“……..pero sabi nga di ba malaya ka, kung sakaling mali yung desisyon mo, may pagkakataon pa .. hindi ako naniniwalang may mali o may tama pero naniniwala ako na may matututunan ka sa desisyong gagawin mo at sa bandang huli ikaw pa rin ang panalo.”
Binaha na ako dito, ilang balde na ng luha ang naitapon ko, mahaba-haba na rin ang naisulat/naitipa ko pero para akong binisita ni milenyo. Binagyo, sinagi ng matinding hangin…ipu-ipo na nag aalimpuyo at binura ang mga ideyang ibinigay ng mga tikatik ng keyboard ko.
Hapon na at kahit na ilang demonyo siguro ang humarang sa gitna namin ng pc na kaharap ko tiyak na tiyak ko na gusto kong tapusin ang entry na ito.
Kulet!
Isa lang naman ang gusto kong ipunto. Hindi ko alam kung positibo o negatibo ang ugali kong ito - iyon bang optimistic masyado - “i always look at the bright side of life ” ika nga. Kung may pagkakamali man naroon ang lungkot sa naging resulta pero wala ang pagsisisi.
Hindi dahil sa ayaw kong magsayang ng luha o magsayang ng panahon sa mga bagay na hindi nangyari gawa ng mali kong desisyon o mga pagkakamali ko, kundi dahil sa sa tingin ko ay may mas magandang mangyayari sa akin mas higit pa sa kung anuman ang nawala sa akin o hindi ko nakamit. Nakakatawa kasi kung iisipin parang masyadong superficial - hindi totoo na pinaniniwalaan ko na may maganda pa ngang darating sa akin- pero ayaw ko lang mabuhay na sakmal sakmal ng kalungkutan at sa bandang huli ay ng kadesperaduhan.
| 2.5 |
Viewed 270 times by 110 viewers









itot
manilenya







No comments yet.