Magblog at matuto

blog, pasakalye

yahoomail beta 

Huwaw! new look ang Yahoo mail ngayon, it is called yahoomail beta, ang ganda naiinggit siguro sa gmail kaya nag-upgrade.  In fairness ang ayos ayos ng presentation niya, all in one na You don’t need to open your my yahoo account to see what’s happening around you. 

*****

Napagsabihan ako ni sis ang handphone ko daw yata ay pang camera lang at hindi para sa communication.  Pag tinext daw ako ni youngest sis from pinas kinabukasan pa daw ako nagrereply, ang sagot ko naman iyon din ang problema sa kaniya dahil halos 2000 years yata bago siya magreply.  Patas lang kami….. tignan ang katibayan kung ano ang gamit ng handfone ko sa baba.

*****

DINNER AT BREAKFAST with a sprinkle of blogging

Yehey! palakpakan nagbreakfast ako! nyaiks ang pangit ng itsura ng ketchup at napansin ko yung mug ko pang dinner pala.  Bumili one time si sis ng tatlong mug eksaktong pang almusal, pang-tanghalihan at pang-hapunan. Kailangan tuloy bawat pagkain ko ay magkakape ako para magamit at higit sa lahat kailangan naka-pattern yan.

Hmmnnn habang kumakain nag-iisip ako ng ibablog dahil dalawang araw na naman akong mawawala.  Ang araw ng Sabado’t Linggo ay araw ng pamamahinga ayon sa aking banal na kasulatan.  Piniga-piga ko hanggang sa pagkaliit-liitang piraso ang utak ko para may mapiga pero wala parin akong mapiga.  Sabi nga ni Bro Vince baka daw kailangan kong tumingin sa pinakamalapit na perspective bago sa mga napakalawak na mga issues.

Pero sa iba kasi ang simpleng pagpost ng mga nangyari sa iyo sa isang araw ay isang nakapakawalang kwentang blog entry na.  Sino nga ba naman ang magkakainteres na basahin ang kung ano ang kinain mo kanina at kung ano ang gusto mong kainin mamayang tanghali.  Ano nga ba naman ang interesante sa pagbabasa kung ilang oras ka nagbabad sa CR para magwiwi o mag poo? Parang ang babaw para iblog pero magbabad ka sa pagbabloghop at tiyak marami kang makikitang mga entry na ganyan eksaktong eksakto pa.

Come to think of it  ayon sa aking pagsisiyasat, ang blog daw pala o weblog ay initially made sites para maging journal o diary.  Dito nilalagay ng mga blogger ng sinaunang panahon ang kung ano ang nangyayari sa personal na buhay nila.  Nito na lang mga huling panahon (hala!!! lapit na kaya katapusan?) na nakita ang malaking potensyal ng blogosphere para maiangat ang sarili sa pamamagitan ng pagsusulat ng kung anu-ano, pagbebenta ng mga kung anu-ano at pagbibigay ng opinyon sa mga kung anu-ano.

Kaya kung sakali mang may magtaas ng kilay kung blinag ko ngayon ang aking kinaing tinapay, itlog at ang aking kapeng ininom with matching picture pa pwede ng huwag ng bumisita ulit sa mga susunod na araw para hindi na rin ako makita ng mga salitang isinasapuso ang pagbabasa at pagkokomento sa aking entry.  At dagdagan pa na once in a blue moon lang ako dumalaw at magkomento sa blog niya.

Tandaan! anumang babaw o anumang lalim ng entry depende iyan sa interes ng nagbabasa at depende iyan sa libreng panahon ng blogger/bloghopper.  At muling TANDAAN: wala iyan sa mga hipallutin (hindi ko matandaan ang spelling tsk tsktsktsk! pero pramis alam ko ibig sabihin) words o mga salitang hindi ko maintindihan kung saan pinagkukuha.

Sa mga simpleng entry ng kung ano ba ang kinain, kung naligo na ba o hindi o kung hindi na talaga maliligo, kung nagbabad sa CR tiyak marami kang matututunan din naman.  Mag-iisip ka nga lang kung ano nga ba ang lesson learned ng nagblog.  (If ever makatyempo tayo ng sabay sa mga nasabi kong entries pakisabi na lang sa akin kung ano ba ang moral of the lessons kasi ….. ako walang maisip e.)

**magblog at matuto ang pamagat kasi siguro naman dahil sa blogger ka kailangang malaman mo ang kasaysayan ng blog…..ako sisimulan ko ng mag-aral.

 

 

Rate this:
2.5

Viewed 787 times by 230 viewers

RSS feed | Trackback URI

23 Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.