABBA at Beatles na madalas patugtugin ni tatay, madalas nga sa sobrang nakakarindi na ginagawa na naming flying saucer ang mga plaka ni tatay.  Hanggang sa maengganyo kaming pakinggan ang mga Slow Rock na pinapakinggan at piniplay sa jamming ng isang pinsan kasama ng kanyang mga kaadikan na tropa.

Sa bandang huli napansin ko na lang ang sarili ko nakaupo sa punong ibaba ng isang tulay habang nakikinig sa saliw ng Honesty ni Elton John sa may tapat ng isang Jukebox.  Ninanamnam ang malamig na bato ng tulay…..ni wala sa hinagap na ilang araw lang mawawala ang tulay kasama ng maruming ilog sa tapat ng bahay.

Rate this:
2.5

Viewed 174 times by 65 viewers

Nagpapakyut lang, napansin ko na ang layo na pala ng narating ko.  Mula sa isang ugaling ipinagkakaila ang sarili sa tuwing makikita ko yung mga luma kong litrato, at mula sa isang dating takot na takot magpakuha ng litrato, eto ako nahihilig magpakyut kapag may kamera.  Buti na lang digicam na ngayon dahil maari ng pumili kung anong sariling litrato ang gusto mong ipangalandakan sa madla.

Hindi pa rin kagandahan katulad nung sinabi ng isang badingerzy na naghihimok sa isang pinsan na mag-japan dahil sa angking ganda at kaseksihan.  Tinanong ko siya kung bakit ako ayaw nyang ayain, tinignan nya ako at sinalampak sa mukha ng mga salitang “hindi ka naman kagandahan e!”

Heniways, fast is fast este past is past.  Madaling makalimutan yung mga bagay o mga salita na gusto mong kalimutan, sabi nga hindi nasusukat sa gandang panlabas ang kagandahan.  Ito’y nasa puso, nasa salita at nasa gawa.

Rate this:
2.5

Viewed 147 times by 59 viewers

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing inaabot ako ng siyam-siyam sa pag uupdeyt ng blog ay hindi ko alam kung paano ulit sisimulan.  Hindi ito nagiging kasing dali sa tuwing may natatapos na panahon o bagay sa aking buhay, madali akong macope-up o akala ko lang yun? parang weird diba?

Hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa.  Hindi ko alam kung sisimulan ko sa isang panaginip o sa isang kwento mula sa aking kabataan.

O simpleng ganito lang.

Hindi naman matatawag na hiatus ang limang araw na pagliban sa paggawa ng entry at lalong hindi matatawag na kasipagan ang paminsan-minsang pagsilip kahit sa sarili mong site.

Simpleng mga salita, simpleng pagpulandit ng mangilan-ngilang pangungusap na nagsasabi na okey naman ako ngunit hindi makakapa ng mga letra kung paano sisimulan ang tunay na kwento ng karanasan, opinyon, haka-haka o maging ng rebuttal ng isang bobang pinay.

Ngunit ang malinaw……..nakagawa ako ng entry para sa magandang Lunes.

Maligayang Lunes sa lahat!

*****

May job fair sa blag ni ms toots.

Rate this:
2.5

Viewed 173 times by 61 viewers

Lesson learned from yesterday:

Kahit pala anong yaman ng isang bansa nasisiraan pa rin ng bus.

*****

Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ako magyoyosi  Hindi na ko…..

Continue Reading »

Viewed 184 times by 71 viewers

Gumawa ako ng sariling bahay sa Kookabura Street, lugar na ginawa ni Leah para sa mga kapwa blagista na napapadaan sa bahay nya.

Natatandaan ko ang isang psychological test na ito noong kumukuha ako ng kursong sikolohiya sa kolehiyo noon.  Sa exam ay gagawa ka ng bahay at makikita doon kung anong klaseng personality mayroon ang gumawa.

Siyempre nakaka-aliw na sa simpleng bagay na nilikha ng mga kamay mo ay malalaman mo kung anong personahe mayroon ka, kaya gumawa ako ng bahay at pinangalanan kong manilenya’s ancestral house.

manilenya;s ancestral house

Continue Reading »

Viewed 183 times by 69 viewers

Matagal ko ng gustong ipost ito since alam ko at alam nyo na walang maglalakas ng loob na ipost ako sa isang magazine o newspaper para ipangalandakan ko kung may nag-iba ba, nagbago, nadevelop sa akin bilang isang kulugo na naging tao.

Then

ulikba

Naka naman! Eto yung sinasabi ni major na ang tapang daw ng loob ko na ipost ang aking picture nung bata pa ako kasama si youngest sis.  What a place! what a dress! and what an ULIKBA!

Continue Reading »

Viewed 154 times by 63 viewers

Silos Beach @ Sentosa Island 
Habang pinaglalaro-laro ko iyong paa ko sa buhanginan naitanong ko kay younger sis kung saan kaya binili yung buhangin dito sa Sentosa Beach.  Medyo napamulagat yung ibang mga kaharap namin sa tanong ko, isip-isip siguro bakit bibili ng buhangin para sa beach?

Ewan ko kung mas napamulagat sila noong sinabi kong “Iba talaga ang mayaman ano, nakakagawa ng beach.”

Masikip iyong lugar kumpara sa mga beach sa pinas, pero siyempre nakakatuwa na ring manatili dito maghapon ng maiba naman at hindi puro mga nagtataasang gusali at mga shopping malls iyong papasyalan mo.

Malinis ang paligid, pinaligiran ng mga puno at nilagyan ng disenyo sa may di kalayuan ng tubig. Pero sa mga mahihilig magsilangoy at mahilig makipagsagupa sa alon tiyak na mababato sila dito dahil sa hindi sila pwedeng lumayo, may harang at puro malalaking bangka na ang makikita mo sa may di kalayuan. Kaya ang karamihan sa mga local dito mas nanaisin pang magtungo sa Malaysia, Indonesia, at Thailand sa tuwing sumasapit ang bakasyon. Tamang masarap lang kumain at uminom lalo na sa gabi sabay na pagpalo ng hangin sa buhok mo mula sa dagat at siyempre ang mga tunog ng alon masarap sa pandinig.

Pero ganunpaman, dito lang sa lugar na ito mo mararamdaman ang pakikipagniig sa kalikasan sa bansang ito dala ng dagat.

Rate this:
2.5

Viewed 139 times by 53 viewers

Nakatutuwa lang na pagbuklat mo ng isang local newspaper dito sa Singapore ay may makikita kang nakafeature tungkol sa talentong pinoy.  Usually ang madalas kong makita dito ay ang mga litrato ni GMA kung saan ubod laki ng ngiti at ubod ganda ng balita.  Nagkaroon din ng panahon na nagbalita sila dito tungkol naman sa isang village o probinsiya sa pinas na pinaratangan nilang “village of killers” dahil sa karamihan ng may kasong pagpatay sa saudi at ibang bansa ay galing sa lugar na iyon.  Kung naalala ninyo ang issue sa recent chop-chop lady na pinay din daw ang gumawa ng krimen, iyon yung panahon na iyon.  At siyempre hindi rin nakaligtas ang bagyong milenyo, kaya kahit papaano wala man ang TFC dito nakakabalita pa rin naman kami tungkol sa pinas.

Continue Reading »

Viewed 165 times by 62 viewers

Truth

3. Dating artista sa teatro < --- sa maniwala kayo at sa hindi totoo po yan at ang walang kamatayang tawag ko sa sarili ko ay "artista ng bayan", madalas ay street interpretative dance at iyon ang itinatanghal sa paanan ng mendiola, sa may harapan ng dating Popeye sa PUP, sa harapan ng Post Office sa may Liwasang Bonifacio at sa kahabaan ng kalsada ng Roxas Boulevard sa tuwing panahon ng Mahal na Araw.  Isama na rin natin ang pagbibigay ng workshops sa mga urban poor area lalo na iyong may mga demolisyon at pagtatanghal sa mga espesyal na araw ng ibat-ibang sektor ng lipunan tulad ng mga mangingisda,magsasaka at mga manggagawa.

4. Nangarap maging Titser noong bata pa, halos lahat naman yata e diba.

5. Nangarap sumabak sa eleksyon < --- SK election.  Sabi ko baka may magawa ako sa aming komunidad, maabot ko man lang ang mga kabataan, mag-organisa ng isang theater organization para maiwas sa masasamang bisyo, pero noong nag-ganyak ako ng magiging vice chairman ko sana, tinurn-down ako.  Busy daw siya sa trabaho (service crew sa isang fast food chain, yun bang may bubuyog ba yun?).  Nawalan ako ng gana hindi ko tinuloy, kamukat mukat mo iyong impakto, kuneho at mukhang ewan na kinausap ko ay tumakbo at nanalo bilang SK kagawad tsk tsk tsk tsk!

7.Tumpak! ako ay isang kagalang-galang na Domestic Helper.  Ang tawag sa akin ay Bagong Bayani sa lupa na kinamatayan ni Flor Contemplacion.

8. Single Mom at kilalang-kilala nyo na ang aking baby.

9.Mukhang paa.  Bonus ba ito? depende kasi yan sa persepsyon ng makakakita sa akin.

10. Katulad ni Sasha hindi nawawala ang nesvita cereals sa umaga. < --Speaking of cereal kailangan ko na palang bumili.

14. Nagpapanggap na writer. < ---tunay at walang pakundangan kong inaamin.

15. Inlababo.  Ewan ko ang pakiramdam ko laging inlab kahit saan, kahit ano at kahit sino.  Nandoon iyong isang emosyon na nararamdaman ko sa tuwing nakakarinig ako ng isang magandang musika, isang napakagandang istorya sa libro, dyaryo o pelikula at kahit na sa mga simpleng positibong salita na aking nakikita dito sa aking pahina.  Hindi naman siguro kailangang sa opposite sex lang ako mainlab ano?

Continue Reading »

Viewed 139 times by 49 viewers

Wala naman akong planong gawing nobela ang daydreamer ethel, nakapagkwento lang. Hindi ko man natapos ang kwento napakaigsi naman ng susunod sanang senaryo.

“Ang huli ko lang naalala ay nakasakay kaming mag-iina sa eroplano patungo sa US, walang anumang bakas ang aking mukha.  Walang makikitang lungkot at paghihinagpis………blangkong blangko habang ang mga mata ay nakatutok sa kawalan.”

Tapos na po.

Continue Reading »

Viewed 117 times by 45 viewers