manilenya - Last updated: Thursday, August 31, 2006
Nilalapastangan ako ng mga spammer na to, ginugulo nila ang mundo ko. Sumusuot-suot sila sa pinakasingit-singit ng kasahigan ko. Isang daang porsyento ang dumagsa para ligaligin ang admin page ko. Ultimong ang aking moderate page ay walang sawa na rin nilang ginagahasa. Patuloy silang bumabagsak tila ba mga patak ng ulan na sunod-sunod na umaatake sa butas-butas na yero ng bahay ko, nahihirapan na ako.
Ang nais ko lang mabasa ay ang komentong may saysay, ayaw kong bimili ng viagra o kung anu-ano pang mga hindi ko mawawaang mga produkto o salita na pilit pinauulan sa pinakailalim-ilaliman ng mga entry ko.
Kailan ba maayos ang akismet na ito? O maayos pa ba?
| 2.5 |
Viewed 164 times by 63 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, August 29, 2006Paunawa: bawal basahin ng mga madudumi ang isip, ng mga sex perverts at higit sa lahat ng mga nagreresearch tungkol sa mga pinay scandals.
Kaya siguro muling bumabalik-balik ang katanungang para saan at para kanino ba ang sining kung sadyang iilan lamang ang nakauunawa’t nakikinabang dito. Kung ang magagap na kasagutan ay ang iilan lamang artistang nagsusulong ng sining na sila-sila lamang ang nakaintindi, mapagtatanotong ang ganitong uri ng sining ay napakasalat dahil hindi para sa ikabubuti ng lahat o ng nakararami. Dahil dito, maari silang akusahang nagbabate lamang - at matapos labasan, naghahanap ng kaganapan sa pagtangkilik ng kapwa artistang mahilig ding sa pagbabate! Hindi nagkaroon ng katawang mahihipo’t mahahaplos ang kanilang isinusunong na sining. Parang mga salitang hindi na nga nadama ayhindi pa rin nakita. salitang hindi nagkaroon ng hugis, hindi nagkaroon ng kaganapan para sa marami. SALITANG HINDI NAGKALAMAN.
Viewed 203 times by 93 viewers
manilenya - Last updated: Monday, August 28, 2006Ang sakit ng kasu-kasuan ko, well sa bandang bisig at kamay lang naman hanggang dito sa may balakang. Napasubo mula sa matagal na pagpapahinga sa aking napakaganda at pinakamamahal na propesyon, ang pagmamasahe.
A week ago, napa-oo ako sa isang mag-asawa na naghahanap ng masahista (Ako yun!), pampaalis ng stress, pamparelax at pampa-alis ng pananakit ng katawan.
Wish ko lang natugunan ko ang hinahanap na masahe ng aking pasyente( yes you’ve read it right! I call my client as patient yan ang unang-una kong natutunan sa massage clinic na pinag enrollan ko noon. Hindi kliyente). Ang gusto niya daw kasi yung bugbog sarado.
Tanong naman ako ng tanong sa kaniya kung masakit ba? HIndi daw, kaya nag-aalala ako kung ginagawa ko ba ang dapat, kasi ang aking massage therapy na ginagamit ay kailangang masakit. kailangang masaktan ang pasyente at after ng sakit ang pleasure (hehehehehe! opo pain and pleasure, katulad ng nabasa ko sa book ni Paulo Coelho na Eleven Minutes, trabaho ng Sadista nasisiyahan syempre ang masokista.)
Of course not, hindi naman ganoon kabrutal siyempre, ang chirotherapy naman ay masahe lang naman, kailangan masakit, yung madudurog ang tinatawag nating mga pinoy na lamig, sa termino ng mga massage therapist ay ang “crystalline deposit” pero pagkatapos naman noon ay ang maginhawang pakiramdam. Wow sarap!! enjoy! isa pa nga ulit please! Yan tiyak ang maririnig ko sa pasyente pagkatapos ng halos dalawang oras na masahe, mula ulo hanggang paa (kasama ang tainga siyempre) at kwidaw ka back and front yan, sensya na walang kasamang..bonus. Masahe lang talaga!
| 2.5 |
Viewed 165 times by 58 viewers
manilenya - Last updated: Sunday, August 27, 2006It’s been a while since my last update sa multiply ko, and I almost forgot that I have a multiply account. If not for Jhay, pupulutin na sa kangkungan ang aking konting kakikayan sa balat ng net
Inayos ko siya ng konti, at yung mga bagay na hindi ko magawa sa site na to, doon ko ginawa. like uploading sounds and pics. Okey na okey siya dahil hindi ko na kailangan ng third party to upload pics, short videos and sounds. Cool right? KUng magkakaroon ng time siguro, gawin ko siyang journal and I will use this page for some “literary” (daw o!) piece, patuloy pa rin ang pagkukuwento ng mga karanasan na walang halong kakikayan, at pagbabato ng mga opinyon, rebuttal at haka-haka na mga walang kwenta.
Sa pagbisita sa aking multiply, be sure na nakabukas ang inyong speaker and listen to my MYMP collection, sa susunod haharanahin naman kayo ng aking walang kamatayang soundtrack ng Lovers in Paris (wala!!!walang magrereact all time fave ko yan!)
Feel free to add me to your friends list doon guys! Enjoy the music and next time I will upload more sounds and videos na shoot ko mismo. pero pagtyagaan ang mga postings sa journal since galing lahat sa blogger ko ang mga entries but I will surely post new entries siyempre. Have fun exploring my pages!
| 2.5 |
Viewed 124 times by 59 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, August 24, 2006Sa Bangued, Abra
Kulay ng mga Tingguian
Kayumangging kabundukan
Halos hindi maambunan
Pansin ng pamahalaan.Tuyong tuyo na ang Abra
Kahit buhay ang kultura
Kapamilyang inulila
Ng sariling ama’t ina.Sa kultura pumipintig
At sa sayaw pumilantik
Panaghoy na walang himig
Suliraning namutiktik.Sa Bangued, Abra napunta
Ang napakaraming kaba
Sa gitna ng pagsasaya
May hapdi ang musika.
Viewed 128 times by 53 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, August 23, 2006“huwag damdamin ang kasawian…”
“why do birds suddenly appear..”
“…tuwing umuulan at kapiling ka…”
“nakatanggap ako ng sulat mula sa amin….”
“..tama na..ang pag-aalinlangan..ang takot ay nasa isip laman..”
Inuulan na ako ng mga liriko sa isip ko,
purong himig na nanggagaling sa aking bibig
sinasabayan ako ng madamdaming mga awit
katulad kong umuusal ng mga salita ng paghibik
Sige kanta pa
kanta lang ng kanta
hanggang ang boses ay mapaos
hanggang ang litid ay pumutok
sige kanta pa
kanta lang ng kanta
ubusin ang panahon
kasama ng mga tulang may himig
sige kanta pa
kanta lang ng kanta
hanggang sa ikaw ay mapagod
hanggang sa masaid ang iyong luha
sige kanta pakanta lang ng kanta…….
| 2.5 |
Viewed 107 times by 45 viewers
manilenya - Last updated: Monday, August 21, 2006After having an interesting tête-à-tête on correct grammar usage (inspired by my previous post of course) last friday afternoon a friend opened up an impeachment topic which is atypical to our usual subject whenever we have a gmail chat. I thought he knew my stand with this matter since he read my blog from time to time and I remember I had posted my opinion several times but maybe I was wrong. Here is the excerpt (I didn’t ask his permission to post it but I hope he won’t mind):
HIM: Alam mo technique
isulat mo lang ang isang sentence
then afterward
hanapin mo ang SUBJECT
then ang VERB
yun lang
den dagdagan mo nalang
Ang saya saya ko bumagsak ang IMPEACHMENT
hehheeme: maybe I know that principle but since I am not used to speak or write in english kaya ako nagkakamali …wahehehehe tama ba namang mag ingles ako
lanya ka
masaya ka?HIM: Yes
I am pro arroyome: bakit?
a okeyHIM: Kasi yang mag nag aatungal na yan
walang ginawa kundi umatungal
akso wala namang maibigay na solusyonme: uhmmn malay mo
kung yung mga pulitiko na nag aagainst kay GMA maniniwala pa kong walang aksyong maibibigay
but the progressive blocks I beg to disagree
tama ba ingles ko?
lol
heheheheheHIM: Hidni ko naintinidhan sinabi mo
me: hehehehe never mind
siguro si [ano]maiintindihan nya ang sinasabi koHIM: Here is the thing
we all want to be DEMOCRATIC
at sumusunod sa LAW
rightme: okey
HIM: at kapag hindi sang ayon sa law
kailangan LITISINme: heheheh kung usapin ng batas please refer to attyerwinjames.blogspot.com
![]()
HIM: kaakibat ng paglilitis ay ang EVIDENCE
me: tinitilad tilad nya ang batas na brineyk ni GMA
![]()
HIM: Sadly, walang magagawa ang pinagdadaldal nya dyan
at hindi sya ang magsasabi kung GUILTY nga ang ARROYO
kundi ang IMPEACHMENT COURT
at so far, sorry na lang, hindi sya ma impeached impeached
lolme: e di hindi hehehehehe
HIM: pero nanalo ang OPPOSITION
panalo sa ASAR
lolme: wala naman akong karapatanang magsalita
kasi napapansin ko isa rin akong puro salita pero hindi kumikilos at tumitindig sa mga pinagsasabi ko
so better na tumahimik na lang ako
Viewed 202 times by 85 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, August 16, 2006Yep yep! nag ingles nga ako, hinihintay ko na may pumuna pero wala. May nanibago lang dahil kaiba ito sa lengwaheng ginagamit ko sa pagbablog. Nagpakawala na naman ako ng lakas ng loob para magbato ng mga linya gamit ang ingles na salita. Isang bagay na kinatatakutang kong gawin dahil sa ayaw kong mapahiya. Ayaw kong makarinig ng puna pagdating sa kakayahan kong magingles.
Pero ang natutunan ko noong kolehiyo ay ang pagtanggap ng puna para mapaunlad ang sarili. Walang puwang ang tinatawag na “success” at pagbabago sa isang may balat sibuyas na indibidwal.
Dahil sa hindi ko magawang makalikha ng isang entry na may magandang konstruksyon ng ingles natutuwa ako pag nababasa ko ang mga entry ni Mmy-Lei at nababasa ko ang mga komento ni Ann sa mga blog na ingles ang ginagamit na wika. At siyempre pa nakaaaliw basahin ang pabugso-bugsong ingles ni TK sa mga entry niya. Ang huhusay kasi nilang managalog at mahusay din sila sa wikang ingles.
Natutuwa rin ako sa patuloy na pagbisita at pagkomento dito ng mga ingliserong sina SenyorEnrique, Migs, Toe, Myepinoy, Tala at Jhay dahil sinasayawan nila ang siya lang na kakayanan ko, ang magtagalog.
Sa rason na nasa ibang bayan ako, ang nagtutulak sa akin na mag-aral gumamit ng wikang ingles bilang gamit sa pagsasalita at pagsusulat. Bumili pa ako ng mga maliliit na libro na maari kong basahin para matuto ako, pero pag binabasa ko na naroon ang kawalang tiyaga kong basahin ito sa dahilang mga napag-aralan ko na siya noong nag-aaral pa ako. Grammar, vocabulary, simple and complex sentence, past participle, present tense atbp. pakiramdam ko nasa elementarya ako pag nagbabasa ako nito.
Viewed 135 times by 58 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, August 15, 2006Youngest sis is now a blogger. While my other sister whom I know is very known to everyone who visits this page is busy working and learning her new job, my youngest sis, currently busy with her internet shop is now a full pledge blogger. I remember her simply lurking on my blog, leaving comments when my post is about the family I left in Philippines.
She’s not just a lurker, she’s now also blogging her thoughts. Please visit her site and see the award winning moments of her life. I can feel that her writings are more dramatic than mine. Sana lang mapanindigan niya ang maging isang dramatista! Save her Soul! nyahahahaha!! Just kidding!
I also want to introduce to you my 2 fellow manilenyas. They said that I am like a surrogate mom to them in blogosphere. Wala lang, I wanna spread my wings and give comfort to others (hehehehe para bang mga kawawang batang kalye na dinampot ko at inampon?).Kidding aside, karmi asked me to host her and I think the idea is nice so I picked her. And malaya? I just love her nick, I desperately like to use that as my blog title and URL name unfortunately she already have it, so why not host her instead, right?
And I think they are the reason why most of the time you guys can’t open my comment page, so I need to change my bandwidth soon. And that would mean more funds….tsk tsk tsk.
Hope u can help. Click my Adsense, come on! (nyak nyak nyak!!!!)
| 2.5 |
Viewed 112 times by 52 viewers
manilenya - Last updated: Sunday, August 13, 2006Noon naalala ko madalas sa panonood ng telebisyon, hindi kami sa palabas natutuwang mga bata, kundi sa bawat patalastas na isinisingit sa mga pelilkula na ipinapalabas.
Ginagawa namin itong isang laro, huhulaan namin kung anong patalastas ang isusunod, paunahan. Ang matalo may pitik sa tenga, ilong o sa kamay.
Kabisadong-kabisado na namin ang mga patalastas kahit na sa isang labas pa lang ng kamay o ulo ng bida sa komersyal o maging sa mga jingle nito.
At sa bawat patalastas, masayang-masaya na kami. Madalas naiirita kami pag natatagalan ang pelikula. “Tagal naman o!” sabay-sabay pa naming sasambitin. “Ang tagal naman ng patalastas!”
At pag komersyal na, ayan na ang mga halakhak pag mag-uunahan na sa pamagat, maririnig na ang simpleng mga hagikhikan pag pinagtatawanan ang hindi nakahula. Mamumula ang kanilang mga pisngi, kasabay ng pamumula ng parte ng mukha at katawan dahil sa mga pitik ng bawat kalaro.
Simpleng kasiyahan sa murang edad at iyon ay tila ba wala ng katapusan.
Iniisip ko ngayon, sana nga ganun lang kasimple ang lahat para masaya. At sana ang kasiyahan ay maging walang ding katapusan.
| 2.5 |
Viewed 121 times by 50 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, August 10, 2006
Nasa ika walong disc ako ng Korean teledrama na Sangdoo Let’s Go To School, at sa buong istorya ito ang ilang malilinaw na linya ang naiwan sa isip ko:
* Time is precious
* Life is good
* Life is precious
* Time is short
*
*
* Life is empty
Conflicting right?
Pero ganun naman talaga ang buhay diba? Conflicting.
Conflict within one self at conflict na dinidikta ng lipunan.
At nasa tao na mismo kung paano nya maa-oovercome ang conflict na ito.
……………………
I am breaking my silence. Ako na mismo ang bumasag ng katahimikang ginawa ko. Una dahil sa ayaw kong katulad ko ay magiging napakalungkot ang blog na ito, pangalawa ayaw kong makipag-usap kayo sa hangin sa tuwing napapadaan kayo dito.
Kaninang madaling araw nagsend ng message sa yahoo sms ko ang isang kaibigang nakilala online, Noong nagdecide ako na huminto sa pagchachat ang sabi niya sa akin ay huwag ko daw pigilin ang alon, huwag ko daw ihinto ang komunikasyon ko sa mga kaibigang nakilala online pero ang sabi ko “I don’t have friends…except you..at hindi ka madalas mag-online so no reason for me to log-on anymore.”
Pero katulad ng pagchachat noon, ayaw ko rin namang gawing isang obligasyon ang pagbablog, hayaan kong lumipad-lipad pansamantala ang isip ko at iblog ang gusto kong iblog.
Minsan gusto lang din natin ang katahimikan at mula sa pananahimik unti-unti tayong mag-iingay para mapansin muli.
Hindi ako nawawala, hindi ako nagtatago, dumating lang ang panahon ng kanormalan ko. Yung panahon na wala akong gustong gawin, panahon ng pag-iisip ng walang gaanong kwentang mga bagay. Panahon ng katahimikan ng katawan pero hindi ng diwa.
Pero hindi ako nangangako na tapos na nga ang katahimikan.
| 2.5 |
Viewed 124 times by 51 viewers
manilenya - Last updated: Sunday, August 6, 2006Magbabayad na sana ako, pero pagkapa ko sa pantalon ko, napansin ko na kulang yung pera ko. Siyete singkwenta na ang pamasahe, maari ko namang sabihin sa drayber na siyete lang ang pera ko pero nahihiya ako. Pinara ko ang sasakyan at nagkunwari na may naiwan sa aking pinanggalingan. Iniisip ko, kailangan akong makahanap ng singkwenta sentimos, ayaw ko talagang magbayad ng kulang at baka mapahiya lang ako sa drayber at sa sinumang makasakay ko.
Ang ginawa ko naglakad ako padiretso sa kalsadang tinutungo ng dyip papunta sa destinasyon ko. Habang naglalakad nakatungo ako, baka may mahagip ang mata ko ng isang singkwenta, o kaya mas malaki pa, pwedeng piso, limampiso. beinte….basta! Ang tanging laman lang ng aking isip ng mga panahon na iyon ay makahanap ng pangsakto sa pamasahe ko.
Napansin ko na napapalayo na ang lakad ko, tumatagaktak na rin ang butil butil na pawis sa noo ko pero wala pa rin akong makita ni sentimo. Inaliw aliw ko ang sarili ng mga kantang alam ko habang nakatungo, naghahanap pa rin. “Putsa!” napapamura na ko, halos nakakalahati na yung nilalakad ko. Mababaliw na ata ako….kailangan ko ng singkwenta sentimos para makasakay na ako. Maya-maya ay may natalisod ang aking paa, sinipat-sipat ko ito dahil mukha siyang pera. Yumuko ako at pinulot yung nakita ko. Poteks!! isang metal na hugis bilog lang pala. Tingga amputah!
Viewed 196 times by 71 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, August 3, 2006May nakatulugan akong mga meme, ibinigay ng dalawa sa magagandang tao (beautiful people –at talagang ingles ko pa daw!) I met in blogosphere, kaya dapat at tunay na marapat na gawin ko ito.
I owe this to Eric and Toe (may toes my knees my eric my head — hehehehe jowk lang jowk lang!) and they tagged me six weird things/habits about me. And they want me to choose and list down 6 bloggers to be tagged …abah kaswerte nila ikako! (jowk ulit). But sad to say my dearest Toes and Eric….I can’t…I just can’t. Why? Basta!
Uhmmnn nagtataka siguro ang ilang mga kaibigan kung bakit anim lang dahil alam nila na ang buhay ko ay punong-puno ng kaweirduhan. Pero yun nga ang mahirap diba ang mag-isip ng weird about u o habit kung everyday e kaweirduhan na ang nakikita sayo?
Previously here in my blog may nagawa na rin akong meme na katulad nito. Gusto nyo basahin? Wag na lang! Wag nyo ng basahin..okey?
For Eric and Toe kailangan at syempre gusto ko ulit gawin ito … and here are the six weird things about me ……..teka isip lang ako ha! ……
1. Sa pitong taon kong pag-oonline nakasanayan ko ng naka-online ng nakatuwad, minsan nakaluhod. Malayo kasi ang silya e..tinadamad akong kunin. Kaya kung maghapon akong naka-online, maghapon din akong nakatuwad.
2. Inuulam ko ang santol, saging, pinya, palabok at pansit sa kanin.
3. Naalala ko noong first year college ako, bagong dating ang tatay ko galing Guam, paborito kong suotin ang mga damit niya (levi’s pants, corduroy at ang walang kamatayang mga tshirt na an print ay cockpit –iba-iba kulay nyan syempre.) Ang hindi ko maintindihan yung mga kaklase ko gustong gusto ang porma ko at gusto pang arborin ang mga damit ko. E papayag ba naman tatay ko nun?
4. Pag sinabi ko sa nanay ko noon na ang gusto kong ulam litsong manok, bibigyan nya na ko ng mga 3 piso at tatakbo na ko sa tindahan para bumili ng tsitsirya na ang tatak ay litsong manok. Take note nasa college na rin ako nyan.
5. Ako yata ang taong walang pakiramdam. Nahihigaan ko na ang kutsilyo, gunting at kung anu-anong malalaking bagay ay parang hindi ko pa nararamdaman, basta maupuan ko siya o mahigaan care ko! Ay iyan ata ang namana sa akin ng tatlong tsikiting sa bahay ..Wawa naman sila!
6. MUKHA AKONG WEIRD!!!!!!!!!!wEIRD AKO!!!!!WEIRD ANG BUHAY KO!!!!
Tapos! Luto na ko.
| 2.5 |
Viewed 117 times by 47 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, August 1, 2006Sa palagay ko hindi nyo magugustuhan ang sana’y bagong ipopost ko dahil ang daming trouble para ipost ito. Una malayo ito sa karakter ng may-ari ng blog na nakilala o nakikita nyo (?) o malayo ito sa karakter ko na ipinakikita ko o ipinakikilala kong ako sa inyo (?)
Nandoon na sana lahat ng emosyon kung ano man mayroon ako ngayon. Isang emosyon na kinikimkim at hindi mailabas. Isang emosyon na pumipigil sa akin para umunlad bilang isang tao, para magkaroon ng buhay tulad ng isang tao……Sayang!
Ngayon, naghahangad ako ng isang panahon na ang nararamdamang kong iyon ay madurog ng tuluyan. Sabi nga para tuluyang mag move on……………
Viewed 116 times by 44 viewers


piapot





