Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Please visit this site
    Recent Comments
      Shout Out!
    Sponsors
» 2006 » October

May tatlong anak ako sa kanya,  edad siyam at pito ang mga nauna at ang bunso ay tatlong taong gulang.  Bihira lang siyang umuwi at iyon ay kapag nakahanap siya ng panahon mula sa napakabusy niyang buhay doon, minsan tumatagal ito ng dalawang linggo hanggang tatlong buwan pagkatapos hindi mo na alam kung kailan ulit depende kasi sa mga trabahong natatanggap niya.

Tamang email at maghapong usapan sa telepono o chat lang ang komunikasyon namin, madalas mas gusto ko pang magchat na lang kami dahil sa totoo lang hindi ko siya gaanong maintindihan pag nagsasalita siya.  Tama na yung basahin ko ang mga sinusulat nya sa monitor at makakaya ko pang sagutin ng diretso ito kung ititipa ko ang mga nasa isip ko.

Continue Reading »

Viewed 173 times by 69 viewers

Nais kong makipaglaro sa alon
At sa saliw ng hangin ay sumayaw
Nais kong makatalik ang rilag ng kalikasan
Ngunit mananatili bang pangarap na lamang

Mga dagat at ilog ay may lason at dugo
Kailan kaya ito mahihinto
Isang araw bawat tuwa ay papanaw
Mga bata’y masasadlak sa hirap ng buhay

Halinang likhain, itayo ang bukas
Para sa ating mga anak
Ipaghanda sila ng daigdig na sagana
Nasa atin ang panahon

Continue Reading »

Viewed 124 times by 51 viewers

Sagot ko sa huling tanong …. try ko …. hindi ko trinay ginawa ko talaga.  Naaliw kasi ako e bihirang mangyari na sa unang tingin maaliw ako sa isang meme na ang mga sagot ay ipopost na lang sa comment page ng nagbigay ng meme.   Naaliw ako dito at sana maaliw din kayo.

Try natin.

Gusto kong malaman ang kaunting bagay tungkol sa iyo. Okey lang kung hindi pa tayo nag-uusap, hindi natin gusto ang isa’t isa, O kung alam na natin ang lahat lahat tungkol sa isa’t-isa. I really don’t < -hindi ko alam kung bakit pumasok ang phrase na ito sa ingles na bersyon ng meme na ito. Ito pa ang isa, mas maganda yatang basahin sa ingles kaysa sa tagalog ---->>You are obviously a reader, so let me know with whom I am friends! (sagutin sa comments page ko please.)

Continue Reading »

Viewed 110 times by 43 viewers

Prologue:

Noong katorse anyos ako may kambal akong madalas kasama, susunduin namin sila sa bahay nila na di kalayuan sa bahay namin at tutuloy na kami sa simbahan.  Mga choir member kami at mga kawal ni Mama Mary (Legion of Mary).

Pag labas ng bahay nila kakausapin muna ng isa ang mama niya pagkatapos bago umalis sasabihan niya ng “ang baho ng hininga mo!”

Maya-maya susunod ang isa, kakausapin pansumandali ang kanyang ina pagkatapos ay sasabihing “mukha kag tamod!” sabay lalabas ng bahay ay maglalakad na kami papunta sa simbahan.

Madalas magreact ako sa tinuran ng isang kambal, sabi ko bakit ganoon parang hindi niya nirerespeto ang mama niya, pero mukhang wala naman sa mama niya yun e.  Ritwal na yata sa kanila yun.  Sa huli kong nabanggit wala akong masabi, sa dahilang hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng tamod noon.

Continue Reading »

Viewed 130 times by 53 viewers

Matapos kuhanin ang aking timbang at bigat, matapos akong kuhanan ng HIV test, matapos tignan kung malabo o malinaw pa ang aking mga mata tinawag na ako ng doktor para sa physical check-up.

Pinahiga ako sa kama ng doktor. 

“Please remove your shirt and bra,” sabi ng nurse.

Ha??!!!??

Continue Reading »

Viewed 162 times by 65 viewers

Somebody Kill Me!

I was about to upload a song which I downloaded from Gary Granada’s site, but unfortunately the size is too big too upload, and then I saw this Adam Sandler’s song Somebody Kill Me.  He’s I Want To Grow Old With You is no doubt a  familiar song to all hopeless romantics and I thought that this song maybe sounds good too.  But of course I know you will disagree with me if I say this song is cool.  What would you expect with the title itself and the sounds of Adam Sandler’s voice here will definitely break your eardrums but believe it or not it amused me.

Nah! Nobody left me, it was the other way around (now my ego comes forth lol!).  I am not in my melancholic states of mind, not even when the time I did my last entry.  Spare me lol!! hehehehe nangungulit lang.  Hang kulet kasi ng song I mean the way Adam’s expressed himself with the song. 

And I won’t let anyone, anybody kill me now.  Not today nor tommorrow, not a year or two from now.  I have a medical exam tomorrow……nagpapalakas lang ng loob dahil inaatake ako ng diabetes ko. Wish me luck again guys!

On the other side of note I made an experiment (as if I am the first blogger to do this lol!!), I put a wma sounds to this blog.  I want you guys (my frequent visitors of course) tell me if it’s fine according to what u get with my entries.  Nah, not this song.  I am thinking what if i ask anyone to give me a wma file 800 kb in size and the music must be “tunog pinoy”, “tunog kalye” or any sounds that you think may suits with this blog.  And in return I will host someone who can give the perfect  “kung baga swak na swak sa panlasa ko”. He or she can be a part of manilenya family, what yah think?

Yeah i know, it’s like jumping from the highest floor of the building.  Who do I think will buy my idea of you guys joining my ego-tripping-like-I-think-you-want-2-b-a-part-of-my-family.  Wala lang biglang pumasok sa mind ko e at it seems that this idea doesn’t want to be fish-out of my mind.  Kaya sige na sali na kayo….. sige na please!!!

Anything goes basta tunog pinoy, socially relevant songs sounds good and even songs like butchikik and hayop na kombo…call!!  And much better guys if you can refer me  a site that can host more bigger sounds file size.  Not a bad idea right?

If male bloggers are not comfortable to be called a manilenya, that I understand.  So i guess I can expect only female bloggers……that is if anyone or at least one will decide to join.

Rate this:
2.5

Viewed 155 times by 67 viewers

“……..pero sabi nga di ba malaya ka, kung sakaling mali yung desisyon mo, may pagkakataon pa .. hindi ako naniniwalang may mali o may tama pero naniniwala ako na may matututunan ka sa desisyong gagawin mo at sa bandang huli ikaw pa rin ang panalo.”

                                                                  -ako sa entry ni malaya-

Binaha na ako dito, ilang balde na ng luha ang naitapon ko, mahaba-haba na rin ang naisulat/naitipa ko pero para akong binisita ni milenyo.  Binagyo, sinagi ng matinding hangin…ipu-ipo na nag aalimpuyo at binura ang mga ideyang ibinigay ng mga tikatik ng keyboard ko.

Hapon na at kahit na ilang demonyo siguro ang humarang sa gitna namin ng pc na kaharap ko tiyak na tiyak ko na gusto kong tapusin ang entry na ito.

Kulet!

Isa lang naman ang gusto kong ipunto.  Hindi ko alam kung positibo o negatibo ang ugali kong ito - iyon bang optimistic masyado - “i always look at the bright side of life ” ika nga.  Kung may pagkakamali man naroon ang lungkot sa naging resulta pero wala ang pagsisisi. 

Hindi dahil sa ayaw kong magsayang ng luha o magsayang ng panahon sa mga bagay na hindi nangyari gawa ng mali kong desisyon o mga pagkakamali ko, kundi dahil sa sa tingin ko ay may mas magandang mangyayari sa akin mas higit pa sa kung anuman ang nawala sa akin o hindi ko nakamit.   Nakakatawa kasi kung iisipin parang masyadong superficial - hindi totoo na pinaniniwalaan ko na may maganda pa ngang darating sa akin- pero ayaw ko lang mabuhay na sakmal sakmal ng kalungkutan at sa bandang huli ay ng kadesperaduhan.

Rate this:
2.5

Viewed 155 times by 68 viewers

Pagkatapos ng mga makaputol hiningang mga pangyayari noong mga nakaraang araw siguro kailangan namang harapin ko ang mga naiwang tag ni Jhay na nilipasan na ng panahon.

6 Random Things About Me.  Pangatlo na siguro ang tag na ito, pero dahil sa ang sabi nga ni Jhay sa akin isa daw  paraan ang pagsagot sa mga tag ng tulad ng ganito upang mas lalo pang makilala ng mga  blogger ang kapwa niya blogger ng higit pa sa mga naisusulat niya sa mga blog entry niya.  Malabo.  Kaya kailangang palinawin natin.

Continue Reading »

Viewed 154 times by 67 viewers

Speechless ako, I decided not to post my reply sa mga comment nyo sa previous entry ko.  Naging okey naman ang kwento sa tingin ko hindi ko nga lang alam kung ano ang tingin nyo.  Dinaan ko na lang sa kwento yung naramdaman kong pinagsama-samang excitement, kaba, pagdududa sa sarili ko kung makakayanan ko ba o okey lang na hindi ko maipasa ang interview.

Continue Reading »

Viewed 176 times by 72 viewers

Basahin muna kung hindi pa nababasa, bago ito.

Ang karugtong….

Naglagay ako ng kaunting blush-on para maging presentable naman ang dating ko sa visa officer na makakaharap ko, manipis na lipstick at kaunting wisik ng pabango.  Maganda ang panahon paglabas ko ng condo, nagdala ako ng librong babasahin ko sa train nang hindi ako balutin ng kaba  na ilang araw ko na rin namang nararamdaman.

Pero pagbaba ko ng MRT isang malakas na ulan ang tumambad sa akin.  Pakiramdam ko nasayang ang kaunting pag-aayos ko ng sarili.  Hinahabol ko ang oras dahil quarter to 10 na, alas-diyes ang nakalagay na appointment namin ng visa officer at may dalawang kanto pa akong lalakarin patungo sa building ng embahada.

Wala akong nagawa kundi tumakbo sa gitna ng ulan, habang yakap yakap ang brown envelope na naglalaman ng mga orihinal kong mga papeles.  Hindi ko naging ugali ang magdala ng payong kaya sa isip isip ko wala akong karapatang magreklamo kung mabasa man ako ng ulan.

Pagdating ko sa ikalabing-isang palapag, nakita ko na naman yung gwapong sekyu ng embahada ngunit hindi na masyadong rumehistro ito sa isip ko dahil patuloy sa mabilis na pagtibok ang dibdib ko.  Ang sabi ko nga konti na lang matatapos na rin ang paghihintay ko.

Continue Reading »

Viewed 207 times by 85 viewers

Kahapon

Gagawa sana ako ng isang one liner na entry na “wish me luck!”

Kagabi

Binuklat ko ang bibliya binili ko mahigit isang dekada na ang nakakaraan.  Iniwan ko ito sa pinas pero noong bumisita si nanay dinala niya ito at inabot sa akin.  Madalas maisip ko napaka ipokrita ko dahil binubuksan ko lang ito kapag sa tingin ko ay wala na akong magawa at kailangan ko ng humingi ng “divine intervention”.  Kaya kagabi  nagpaka “Ipokrita ako”.  Kailangan kong maging.

Bago ako matulog inabot sa akin ni younger sis ang isang maliit na booklet na naglalaman ng mga iba’t-ibang dasalin.  Binili niya pa daw ito sa Manaog noong nagpunta sila minsang nagbakasyon sila sa pinas.

Continue Reading »

Viewed 188 times by 82 viewers