BAGONG BIHIS LUMANG TIMPLA
Sa di mabilang na pagkakataon nagbagong bihis ang MANILENYA, ang sabi nga ng mga kaibigang blogger “nangati na naman ang aking mga kamay” pero pihado sa isip nila wala namang mababago LUMANG TIMPLA pa rin, patuloy ang pagbaha ng entry na nagkahugis mula sa sariling karanasan, karanasan ng mga kasambahay, kapitbahay at ng kung sino-sino pa, patuloy pa rin ang pagbato ng mga opinyon, haka-haka at kung mayroon man kahit kaunti ng rebuttal at pag may rebuttal may justification siyempre.
KAMUSTA O KUMUSTA NAMAN KAYA AKO?
Kinumusta ko si nanay (nanay ng isang kaibigan), ang sabi ko kumusta naman ang blood sugar niya? “Eto nga e magchecheck ng blood sugar count, ikaw gusto mo magpacheck?” Ayos! pagkatapos ng isang taon magpapatingin ng blood sugar, hanggang ang lahat mga pito kami nagtest ng blood sugar. Yehey!!!! panalo ako. Ako ang may pinakamataas na diabetes sa grupo, dalawa kami ni nanay na positibo. 158 tsk tsk tsk tsk, sa history ng sakit ko ito na ang pinakamataas. Akala ko pa naman normal ako, panay-panay na nga ang inom ko ng softdrinks, pagkain ng chocolate, mga maalat na chips, leche flan, sandamakmak na kanin at kung anu-ano pang bawal sa may diabetes. Kumusta ako ngayon? ETO SWEET NA SWEET!
******
Mahirap palang umiyak ng nagtotoothbrush. Hindi ko alam kung KJ ang pagtotoothbrush sa pagiyak ko dahil hindi natuloy, tama na ang ilang patak ng luha, naputol agad ang emote sanhi ng pagka miss sa anak. O mas KJ ang aking pag-iyak dahil nasakto pa sa pagtotoothbrush ko. Mas sanay kasi akong umiyak pag papatulog na o kapag may nakapasak na earphone sa aking tenga habang nakikinig ng mga senti na kanta kaysa umiyak habang nagtotootbrush.
*****
Sa ilang araw kong hindi pagbablag at pagbisita sa mga kablag, marami sana akong kwento, kaya lang nabubulol ako kaya next time na lang.
*****
Two weeks ago, napasama ng isang blagista ang loob ko hindi ko na lang ikukwento pero alam kong ang iba siguro alam na ang kwento. Pero sabi nga sa kasabihan you cannot put the good man down, feeling ko good woman ako syempre. Ngayong linggong ito dalawang blagista ang nagpasaya ng blog life ko, Binangon ni Bro. Vince at Jay ang nalugmok na moral ko (arte). Sa inyo pong dalawa at sa lahat na naniniwala sa kakaunti kong kakayahan (alam kong alam nyo na kung sinu-sino man kayo) MARAMI PONG SALAMAT SA MGA GOOD WORDS!
*****
Hindi pa tapos ang laban. Hindi pa ko mamamatay, ngangot kasi utak ko e madalas napaparanoid ako, minsan deppress-depressan pero di halata kasi parang hindi halata sa mga uta-uta na deppressed sila diba? ngingit-ngiti, kaunting bagay kahit di gaanong nakakatawa, tawa ng tawa, tapos aanga-angang kausap. Ganoon daw ako sabi ni younger sis mas maganda pa nga daw magbasa na lang ng blog ko kaysa kausapin niya ako e. Over to, di masyadong totoo…..slight lang.
*****
Gusto ko pang magkwento ng magkwento, gusto ko pang tumipa ng tumipa, palagatukin ang mga daliri sa katitipa kaya lang …………..INAANTOK NA KO E.
| 2.5 |
Viewed 652 times by 211 viewers

manilenya

