Not bad at all

life, pasakalye, pinoy diaspora

Anong gagawin mo kung isang umaga ng alas onse lumabas ka ng bahay nakashort at naka spaghetti strap lang na blouse na suot pa ng nakaraang gabi, nakapagsepilyo nga pero ni hindi nakapaghilamos man lang buti nga lang sa awa ng Diyos ay nakapagkape naman, may bitbit na may naghihingalong baterya na handphone at may $1 sa bulsa pero walang susi para makapasok ulit sa loob ng bahay? Tinext mo ng ilang beses ang kasama mo sa bahay na lumabas din kung may susi siya ngunit hindi sumasagot. At pagkaraan ng may isang oras dumating ang tinext mo para lang malaman mo na kaya hindi sumasagot ay naiwan niya ang handphone sa loob ng bag na ginamit kahapon at higit sa lahat WALA RIN SIYANG SUSI.

Ang saya diba?

Maari akong tumawag ng locksmith pero $50 daw ang bayad doon at kanina nalaman ko na $100 daw pala, pero ganun pa man matiyaga na lang akong naghintay sa labas ng function room sa may tabi ng pool ng condo. Ninamnam ko na lang ang hangin na pumapalo sa mga dahon ng puno at halaman kaya kaunti kong ring nakalimutan iyong kinasadlakan kong “bad luck” para sa iba, umagang-umaga pa naman hindi pala tanghali na. At pinindot-pindot ang camera button ng hawak kong handphone.

Pagdating ni kasama sa bahay niyaya ako sa City para kunin sa hubby niya ang susi ng bahay.

“Huwatttttttt?????”, okey lang siya? yung itsura kong yun pupunta sa city na may 15 istasyon ng tren ang layo hindi pa kasama yung apat na bus stop bago makarating sa MRT na sasakyan namin. Ang sagot niya kaysa naman magbayad kami ng locksmith bili na lang daw kami ng damit ko sa mall na malapit sa MRT station at doon na lang magbihis.

Ano pa ba ang magagawa ko, sa isip-isip ko medyo exciting din. Biro mo ba namang la kang ligo e makiki shoulder to shoulder ka sa bus at sa tren. Inamoy-amoy ko sarili ko, dinampi ko pa ang palad ko sa kili-kili ko sabay amoy, hmmnnnn la namang nakaka-alibadbad na amoy. So go tara!

Nakapili ako ng jeans (pwedeng pangjogging) na tinernuhan ni kasama ng isang sleeveless blouse na puti (wow! feeling seksi ako plamis)

Pagkatapos makuha ang susi naglunch kami, tingin-tingin ako sa may harap ko. Sabi ko parang kahawig ni “ano to” (superstar dito), sabi ni kasama ko “e si Zoe Tay yan e.
Zoe Tay

Siya nga at kumakain sa foodcourt at hindi pinagkakaguluhan ng mga tao, parang wala lang. Kung sa atin yan naku bugbog sarado yan sa mga pisil, hila ng buhok at may kasama pang kurot sa mukha (over pero madalas totoo diba?) lalo pa at siya pala ang Vilma Santos dito.

Gusto ko sanang magpapiktyur kasama siya na hindi ko naman ginagawa sa pinas, avah e laman blog din yan ano! (tamo nga nagagawa ng blog, kumakapal ang mukha devah?) pagkatapos madidisappoint lang ako dahil diba nga naghihingalo ang baterya ng handphone ko, pinakargahan pala ni hubby ni kasama ko doon sa bilihan ng ano (basta!). So wala kaming litratong dalawa tsk tsk tsk.

Pero pagdating sa sumunod na floor at pagkakuha ng battery walang pakialaman to picture picture na doon mismo sa promotion ng The Body Shop, danda ng tagline e “Made With Passion!” kesehodang wala akong ligo bakit ba? Kita ako ni Uncle na paakyat sa escalator tawa ng tawa kasi halos yakapin ko yung ewan ko kung ano tawag doon. Sana lang may bayad ang advertisement ano?

Sensya na hindi ko ipopost ang mga pics baka maamoy nyo ko e ……belat!!!!

And to top it all, noong madaanan namin ito nalibre ako ng madandang ……..shhhhhhhh!!!!!!!

Pagkatapos ng buong isang araw with new clothes, mini wok para sa brunch, new shhhhhhhh …….at higit sa lahat ang excitement na dinulot ng pagkakalock ng pinto ng bahay, parang gusto kong bawiin iyong sinabi kong bato ang buhay ko.

Rate this:
2.5

Viewed 933 times by 218 viewers

RSS feed | Trackback URI

30 Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.