Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen says although my mother is a street smart, it doesn't mean that I'm a smart ass....

        (Updated 1 day, 20 hours, 13 minutes ago)

      Please visit this site
      Ads here
      • Advertise Here
        Chitika Referral
        Performancing Hive
        Social Media Marketi
        Authority Builder
        Blog Management
        Blog Stats
    Recent Comments
    Sponsors
Home, Sex and Education
By User Imagemanilenya | 28 CommentsLeave a Comment
Last updated: Wednesday, September 20, 2006

Pitong taong gulang na batang lalaki rapist?, medyo kumplikado ang istorya.  Nangangamba si thess, dahil parang wala daw yatang ginawang aksyon ang pamahalaang netherland para dito, at ang nasabing bata ay normal pa ring nakakahalubilo ng iba pang mga kabataan kasama na ang dalawang batang nireyp daw niya sa eskwelahang pinapasukan.  Nasa “law of compulsive education” daw kung bakit pinayagang manatili doon ang bata.

Ang sa akin naman okey lang iyon, mas mahirap kung sa pagkakataong iyon ay bitawan siya ng eskwelahan, bata pa rin naman iyon at mas nangangailangan ng atensyon dahil sa “nagawa” niya.  Palagay ko mas mahirap kung ilalagak siya sa boys town, yan ay kung pareho ang pagpapatakbo ng institusyon sa Netherland at sa Pilipinas.

At ang tanong ko pa, kumusta naman ang mga magulang ng batang ito? Dahil sila higit sa lahat ang dapat na managot sa kung anumang “kahalayan” na ginawa niya.  Ang bata ay bata.  Masasabi nating matatalino sila pero anumang aksyon na gawin nila ay salamin lamang ng kung ano ba ang nakikita nila at natututunan sa loob ng pamilya.

Naalala ko tuloy ang isang sitwasyon na naganap sa harap ng bahay namin.  Nadatnan ng mga magulang ang dalawang magpinsang babae at lalaki na may parehong apat na taon ang edad sa hindi “magandang posisyon”.  Magkapatong ang dalawang bata, parehong may damit pero natatakpan ng kumot ang mga katawan.

Sa unang tingin syempre mahalay, masagwa at ang lahat ng mga salitang mahagilap mo tungkol sa kabastusan ay tiyak na ikakabit mo sa dalawang bata.  Nagalit ang mga magulang at pinagpapalo ang dalawang bata, hanggang sa labas ng bahay ang tungkol pa rin sa nakita ang mga lumalabas sa bibig, hanggang ang pangyayari ay alam na ng buong baranggay.  Hindi naisaalang-alang kung ano nga ba ang epekto nito sa magpinsan.

Naglalaro ang dalawang bata, at sa mga bata uso ang larong bahay-bahayan, sa sitwasyon ng laro nila maaring ginawa lang nila ang nakikita nilang ginagawa ng tatay at nanay.  Pero noong nakita iyon ng mga magulang, pagkatapos silang paluin, ni hindi gumawa ng hakbang ang mga ito upang ipaalam kung ano nga ba ang ginagawa nila at kung bakit sila kailangang pagsabihan “at hindi paluin”. 

Pero siyempre dahil sa hindi ako ang ina at hindi naman sa akin nangyari iyon hindi ko masasasabing mali ang reaksyon ng mga magulang.

Sa nakita kong reaksyon na yun, parang mali yata ang tanong na kung saan ba dapat magumpisa ang “sex education”? sa paaralan o sa pamilya?  Parang ang dapat itanong ay sino ba ng dapat munang turuan ng tamang “sex education”  ang mga anak ba o ang mga magulang?

Rate this:
2.5

Viewed 716 times by 249 viewers

RSS feed | Trackback URI

28 Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.