Nais kong makipaglaro sa alon
At sa saliw ng hangin ay sumayaw
Nais kong makatalik ang rilag ng kalikasan
Ngunit mananatili bang pangarap na lamangMga dagat at ilog ay may lason at dugo
Kailan kaya ito mahihinto
Isang araw bawat tuwa ay papanaw
Mga bata’y masasadlak sa hirap ng buhayHalinang likhain, itayo ang bukas
Para sa ating mga anak
Ipaghanda sila ng daigdig na sagana
Nasa atin ang panahon
Sound trip ang naging inog ng mundo ko ngayong araw na ito matapos kong mabasa yung magandang balita. Tipong makabayan ba. Sino nga ba naman ang hindi matutuwa ng ibasura ng Korte Suprema ang petition sa pagpababago ng Saligang Batas para lang maitulak ang unicameral-parliamentary system.
Walo sa labinglimang myembro ng Korte Suprema ang nagsasabing hindi sila magpapagamit para maloko ng pekeng inisyatibo ang sambayanang pilipino.
Huwag na sanang ipagpilitan pa, panahon pa ni Ramos yan kauupo nya pa lang sa pwesto gusto nya ng ipabago ang konstitusyong inamyendahan noong 1987. At ngayon tipong magagamit ni GMA para matakasan ang ginawa nyang pandaraya noong nakaraang eleksyon lantaran ang pagsuporta nga ba o syang lider sa likod ng Charter Change isyu na ito.
Sana nga lang sa mga susunod na panahon huwag ng bumaligtad pa ang Korte Suprema.
Iyong kanta sayang hindi ko maupload wala akong alam na site na pwedeng maghost ng file. Una ko tong narinig huwag na nating pag-usapan ang panahon sa kolehiyo. Naalala ko tuloy si Rom kasama ni Noel Cabangon sa Buklod noon, may kaitiman at pag may mga malalaking pagkilos para siyang drayber na bumaba sa driver’s seat para ayusin ang trapiko pero ewan ko ..yan ang tunay na kilabot ng mga tibak na kolehiyala. Basta may isang konsyerto na nanahimik ang mga katabi kong aktibista sabay-sabay sabing kras ko yan.
Maganda ang melody, soothing ikanga ng isang DJ dito sa kanta ni Christian Bautista at higit sa lahat napakaganda ng tema …
Halinang likhain, itayo ang bukas
Para sa ating mga anak
Ipaghanda sila ng daigdig na sagana
Nasa atin ang panahon……….Nasa atin ang lakas………..
Hindi si Gloria at ang mga kaalyado niya ang dapat asahan sa pagtataguyod ng bandila ng pagbabago sa kinabukasan ng Pilipinas tulad ng sinabi niya sa kanyang speech sa League of Municipalities kanina.
Nasa atin ang panahon……….Nasa atin ang lakas………..
| 2.5 |
Viewed 688 times by 163 viewers

manilenya

