manilenya

Mga karanasan, haka-haka, opinyon at rebuttal ng isang bobang pinay
Subscribe

Dadaanin ko na lang sa kwento

October 03, 2006 By: User Imagemanilenya Category: blog, life

Kahapon

Gagawa sana ako ng isang one liner na entry na “wish me luck!”

Kagabi

Binuklat ko ang bibliya binili ko mahigit isang dekada na ang nakakaraan.  Iniwan ko ito sa pinas pero noong bumisita si nanay dinala niya ito at inabot sa akin.  Madalas maisip ko napaka ipokrita ko dahil binubuksan ko lang ito kapag sa tingin ko ay wala na akong magawa at kailangan ko ng humingi ng “divine intervention”.  Kaya kagabi  nagpaka “Ipokrita ako”.  Kailangan kong maging.

Bago ako matulog inabot sa akin ni younger sis ang isang maliit na booklet na naglalaman ng mga iba’t-ibang dasalin.  Binili niya pa daw ito sa Manaog noong nagpunta sila minsang nagbakasyon sila sa pinas.

Kanina

Nagising ako ng alas-syete ng umaga, ni hindi ko namalayang tumunog ang alarm clock ng handphone ko.  Nanatili ng may sampung minuto sa kama at pagkatapos ay tumayo, konting stretch ng mga katawan para mabuhay ang mga dugo.  Nag prepara ng babauning sandwich ni bayaw at naligo pagkatapos.

Gumawa ng sandwich at uminom ng kape pansumandali bago pumasok sa sariling kwarto at magbihis.  Bago umalis binuklat muli ang bibliya na hawak kagabi.  Nabasa ko agad sa Kawikaan:  “……ang sinungaling ay aabot sa kasawiang palad.”

Lumabas ako ng kwarto at nag-antada ng krus sabay sabing “Bless me LORD.”

Pagdating sa tanggapan ng embahadang pinuntahan ko ibinigay sa akin ng receptionist ang pahina ng application na kailangan kong ifil-up, maya-maya ay nilapitan ako ng isa sa tatlong pinay na nadatnan ko doon, nagtanong kung magpapasa daw ba ako ng application.

“Hindi e, interview ko na .”

Kinakabahan ako, first time kong haharap sa visa officer.  Ilang araw ko na ring pinag-iisipan kung ano ba ang mga itatanong sa akin.  Ang sabi ng naka email kong applicant din dahil sa nandito ako sa kinaroroonan ko common sense na lang daw, depende sa natutunan ko sa halos dalawang taon ko dito.

Gusto kong makipag-usap sa tatlong pinay sa likuran ko, ngayon ko kailangan ng kausap para hindi na ako magpakalalim pa sa kabang nararamdaman ko pero hindi ko magawa dahil sa nasa harap namin ang receptionist.  Nang tawagin ako upang magtungo sa isang kwarto ang tanging nasabi ko sa mga pinay doon ay “wish me luck!”

Sabay sabay silang nagwika na “oo papasa ka.”

 

*****susundan (abangan ang aking mala telenobela - mas nakakaiyak pa sa maalala mo kaya….yan ay kung maiiyak ka  - kong buhay nitong mga nakalipas na araw.)

Rate this:
2.5

Viewed 1253 times by 303 viewers

RSS feed | Trackback URI

1 Comment »

2007-03-21 02:30:57

[...] nabasa nyo na ang mga ito: Dadaanin ko na lang sa kwento, Dadaanin ko na lang sa kwento 2,  at Epilogue:Speechless, pagkatapos ng may dalawang buwan [...]

 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.