Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Please visit this site
    Recent Comments
      Shout Out!
    Sponsors
isang araw sa kalye
By User Imagemanilenya | 2 CommentsLeave a Comment
Last updated: Sunday, August 6, 2006

Magbabayad na sana ako, pero pagkapa ko sa pantalon ko, napansin ko na kulang yung pera ko. Siyete singkwenta na ang pamasahe, maari ko namang sabihin sa drayber na siyete lang ang pera ko pero nahihiya ako. Pinara ko ang sasakyan at nagkunwari na may naiwan sa aking pinanggalingan. Iniisip ko, kailangan akong makahanap ng singkwenta sentimos, ayaw ko talagang magbayad ng kulang at baka mapahiya lang ako sa drayber at sa sinumang makasakay ko.

Ang ginawa ko naglakad ako padiretso sa kalsadang tinutungo ng dyip papunta sa destinasyon ko. Habang naglalakad nakatungo ako, baka may mahagip ang mata ko ng isang singkwenta, o kaya mas malaki pa, pwedeng piso, limampiso. beinte….basta! Ang tanging laman lang ng aking isip ng mga panahon na iyon ay makahanap ng pangsakto sa pamasahe ko.

Napansin ko na napapalayo na ang lakad ko, tumatagaktak na rin ang butil butil na pawis sa noo ko pero wala pa rin akong makita ni sentimo. Inaliw aliw ko ang sarili ng mga kantang alam ko habang nakatungo, naghahanap pa rin. “Putsa!” napapamura na ko, halos nakakalahati na yung nilalakad ko. Mababaliw na ata ako….kailangan ko ng singkwenta sentimos para makasakay na ako. Maya-maya ay may natalisod ang aking paa, sinipat-sipat ko ito dahil mukha siyang pera. Yumuko ako at pinulot yung nakita ko. Poteks!! isang metal na hugis bilog lang pala. Tingga amputah!

Siyet! tangna!tangna! ting ama talaga! Hindi ako nagmumura kahit na lumaki ako sa isang lugar na ang mura ay ginagawang almusal, pananghalian at hapunan ng mga kapitbahay. Hindi! nagmumura pala ako pero lagi na sa isip lang. At ngayon ang pinakamagandang panahon ng pagmumura dahil nangangapos na ang hininga ko sa malayong paglalakad gawa ng singkwenta sentimos na kulang sa pamasahe ko.

Ngayon ay nagmamadali na ako sa paglalakad pero ganun pa man hindi nawawala sa isip ko na kailangan ko ng singkwenta sentimos. Makarating man ako sa Divisoria nito, kailangan ko pa ng isang sakay pauwi sa bahay.

Lingon dito lingon doon, yuko, dampot, tayo hagis. Amputang buhay to oo!! Maniniwala ka bang may 20 mil akong hawak kanina? Pinambayad sa ospital ang disisais, may binili ako sa isang bookstore na libro, nagpadala ng sulat sa fedex at meron pang iba..hindi ko na maisip kung ano pa pinagkagastusan ko….dahil abala ako sa 50 sentimos na kulang sa pamasahe ko.

Hindi ko na namamalayan na nagsasalita na pala ako habang naglalakad. Tinitignan na ako ng mga tao.

Napapahiyang binilisan ko ang lakad ko, halos tumakbo na ko sa bilis. Nadaanan ko na ang Manila City Hall, lipat ako sa kabila papuntang lawton, lakad takbo nakalimutan ko na ata ang singkwenta sentimos na kailangan ko. Malapit na ko! malapit na ko! Aaaahhhhhhh!!!!

Nakakapagod, pero pakiramdam ko pinagtitinginan na ako ng mga tao. Hindi ko na inaangat ang mukha ko habang naglalakad. Hanggang sa ma-aninag ng ng mga mata ko ang Binondo Church.

Pumasok ako doon at umupo sa may likurang upuan. Hindi ako nagdasal. Hindi ako humiling ng singkwenta sentimos. Napapagod lang ako at ang upuan sa tabi ng bentilador sa may kisame ang magandang pagpahingahan ng napagal kong mga paa.

Hanggang sa napagpasiyahan kong lumabas at tuluyang ng umuwi. Bahala na ang sabi ko…. mag one-two-three? napangiti ako sa sarili ko. Sanay na naman ako diba? Hindi naman isang beses ko lang ginawa ang hindi pagbabayad sa sasakyang pag nauubusan ako ng pera sa bulsa.

Kanina nga lang ay natakot akong gawin ulit yun, dahil nung isang araw lang ay napahiya ako sa unang pagsita sa akin ng drayber dahil hindi ako nakapagbayad agad.

Lakad ako hanggang sa umabot sa sakayan ng Velasquez. Nagdadalawang isip pa ako kung sasakay o maglalakad na lang ulit. Nakaya ko nga ang mula Pedro Gil hanggang dito sa Divisoria e, hanggang Velasquez pa kaya na mas maikli ang byahe. Pero pagod na ko, pagod na pagod.
Bahala na sabi ko.

Sumakay ako sa unang sasakyan na nakita ko.

“Oi! Enyang! Kumusta?” sabi ng mamang drayber.

“Mang Jun!” biglang umaliwalas ang kanina’y pagod na pagod na mukha ko. “Mang Jun! Mang Jun! Kumusta po?”

“Aba naman! namiss mo ako ineng ano?” sabi ni Mang Jun na nasa mukha ang katuwaan ng makita ako.

“Siyempre naman po, tagal na kayong hindi nagagawi sa bahay e!” ang sabi ko na nagpipigil maiyak. Pero tumatawa ako, tumatawa na naiiyak.

Si Mang Jun, ang dating service driver ng nanay ko sa pagtitinda ang anghel dela gwardya ko ngayong araw na ito.

(Pinagpasiyahan kong tapusin ang isang kwento na sinimulan ni diyosa, at pansamantalang ako’y magpapa-alam na muna sa mga kaibigang blagista at mga bisita na walang sawang pumupunta dito galing sa mga search engine..pasensiya na at wala kayong makuhang makakatulong para sa mga researches ninyo.  Ito ang panahon ng pamamahinga mula sa pagbablag.  MARAMING SALAMAT SA LAHAT!  HANGGANG SA MULI!

Rate this:
2.5

Viewed 195 times by 71 viewers

RSS feed | Trackback URI

2 Comments »

Comment by no imageTaroogs (Who am I?)
2007-11-27 23:34:08

Ahahahahaha!!! panalo! buti at hindi ka bumigay, kapatid. Mahal ka pa din ni Lord — nagpadala ng anghel :-) (link po kita ha, oks lang?)

Taroogs’s last blog post..Blogorrhea #2 (Si Mang Tony)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-11-27 23:47:17

Taroogs »

I told you lol!!
lang problema sa link :)

Rate this:
2.5
 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.