manilenya

Mga karanasan, haka-haka, opinyon at rebuttal ng isang bobang pinay
Subscribe

Tama ba ko?

September 04, 2006 By: User Imagemanilenya Category: pasakalye

Matangkad, may magandang pangangatawan, may mga mapupungay na mata na na napapaligiran ng mahahaba at mapilantik na mga pilikmata. Tila nililok na mga ilong at may mapupulang labi. Sino ang hindi mahahaling sa lalaking ito?

Pwede siyang tawaging Crush ng Unibersidad. Halos lahat ng mga kilala kong babae sa 6th floor ng PUP ay napapatingin sa kanya. Tipong ligawin ba. Lalaking ligawin at talagang ang mga babae ang unang gumagawa ng paraan para maging boyfriend siya. Patas na ang laban, karapatan na rin ng mga babae na piliin at magpakitang gilas sa sino mang lalaking maibigan nya, siyempre sinusulong nila ang peminismo e.

Biro mo bang sa likod pa ng kagandahang lalaking iyon ay ang isang matapang, palaban at makabayang (alam ko OA to!) desisyon yung sumama sa isang buwan o dalawang buwan na immersion sa kabundukan? Isa sa kailangan para matapos ang Community Organizing subject niya sa Sociology Class ay ang immersion sa napiling lugar para magorganisa sa isang community o lumubog sa mga matagal ng tumatakbong NGO (Non Government Organization).

Iyon nga lang, ewan ko kung bakit pagkatapos na siyang maging karelasyon ay nawawala yung mahika at ang nakikita na lang nila sa lalaking iyon ay ang tinatawag nilang humpak na utak at parang isang sanggol na daw ang madalas nilang kasa-kasama. Sa madaling sabi hindi kayang abutin ang level nila.

Minsan, magkakasama kami sa opisina (huwag nyo ng itanong kung anong opisina), napansin ko siyang tahimik at para bang may malalim na iniisip habang ang lahat ay nagtatawanan at masayang naguusap-usap. Tinanong ko siya.

“oi! bakit parang tahimik ka ata?”

Tumayo siya at sinabing “iniisip ko TAYO”, sabay labas ng opisina at bumaba ng building.

“TAYO”, teka tama ba ang narinig ko? “TAYO”?

Bigla ako nataranta,may gusto RIN ba sa akin ang lalaking ito? Tama nga ba ang narinig ko? Iniisip niya KAMI. Papatol siya sa akin ganoon? Sabagay wala sa itsura iyan ikako, pareho kaming progresibo, siguro hindi niya nakikita na hindi ako kagandahan pero nakikita niya ang prinsipyo ko at pagiging agresibo sa aking ipinaglalaban…..tulad niya diba?

Pero pagkatapos ng excitement na iyon ay ang pag pitik pitik ko ng tenga ko, kinurot kurot ko ang mga daliri ko sa kamay at isinama ko na rin ang mga daliri ko sa paa (madalas lang kasi akong naka sandals noon e), para magising ba.

Kasi naisip ko na madalas pag may gusto ka sa isang tao at halos alagaan mo na ang emosyong iyon sa dibdib mo, nadidisillution ka, feeling mo may gusto rin sa iyo ang crush mo, simpleng bagay na mapasin mo akala mo nagcacare na rin siya sayo, simpleng dikit ng mga braso feeling mo gusto ka na rin niyang yakapin, simpleng hawak sa kamay mo feeling mo gusto ka niyang maka holding hands.

TAMA ba ko?

Rate this:
2.5

Viewed 1832 times by 312 viewers

RSS feed | Trackback URI

Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.