Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Please visit this site
    Recent Comments
      Shout Out!
    Sponsors
» 2006 » September

yahoomail beta 

Huwaw! new look ang Yahoo mail ngayon, it is called yahoomail beta, ang ganda naiinggit siguro sa gmail kaya nag-upgrade.  In fairness ang ayos ayos ng presentation niya, all in one na You don’t need to open your my yahoo account to see what’s happening around you. 

*****

Napagsabihan ako ni sis ang handphone ko daw yata ay pang camera lang at hindi para sa communication.  Pag tinext daw ako ni youngest sis from pinas kinabukasan pa daw ako nagrereply, ang sagot ko naman iyon din ang problema sa kaniya dahil halos 2000 years yata bago siya magreply.  Patas lang kami….. tignan ang katibayan kung ano ang gamit ng handfone ko sa baba.

Continue Reading »

Viewed 182 times by 82 viewers

Honestly kanina pa ako dito, bloghop, basa-basa ng kahit ano, hindi ako makaalis sa harap ng monitor dahil gusto kong magblog pero wala akong maiblog.

Gusto ko sanang magpost tungkol sa Charter Change para kay Cruise at sa mga refferer ko na naghahanap kung ano nga ba ang talaga ang Cha-cha pero wala akong mapiga sa utak ko.

Gusto kong gumawa ng entry para sa aking Site page. Gusto kong gumawa ng entry tungkol sa sex scandal, pinay, pag-ibig sa tinubuan lupa, tula tungkol sa pag-ibig, tula ng dalawang nagmamahalan, tungkol sa manilenya, tungkol sa babae, sa bakla, tomboy, sa lalaki.  Tungkol sa tuldok, sa kuwit, sa people’s initiative, sa pakikipagsex sa ina (nyemas sinong luko-luko ang naghahanap nito — magtanong ka kay Sigmeund Freud–) pero hindi ko magawa.

Gusto kong magpost ng picture na kinuha ko kaninang umaga, mag post ng kanta, magbasa ng tungkol sa mga pangunahing sakit ng mga bata at mga gamot nito.  Gusto kong mag-isip, gusto kong gawin yung tag ni Jhay na 6 random facts about me.

Gusto kong matulog, gusto kong mahiga, gusto kong manood.  Gusto kong mag-jogging, gusto kong mag gym, gusto kong tumakbo, gusto kong kumanta, gusto kong kumain, gusto kong magwala. Gusto ko lahat.

Pero bakit parang ang lahat ng iyon ay AYAW SA AKIN?

Heto pa rin ako……..nagpipilit.

Naghanap ako ng larawan na maari kong gamiting image sa post na ito at ito ang lumabas…….

Continue Reading »

Viewed 165 times by 76 viewers

Noong una Sigaw ng Bayan.  Ngayon Voice of GOD.

Kudos para kay Associate Justice Angelina Sandoval-Gutierrez ng Korte Suprema noong sinabi niyang “I cannot hear the voice of God right now.”

Hindi na kinilabutan ang mga taong gumagamit ng pangalan ng bayan at pati ang Panginoon na walang kamalay-malay sa kasamaang (kadayaan, korupsyon, power tripping, political killings, anti terrorists bill etc.) umiiral sa malakanyang ay ginagamit upang patuloy na maghari sa posisyon.

Patuloy ang pagtratong bobo ng kasalukuyang administrasyon sa mamamayan, animo mga langgam na kakatiting ang utak ang tingin nito lalo na sa taong bayan sa pamamagitan ng paghahain ng 6.3 milyong boto daw para sa charter change gayong inamin nila na isang milyon lang ang inimprentang signature form.

Kung magpapatuloy ang magandang ihip ng hangin sa Korte Suprema hinggil sa Cha-Cha maaring maging selebrasyon ito para sa mamayang pilipino.  Yan ay kung walang maiisip na panibagong taktika ang kampo ni Gng. Arroyo.  Pero ngayon pa lang kinakabahan na ang administrasyon, kung halos manginig sila sa pagtulak ng cha-cha  para humabol sa darating na eleksyon sa isang taon ay siya rin namang pagpaplano nila ng mga susunod na kandidato para sa senatorial post.  Malinaw na salungat sa ipinagapipilitan nilang pag-amyenda ng konstitusyon.

Ang Sigaw ng Bayan:  NO TO CHACHA!

                                HUWAG HAYAANG UMIRAL ANG PEOPLE’S GOVERNMENT INITIATIVE!

                                AT HUMANAP NG SARILING ABOGADO ANG PEKENG INISYATIBO O MAGRESIGN NA LANG SI Solicitor General Eduardo Nachura UPANG TULUYANG MAG ABOGADO SA SA SIGAW NG BAYAN KUNO.

Rate this:
2.5

Viewed 157 times by 69 viewers

bandalismo bandalismo

May nahagilap ang aking mga kamay na isang catalogue na naglalaman ng mga larawan na kung ikaw ang kumukuha tiyak yung mga larawan na iyon ay isa sa marami mong itatapon, o idedelete sa memory ng camera mo.  Pero ang mga subject na nakita ko ginamit pang exhibit ng photographer sa kilalang lugar dito sa Singapore.

Napansin ko ang mga kuhang larawan, na kung tutuusin mas maayos pa ang mga kuha ko gamit lang ang aking camera handphone at ang Sony digicam.  Nagkaroon tuloy ako ng lakas ng loob na ipagpatuloy lang ang pagkuha ko ng litrato ng lahat na madaanan ko at itabi ang mga ito para may patuloy na pagkatitigan at pagsawaan ng aking mga mata.

Ang dalawang kuhang ito ay halimbawa ng aking malikot na kamay sa tuwing nasa labas ako ng bahay.  

Your looks are laughable

Unphotographable

Yet you’re my favorite work of art

                        -My funny valentine-

*iclick ito kung handa kayong makita ang aking Unphotographable.

Rate this:
2.5

Viewed 160 times by 78 viewers

Kung baga sa pelikula ang buhay hindi rin daw nawawala ng soundtrack, theme song noong lumang panahon. Bawat oras, minuto, segundo ng buhay parang sobrang lungkot kung wala ka man lang musika na naririnig o mga kantang paulit-ulit mong pinakikinggan. Kahit na ba sabihing basag na ang mga eardrums mo at nagtalsikan na ang mga tutuli mo sa tenga, sige ka pa rin sa pakikinig at madalas sinasabayan mo pa ang kanta.

Continue Reading »

Viewed 162 times by 74 viewers

Pitong taong gulang na batang lalaki rapist?, medyo kumplikado ang istorya.  Nangangamba si thess, dahil parang wala daw yatang ginawang aksyon ang pamahalaang netherland para dito, at ang nasabing bata ay normal pa ring nakakahalubilo ng iba pang mga kabataan kasama na ang dalawang batang nireyp daw niya sa eskwelahang pinapasukan.  Nasa “law of compulsive education” daw kung bakit pinayagang manatili doon ang bata.

Continue Reading »

Viewed 285 times by 120 viewers

BAGONG BIHIS LUMANG TIMPLA

Sa di mabilang na pagkakataon nagbagong bihis ang MANILENYA, ang sabi nga ng mga kaibigang blogger “nangati na naman ang aking mga kamay” pero pihado sa isip nila wala namang mababago LUMANG TIMPLA pa rin, patuloy ang pagbaha ng entry na nagkahugis mula sa sariling karanasan, karanasan ng mga kasambahay, kapitbahay at ng kung sino-sino pa, patuloy pa rin ang pagbato ng mga opinyon, haka-haka at kung mayroon man kahit kaunti ng rebuttal at pag may rebuttal may justification siyempre.

KAMUSTA O KUMUSTA NAMAN KAYA AKO?

Kinumusta ko si nanay (nanay ng isang kaibigan), ang sabi ko kumusta naman ang blood sugar niya? “Eto nga e magchecheck ng blood sugar count, ikaw gusto mo magpacheck?” Ayos! pagkatapos ng isang taon magpapatingin ng blood sugar, hanggang ang lahat mga pito kami nagtest ng blood sugar. Yehey!!!! panalo ako. Ako ang may pinakamataas na diabetes sa grupo, dalawa kami ni nanay na positibo. 158 tsk tsk tsk tsk, sa history ng sakit ko ito na ang pinakamataas. Akala ko pa naman normal ako, panay-panay na nga ang inom ko ng softdrinks, pagkain ng chocolate, mga maalat na chips, leche flan, sandamakmak na kanin at kung anu-ano pang bawal sa may diabetes. Kumusta ako ngayon? ETO SWEET NA SWEET!

******

Mahirap palang umiyak ng nagtotoothbrush. Hindi ko alam kung KJ ang pagtotoothbrush sa pagiyak ko dahil hindi natuloy, tama na ang ilang patak ng luha, naputol agad ang emote sanhi ng pagka miss sa anak. O mas KJ ang aking pag-iyak dahil nasakto pa sa pagtotoothbrush ko. Mas sanay kasi akong umiyak pag papatulog na o kapag may nakapasak na earphone sa aking tenga habang nakikinig ng mga senti na kanta kaysa umiyak habang nagtotootbrush.

*****

Sa ilang araw kong hindi pagbablag at pagbisita sa mga kablag, marami sana akong kwento, kaya lang nabubulol ako kaya next time na lang.

*****

Two weeks ago, napasama ng isang blagista ang loob ko hindi ko na lang ikukwento pero alam kong ang iba siguro alam na ang kwento. Pero sabi nga sa kasabihan you cannot put the good man down, feeling ko good woman ako syempre. Ngayong linggong ito dalawang blagista ang nagpasaya ng blog life ko, Binangon ni Bro. Vince at Jay ang nalugmok na moral ko (arte). Sa inyo pong dalawa at sa lahat na naniniwala sa kakaunti kong kakayahan (alam kong alam nyo na kung sinu-sino man kayo) MARAMI PONG SALAMAT SA MGA GOOD WORDS!

*****

Hindi pa tapos ang laban. Hindi pa ko mamamatay, ngangot kasi utak ko e madalas napaparanoid ako, minsan deppress-depressan pero di halata kasi parang hindi halata sa mga uta-uta na deppressed sila diba? ngingit-ngiti, kaunting bagay kahit di gaanong nakakatawa, tawa ng tawa, tapos aanga-angang kausap. Ganoon daw ako sabi ni younger sis mas maganda pa nga daw magbasa na lang ng blog ko kaysa kausapin niya ako e. Over to, di masyadong totoo…..slight lang.

*****

Gusto ko pang magkwento ng magkwento, gusto ko pang tumipa ng tumipa, palagatukin ang mga daliri sa katitipa kaya lang …………..INAANTOK NA KO E.

Rate this:
2.5

Viewed 155 times by 69 viewers

Reading, watching TV or listening to my downloaded songs/ripped cd’s…..my so called KAULAYAW at night.

Vanish by Tess Gerritsen is the recent book that I am reading, last night I decided to read while listening to my new ripped cd’s MYMP version and Lover’s in Paris Soundtrack but after a while the sounds getting into my nerve fished me out from reading. I became irreconcilable to reality and it always happened to me every time I plunked that said CD in the player. I don’t know, I feel like a hopeless romantic without romance on the side, seemingly crying (yes my heart is crying out loud every time I hear the soundtrack maybe because I have watched the Korean drama and I have read it’s English subtitle :) ) with the lyrics I hardly understand.

Those three things definitely balance my monotonous life.

Rate this:
2.5

Viewed 141 times by 67 viewers

“Isa…dalawa…tatlo…apat…lima….” malumanay ang pagsambit sa bawat bilang. Tagalog ba ito? tanong ko sa sarili ko. Binibigkas ng babaing iyon ang mga numero habang hawak hawak niya ang mga daliri ng batang karga niya. Naroon ang may madamdaming yakap at sulyap.

Iyong mga sumusunod na eksena puro ingles na ang mga naririnig ko, Stories of Love ang pamagat ng palabas sa isang local English channel. Apat na kwento ng pamilya na may kuneksyon sa isa’t isa at ang kumuha ng atensyon ko ay ang istorya ng isang Pinay DH na iniwan ang anak noong maliit pa ito upang magtrabaho sa bansang Singapore para may maitustos sa paglaki at pag-aaral nito.

Hindi ko alam kung tunay na mga pinoy ang mag inang gumanap dahil puro ingles ang salita nila, at sa unang dinig pa lang singlish ang gamit ng lalaking nanggaling sa maynila para dalawin ang kanyang ina. Pero malinaw na malinaw sa aking pag gagap ng istorya na nakuha nila ang puso ng isang woman migrant na nanggaling sa pinas bilang third world country.

mother and child

Halos hindi sila magkakilalang mag-ina, ang tanging larawan ng anak na naitatabi niya ay kuha pa noong sanggol pa lang ito. Ang alam lang niya tungkol sa bata ay ang naging sakit nito noong maliit pa. Alam niyang nag-aaral ito ngayon ng medisina at ang layo ng Singapore sa Pilipinas ay kasing layo din ng kanilang relasyon bilang mag-ina na pinaglayo ng panahon at kasalatan sa pera.

Ang pagdating ng anak para bisitahin siya sa unang pagkakataon ay nakapagdagdag ng karanasan niya sa piling ng isa’t-isa, nadagdagan na rin ang mga larawan nito na maitatabi niya at higit sa lahat narinig nito ang pagpapaalam niya at naramdaman ang kaniyang yakap ng sila’y muling maghiwalay. Ang anak bumalik ng pinas upang magpatuloy sa buhay at pag-aaral at ang ina ay patuloy na ibubuhos ang lakas sa pagtatrabaho para maipangtustos sa pag-aaral ng anak.

“Paalam inay.”

“Paalam anak.”

At ang muling pagyakap kasunod ang muling paghihiwalay.

(*maaring sabihin na kwento lang ito, walang pinaghugutan ng tunay na karanasan. Sino nga ba namang DH ang hindi uuwi sa loob ng 17 taon para bisitahin ang mga naiwang pamilya? May mangilan ngilan akong nakilala dito na madalang pa sa patak ng ulan kung umuwi ng pinas at bawat isa sa kanila ay may kaniya-kaniyang kwento.)

Rate this:
2.5

Viewed 192 times by 88 viewers

Anong gagawin mo kung isang umaga ng alas onse lumabas ka ng bahay nakashort at naka spaghetti strap lang na blouse na suot pa ng nakaraang gabi, nakapagsepilyo nga pero ni hindi nakapaghilamos man lang buti nga lang sa awa ng Diyos ay nakapagkape naman, may bitbit na may naghihingalong baterya na handphone at may $1 sa bulsa pero walang susi para makapasok ulit sa loob ng bahay? Tinext mo ng ilang beses ang kasama mo sa bahay na lumabas din kung may susi siya ngunit hindi sumasagot. At pagkaraan ng may isang oras dumating ang tinext mo para lang malaman mo na kaya hindi sumasagot ay naiwan niya ang handphone sa loob ng bag na ginamit kahapon at higit sa lahat WALA RIN SIYANG SUSI.

Continue Reading »

Viewed 159 times by 59 viewers

Matangkad, may magandang pangangatawan, may mga mapupungay na mata na na napapaligiran ng mahahaba at mapilantik na mga pilikmata. Tila nililok na mga ilong at may mapupulang labi. Sino ang hindi mahahaling sa lalaking ito?

Pwede siyang tawaging Crush ng Unibersidad. Halos lahat ng mga kilala kong babae sa 6th floor ng PUP ay napapatingin sa kanya. Tipong ligawin ba. Lalaking ligawin at talagang ang mga babae ang unang gumagawa ng paraan para maging boyfriend siya. Patas na ang laban, karapatan na rin ng mga babae na piliin at magpakitang gilas sa sino mang lalaking maibigan nya, siyempre sinusulong nila ang peminismo e.

Continue Reading »

Viewed 112 times by 48 viewers