Kung baga sa pelikula ang buhay hindi rin daw nawawala ng soundtrack, theme song noong lumang panahon. Bawat oras, minuto, segundo ng buhay parang sobrang lungkot kung wala ka man lang musika na naririnig o mga kantang paulit-ulit mong pinakikinggan. Kahit na ba sabihing basag na ang mga eardrums mo at nagtalsikan na ang mga tutuli mo sa tenga, sige ka pa rin sa pakikinig at madalas sinasabayan mo pa ang kanta.
Hinagisan ako ng meme ni Ferdz (feeling ko tuloy ngayon sobrang close na kami), pitong kantang paborito kong pakinggan. Sa pagkaka-alala ko nagawa ko na ito noon pa, pero dahil sa lumalakas ang pakiramdam ko na mas magiging close kami ng nagbigay pag ginawa ko ulit ito e di sige pipilipitin ko ang utak ko at ang damdamin ko kung ano bang musika ang gusto ko dahil wala akong naisave na paborito kong kanta sa player ko.
Kung tutuusin wala akong mga paborito talaga, depende kasi sa mood ko kung ano ba ang gusto kong pakinggan. Kung gusto kong umindayog magpapatugtog ako ng mga RnB o dance music, kung gusto kong ipaling-paling ang mga ulo ko kaliwa-kanan-pababa-pataas yung sabi nang pinsan ko noon para daw akong nakabatak ( as if naman bumabatak talaga –teka metal ba ang pinakikinggan ng mga taong ganoon?).
Gusto ko ang alternative rock, gusto ko ng mga alternatibong musika, gusto ko ng senti, gusto ko yung ibang mga korean songs, pop? Kung baga kahit ano pasok sa timplada ng tenga ko.
Pero bago malayo narito ang pitong pwede na ring sabihing soundtrack ng buhay ko.
1. When She Cries by Restless Heart: hindi ko siya paborito talaga, pero noon madalas siyang patugtugin ni The Mole sa isang radio station bago at pag patapos na ang oras niya at mula noon nagkaroon na ito ng lugar sa puso ko. Para kasing kakaiba na ang lalaki ay mag-cherish ng ganitong kanta (tignan ang lyrics).
2. Perpekto by Dong abay: ipinakilala sa akin ni myepinoy sa entry kong ito. Nagustuhan ko ang melodiya at syempre ang meaning ng kanta, ang unang pumasok sa isip ko habang pinakikinggan ko siya ay para akong nakikinig sa musika ni Gary Granada
3. Deep by Binoculars.
4. Iris by Goo Goo Dolls: kung lalaki lang si Iris mahal ko na siya. alltime favorite ko ito at all time favorite ko ang City of Angels.
5. Ang walang kamatayang Barely Breathing ni Duncan Sheik.
6. Angel ni Sarah Mclachan: soundtrack din sa City of Angels.
7. Kahit Anong Mangyari by Gary Granada: Sobrang tagal ko na pala itong hindi naririnig.
Ayan. At sa huli isasarado ko ang meme na ito sa pamamagitan ng pagpasa sa ibang blagista tulad nina karmi, myepinoy, preng jlois, TK, thess, rose, at diyosa
******
(Pagkatapos kong gawin iyong pitong mga kanta, biglang umalingawngaw sa ere ang Don’t touch my birdie ng Parokya ni Edgar…..sayang wala ng lugar pa.)
2.5 Viewed 448 times by 149 viewers









athem short term medical insurance
manilenya







No comments yet.