Ang sakit ng kasu-kasuan ko, well sa bandang bisig at kamay lang naman hanggang dito sa may balakang. Napasubo mula sa matagal na pagpapahinga sa aking napakaganda at pinakamamahal na propesyon, ang pagmamasahe.
A week ago, napa-oo ako sa isang mag-asawa na naghahanap ng masahista (Ako yun!), pampaalis ng stress, pamparelax at pampa-alis ng pananakit ng katawan.
Wish ko lang natugunan ko ang hinahanap na masahe ng aking pasyente( yes you’ve read it right! I call my client as patient yan ang unang-una kong natutunan sa massage clinic na pinag enrollan ko noon. Hindi kliyente). Ang gusto niya daw kasi yung bugbog sarado.
Tanong naman ako ng tanong sa kaniya kung masakit ba? HIndi daw, kaya nag-aalala ako kung ginagawa ko ba ang dapat, kasi ang aking massage therapy na ginagamit ay kailangang masakit. kailangang masaktan ang pasyente at after ng sakit ang pleasure (hehehehehe! opo pain and pleasure, katulad ng nabasa ko sa book ni Paulo Coelho na Eleven Minutes, trabaho ng Sadista nasisiyahan syempre ang masokista.)
Of course not, hindi naman ganoon kabrutal siyempre, ang chirotherapy naman ay masahe lang naman, kailangan masakit, yung madudurog ang tinatawag nating mga pinoy na lamig, sa termino ng mga massage therapist ay ang “crystalline deposit” pero pagkatapos naman noon ay ang maginhawang pakiramdam. Wow sarap!! enjoy! isa pa nga ulit please! Yan tiyak ang maririnig ko sa pasyente pagkatapos ng halos dalawang oras na masahe, mula ulo hanggang paa (kasama ang tainga siyempre) at kwidaw ka back and front yan, sensya na walang kasamang..bonus. Masahe lang talaga!
| 2.5 |
Viewed 423 times by 111 viewers









shien
manilenya







No comments yet.