Paunawa: bawal basahin ng mga madudumi ang isip, ng mga sex perverts at higit sa lahat ng mga nagreresearch tungkol sa mga pinay scandals.
Kaya siguro muling bumabalik-balik ang katanungang para saan at para kanino ba ang sining kung sadyang iilan lamang ang nakauunawa’t nakikinabang dito. Kung ang magagap na kasagutan ay ang iilan lamang artistang nagsusulong ng sining na sila-sila lamang ang nakaintindi, mapagtatanotong ang ganitong uri ng sining ay napakasalat dahil hindi para sa ikabubuti ng lahat o ng nakararami. Dahil dito, maari silang akusahang nagbabate lamang - at matapos labasan, naghahanap ng kaganapan sa pagtangkilik ng kapwa artistang mahilig ding sa pagbabate! Hindi nagkaroon ng katawang mahihipo’t mahahaplos ang kanilang isinusunong na sining. Parang mga salitang hindi na nga nadama ayhindi pa rin nakita. salitang hindi nagkaroon ng hugis, hindi nagkaroon ng kaganapan para sa marami. SALITANG HINDI NAGKALAMAN.
Palagay ko’y kailangan na kong bayaran ni Frank G. Rivera para sa adbertisment ng kanyang libro. Pero sadyang naaliw lang ako sa introduksyon niya para sa kaniyang ikalawang libro ng Makata sa Cellphone.
Dito ipinakita niya ang reserbasyon niya sa mga “magagaling na manunulat” na nagpapalayo ng sining sa mas nakararaming tao. Dahil sa paggamit ng malalalim na pananalita na hindi magagap ng mga simpleng tao, sa aking sariling salita “hindi nakapagpapamulat, hindi nakakapag-paanalisa at higit sa lahat hindi nakakapagpakilos”. Yan ay batay sa pagkakaintindi ko pagkatapos kong basahin ang kanyang libro. (Kung may magdodonate o magreregalo lang sana ng una at ikatlong libro sa akin.)
Pero hindi ako sa “salita” nagkaroon ng interes kundi sa “pagbabate”. Naalala ko lang noong minsang nagside comment ako sa isang chatroom ng “Ano yan intellectual masturbation?” dahil sa pagpapalitan ng kuro-kuro, opinion gamit ang mga salitang hindi mo maintindihan tungkol sa isang subject matter. At ang halos lahat ay nagtawanan na. Sila yung mga taong nagtawanan din noong minsang sinabi kong ano ang nakakatawa sa salitang p** p** (kolokyal na tawag ng mga pinoy sa ari ng babae) samantalang isa itong biological na parte ng katawan ng babae, katulad ng mata, ilong, kamay, tainga na pag binanggit mo naman ay walang magtatawanan.
Noong lang ata narinig ng mga taong iyon ang mga katagang “intellectual masturbation“, sabagay batay sa pagkakakilala ko sa mga iyon ang tiyak na alam lang nila ay yung salitang masturbation.
Iniisip ko tuloy bakit pag ang ari ng babae ang pag-uusapan ay madalas magtatawanan ang maraming indibidual pero pag sinabi mong “yagbols o bayag” ay walang tatawa dahil para sa lahat ito ay nagrerepresenta ng katapangan (inspired by kenjie’s click entry po iyan)
| 2.5 |
Viewed 511 times by 174 viewers









athem short term medical insurance
manilenya







No comments yet.