Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen is sleeping........

        (Updated 16 hours, 37 minutes ago)

      Please visit this site
      Ads here
      • Advertise Here
        Chitika Referral
        Performancing Hive
        Social Media Marketi
        Authority Builder
        Blog Management
        Blog Stats
    Recent Comments
    Sponsors
Spokening dollar in the making
By User Imagemanilenya | No CommentsLeave a Comment
Last updated: Wednesday, August 16, 2006

Yep yep! nag ingles nga ako, hinihintay ko na may pumuna pero wala. May nanibago lang dahil kaiba ito sa lengwaheng ginagamit ko sa pagbablog. Nagpakawala na naman ako ng lakas ng loob para magbato ng mga linya gamit ang ingles na salita. Isang bagay na kinatatakutang kong gawin dahil sa ayaw kong mapahiya. Ayaw kong makarinig ng puna pagdating sa kakayahan kong magingles.

Pero ang natutunan ko noong kolehiyo ay ang pagtanggap ng puna para mapaunlad ang sarili. Walang puwang ang tinatawag na “success” at pagbabago sa isang may balat sibuyas na indibidwal.

Dahil sa hindi ko magawang makalikha ng isang entry na may magandang konstruksyon ng ingles natutuwa ako pag nababasa ko ang mga entry ni Mmy-Lei at nababasa ko ang mga komento ni Ann sa mga blog na ingles ang ginagamit na wika. At siyempre pa nakaaaliw basahin ang pabugso-bugsong ingles ni TK sa mga entry niya. Ang huhusay kasi nilang managalog at mahusay din sila sa wikang ingles.

Natutuwa rin ako sa patuloy na pagbisita at pagkomento dito ng mga ingliserong sina SenyorEnrique, Migs, Toe, Myepinoy, Tala at Jhay dahil sinasayawan nila ang siya lang na kakayanan ko, ang magtagalog.

Sa rason na nasa ibang bayan ako, ang nagtutulak sa akin na mag-aral gumamit ng wikang ingles bilang gamit sa pagsasalita at pagsusulat. Bumili pa ako ng mga maliliit na libro na maari kong basahin para matuto ako, pero pag binabasa ko na naroon ang kawalang tiyaga kong basahin ito sa dahilang mga napag-aralan ko na siya noong nag-aaral pa ako. Grammar, vocabulary, simple and complex sentence, past participle, present tense atbp. pakiramdam ko nasa elementarya ako pag nagbabasa ako nito.

Noong isang gabi lang nagkwentuhan kami ni younger sis, ang sabi niya: “Akalain mo yun, hindi mo iisiping nakakapagsalita ako ng ingles ngayon, I mean nakikipag usap ng diretsong ingles at technical pa ang pinag-uusapan namin.”

“Natatandaan ko pa noong nasa third year high school ako, mayroon kaming mini skit sa Speech and Drama Class namin, ang role ko ay pulis at sa istorya, pinatawag kaming mga pulis para bigyan ng mahalagang trabaho. Mabilis kaming pumasok sa loob ng room mula sa labas ng klasrum pagkatapos tinaas ko ang kamay ko (salute) at buong tapang kong sinabi na “mission accomplish sir!”. Nagtataka ako kung bakit buong klase pinagtawanan ako, tapos narealize ko na mali yata ang sinabi ko dahil wala pang misyon na sinasabi sa amin.”

“Simpleng “mission accomplished” hindi ko alam ibig sabihin e third year na ko tapos nasa section one pa ko,” natatawa niyang sabi pa.

Bigla ko tuloy naalala yung isang gabi sa sociology class noong kolehiyo. PInaguusapan namin sa klase ang sistema ng edukasyon sa pilipinas, at dahil sa gusto kong ipunto na kolonyal ang education system ginawa kong halimbawa ang alpabeto. Bakit kailangan ang A ay maging as in apple na binigkas kong eypol, sa isang simpleng salita binigkas ko buong klase ay nagtawanan. Eypol. College Student. Eypol. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit noong nasa ikatlong taon ako ng high school ay pinili ako ng titser ko sa ingles para humalili sa kanya noong girls and boys week bilang English teacher ng ilang klase na tinuturuan niya ng buong isang linggo.  Mahina talaga ako sa ingles, mapasalita man o sa pagsusulat yata.
Siguro isang dahilan din yan kung bakit ayaw ko ng mag ingles pa.

Ang sabi ni younger sis kailangan ko lang daw ng exposure sa mga tao dito, makipag-usap daw ako ng makipag-usap sa mga locals para masanay ako.  Ang dapat lang daw ay pataasin ko ang self-esteem ko, ang paniniwala ko sa kakayahan ko.  Ang sabi ko naman, paano ako matututo e mali-mali din ingles nila. Tingin ko nga mas marunong pa ko magingles sa kanila e. Iyon nga lang sanay sila na mag ingles ng mag ingles araw-araw samantalang naalangan naman akong magingles lalo na at napapansin ko na mali ata ang sinasabi nitong mga nakakausap ko.  Pero kailangan kong matuto, kaya sige pagtyatyagaan ko na silang kausapin.

Ngayong linggong ito pala ay Linggo ng Wika.  Ano nga ba ang tamang pagbati nito?  Maligayang Linggo ng Wika?

Rate this:
2.5

Viewed 281 times by 84 viewers

RSS feed | Trackback URI

Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.