Noong una Sigaw ng Bayan. Ngayon Voice of GOD.
Kudos para kay Associate Justice Angelina Sandoval-Gutierrez ng Korte Suprema noong sinabi niyang “I cannot hear the voice of God right now.”
Hindi na kinilabutan ang mga taong gumagamit ng pangalan ng bayan at pati ang Panginoon na walang kamalay-malay sa kasamaang (kadayaan, korupsyon, power tripping, political killings, anti terrorists bill etc.) umiiral sa malakanyang ay ginagamit upang patuloy na maghari sa posisyon.
Patuloy ang pagtratong bobo ng kasalukuyang administrasyon sa mamamayan, animo mga langgam na kakatiting ang utak ang tingin nito lalo na sa taong bayan sa pamamagitan ng paghahain ng 6.3 milyong boto daw para sa charter change gayong inamin nila na isang milyon lang ang inimprentang signature form.
Kung magpapatuloy ang magandang ihip ng hangin sa Korte Suprema hinggil sa Cha-Cha maaring maging selebrasyon ito para sa mamayang pilipino. Yan ay kung walang maiisip na panibagong taktika ang kampo ni Gng. Arroyo. Pero ngayon pa lang kinakabahan na ang administrasyon, kung halos manginig sila sa pagtulak ng cha-cha para humabol sa darating na eleksyon sa isang taon ay siya rin namang pagpaplano nila ng mga susunod na kandidato para sa senatorial post. Malinaw na salungat sa ipinagapipilitan nilang pag-amyenda ng konstitusyon.
Ang Sigaw ng Bayan: NO TO CHACHA!
HUWAG HAYAANG UMIRAL ANG PEOPLE’S GOVERNMENT INITIATIVE!
AT HUMANAP NG SARILING ABOGADO ANG PEKENG INISYATIBO O MAGRESIGN NA LANG SI Solicitor General Eduardo Nachura UPANG TULUYANG MAG ABOGADO SA SA SIGAW NG BAYAN KUNO.
| 2.5 |
Viewed 761 times by 211 viewers

manilenya

