manilenya

Mga karanasan, haka-haka, opinyon at rebuttal ng isang bobang pinay
Subscribe

bahaw at iba pa

August 01, 2006 By: User Imagemanilenya Category: blog, life

Sa palagay ko hindi nyo magugustuhan ang sana’y bagong ipopost ko dahil ang daming trouble para ipost ito.  Una malayo ito sa karakter ng may-ari ng blog na nakilala o nakikita nyo (?) o malayo ito sa karakter ko  na ipinakikita ko o ipinakikilala kong ako sa inyo (?)

Nandoon na sana lahat ng emosyon kung ano man mayroon ako ngayon.  Isang emosyon na kinikimkim at hindi mailabas.  Isang emosyon na pumipigil sa akin para umunlad bilang isang tao, para magkaroon ng buhay tulad ng isang tao……Sayang!

Ngayon, naghahangad ako ng isang panahon na ang nararamdamang kong iyon ay madurog ng tuluyan. Sabi nga para tuluyang mag move on……………

Ang mga Tag, pangako ay gagawin ko sa mga susunod na araw.

BAHAW

bahaw

Tanghali pa lang pagkagising pagkatapos ng ilang araw na pagpapagod sa pagpeprepara ng birthday ni Enane sinabi na ni younger sis na itatapon na niya ang kanin na ito.  Hindi naman talaga siya bahaw talaga pero iyon na lang ang sinabi ko dito para mabawasan ang guilt na nararamdaman ko sa pagtapon ng napakaraming kanin na ito.

Nakapagluto kami ng anim na putahe at ang kanin ay inorder na lang namin sa canteen dito sa halagang $25 sing. Almost 800 pesos din iyon.  Wala kaming choice kundi itapon dahil hindi naman namin kayang kainin iyan sa loob ng ilang araw at tiyak masisira.  Hindi rin namin pwedeng ibigay sa kapitbahay at baka bigyan kami ng mga nakamamatay na tingin.  Ano sila poor?

Gabi na ng naitapon namin ang kanin.  At sa tagpong iyon, ang daming pumapasok sa isip ko habang ipinaplastik ang kanin.

  • Naalala ko ang ilang kapitbahay na madalas manghingi ng kanin.
  • Naalala ko ang maraming pamilya ang walang makain hindi lang sa pinas kundi sa Africa at iba pang panig ng mundo.
  • Naalala ko ang dalawang pamilya na namatayan sa cavite noon dahil sa pagkain ng mga tira-tirang pagkain sa jollibee (nakalimutan ko ang tawag sa kanila noon)
  • Naalala ko ang madalas sabihin noon ni nanay noong nasa Guam at Saipan si tatay, madalas huli ang kanyang sweldo bilang painter/finisher/mason/carpenter/crane-operator atbp. At pag sumweldo naman ay kulang pa sa pambayad ng utang.  Madalas niyang sabihin noon ay “sige na kahit magpa-alilang kanin na lang ako..may makain lang ang mga anak ko.”

Pero ito kami, nagtapon ng sangkaterbang kanin.  Patawad, pero wala kaming choice e.

Limang taon na ang nakakaraan, unang lipad ko rito para sa isang buwang bakasyon, habang naghuhugas ng pinggan, hinanap ko yung lalagyan nila ng kaning-baboy (palasak na tawag sa atin sa pinas ng mga tirang pinagkainang pagkain.)  Usually sa atin itinatabi pa ito para sa mga alagang aso, pusa (iyon ay kung hindi ka bumibili ng pedigree), at siyempre para sa mga alagang baboy ng mga kapitbahay.  Kami sa amin dahil may alagang baboy si tatay bumibili pa kami ng mga tira-tirang pagkain sa mga restawran bukod sa mga gulay  na hindi na pwedeng ibenta at kainin ng mga tao.

Ang sagot ni younger sis wala daw baboy na alagain sa Singapore kaya ang mga tirang pagkain na iyon sa basurahan din napupunta.  Nakakapanghinayang dahil ang tirang-pagkain ay malaking pakinabang sa amin sa tundo.  At kung maari lang huwag dudumihan ang natitirang pagkain dahil pwede pang ibigay o may nanghihingi ng mga iyon sa bahay.

Nanghihinayang ako pero ano ang magagawa ko?

Rate this:
2.5

Viewed 1098 times by 242 viewers

RSS feed | Trackback URI

Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.