manilenya

Mga karanasan, haka-haka, opinyon at rebuttal ng isang bobang pinay
Subscribe

6 random things about me

October 09, 2006 By: User Imagemanilenya Category: Meme, pasakalye

Pagkatapos ng mga makaputol hiningang mga pangyayari noong mga nakaraang araw siguro kailangan namang harapin ko ang mga naiwang tag ni Jhay na nilipasan na ng panahon.

6 Random Things About Me.  Pangatlo na siguro ang tag na ito, pero dahil sa ang sabi nga ni Jhay sa akin isa daw  paraan ang pagsagot sa mga tag ng tulad ng ganito upang mas lalo pang makilala ng mga  blogger ang kapwa niya blogger ng higit pa sa mga naisusulat niya sa mga blog entry niya.  Malabo.  Kaya kailangang palinawin natin.

6 Random Things About Me.

Kahapon habang naghihintay ng panonoorin naming palabas sa sinehan kasama ng mga kaibigan, nagdesisiyon silang ubusin ang oras sa isang gaming shop.  At doon habang naglalaro sila, naghanap naman ako ng isang lugar sa loob na may malinaw na ilaw at nagbasa ng librong dala-dala ko.  Call me KJ pero wala yata akong panahon na ubusin ang oras at pera sa paglalaro ng kung anu-anong games.

Coffee Drinker.  Dalawa hanggang tatlong tasa isang araw kahit anong oras, kulang na lang ay gumising ako sa madaling araw para lang uminom ng kape. Pero hindi ako tulad ng iba na kailangan pang dumayo sa mga mamahaling coffee shop para lang magkape, tama na sa akin ang three in one na stock sa bahay at hindi ako iyong tipong kakabisaduhin pa ang iba’t-ibang flavor ng kape para lang ipamukha na isa akong coffee drinker.  Ang masasabi ko lang aroma pa lang ng kape nakakapagbigay na ng nginig sa aking katawan at kailangan paninumin nyo ko ng kapeeeeeeeee!!!!!

SUPERWOMAN.  Superwoman ang natatandaang kong tawag sa akin ni youngest sis hindi Darna, hindi Ligaya.  Superwoman dahil hindi niya lubos maisip kung paano ko nagagawa ng sabay-sabay ang mag-aral, magtrabaho sa isang computer shop, magbasa ng makapal na libro, magchat online, gumimik at mag-alaga ng isang sobrang kulit na bata.  Hindi niya daw kakayanin iyon.  Hindi ko lang masabi sa kanya na dahil sa lahat ng iyon …………hindi na ko natutulog.

Late bloomer.  Si youngest sis din ulit ang nagsabi nito.  Pagkatapos ng lahat-lahat at the age of mid 20’s saka lang daw ako naging bata.  nightlife, hanging-out with friends i met online, babad sa pc, yosi at alak.  But don’t worry guys hindi naman ako naging talamak. Noon ko rin narealize na responsable akong tao at anak.

I love the nightlife,  I got to boogie on the disco ’round, oh yeah.  Isa mga bagay na gustong gusto kong gawin ay ang magparty all night.  Iba ang feeling ko kapag lumabas ako  o nasa dance floor.  I’m on a high!  Pero syempre hindi ko nagagawa iyan ng madalas.  Mahirap ang maging mahirap.

Uta-uta, aning-aning, may kuliling.  Ayaw akong kausap ni younger sis.  Hindi ko masabi ang gusto kong masabi, hindi pa tapos ang sinasabi ko may gusto na naman akong sabihing panibago at pag binanggit niya sa akin iyon ay matatawa na lang ako.  Tatawa ng tatawa hanggang sa hindi na makapagsalita.  Bakit daw hindi kayang habulin ng bibig ko ang laman ng utak ko.  Meaning wala akong kwentang kausap.
.

 

 

Rate this:
2.5

Viewed 1117 times by 238 viewers

RSS feed | Trackback URI

31 Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.