Untitled
Prologue:
Noong katorse anyos ako may kambal akong madalas kasama, susunduin namin sila sa bahay nila na di kalayuan sa bahay namin at tutuloy na kami sa simbahan. Mga choir member kami at mga kawal ni Mama Mary (Legion of Mary).
Pag labas ng bahay nila kakausapin muna ng isa ang mama niya pagkatapos bago umalis sasabihan niya ng “ang baho ng hininga mo!”
Maya-maya susunod ang isa, kakausapin pansumandali ang kanyang ina pagkatapos ay sasabihing “mukha kag tamod!” sabay lalabas ng bahay ay maglalakad na kami papunta sa simbahan.
Madalas magreact ako sa tinuran ng isang kambal, sabi ko bakit ganoon parang hindi niya nirerespeto ang mama niya, pero mukhang wala naman sa mama niya yun e. Ritwal na yata sa kanila yun. Sa huli kong nabanggit wala akong masabi, sa dahilang hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng tamod noon.
Senaryo sa loob ng taxi habang binabaybay ang Suntec City patungong Orchard Road.
Silang tatlo ang mga karakter syempre at ako tignan nyo doon sa taas, manghula na lang kung sino ako sa dalawang babae diyan. Ang tatlong bida sina Beyok, Jo at si Bes Jenn.
Bess Jenn: Ano ba yung tamod? masama ba yun?
(Hindi ko alam kung nagpapanggap na bagong silang ang babaing ito.)
Ako: Yung egg cell ba masama sa tingin mo?
Bess Jenn at Jo (sabay sila): Hindi.
Ako: Ang tamod ay sperm cell so hindi siya masama diba?
Bess Jenn: Ahh yun pala yun.
(Sarap kotongan neto masyadong nag mamang-maangan tsk tsk tsk!)
Masyado yata kaming inaaliw ni uncle drayber dapat sandali at dire-diretso lang mula Suntec City patungong Orchard Road, kung saan saan pa kami inikot-ikot kaya kung anu-ano na napag-usapan namin sa loob.
Paghinto sa Cathay Cineplex, manonood kami ng Sukob, pinalabas dito sa Singapore. Sumabat si Beyok.
Beyok: Tamod ba ikamo? gusto mo bigyan kita ng tamod?
(Sabay sabay naming hinampas ng dala-dala naming mga bag ang ulo ni Beyok. Doon na kasi papasok ang kabastusan pag nagpatuloy pang magsalita si Beyok.)
Ewan ko kung ano ang sinasabi sa sarili ni uncle driver ….kung bakit namin pinag-uusapan ang sperm cell sa salitang tagalog ….. bahala na siyang mag-isip.
Epilogue:
Hindi namin napanood ang Sukob, nahuli kami sa oras ng palabas at kasalanan iyon ni uncle driver. Pero wala na siya kaya hindi namin siya masasabunutan hanggang sa maubos ang mga buhok niya.
Nagpasiya kaming manood na lang ng Rob-B-Hood, maganda daw sabi ni Bess Jenn napanood daw niya ang full trailer. Pagdating sa loob para kaming nanonood ng Korean drama na kailangan magbasa ng subtitle kaysa sa panoorin ang palabas.
Tsk tsk tsk. Pangiti-ngiti ang walang kamuwang-muwang na si Bess Jenn, sarap pitikin ang ilong.
| 2.5 |
Viewed 1118 times by 226 viewers

manilenya 

Welkam Bak Sa Akin!!!


No comments yet.