Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen says although my mother is a street smart, it doesn't mean that I'm a smart ass....

        (Updated 1 day, 20 hours, 29 minutes ago)

      Please visit this site
      Ads here
      • Advertise Here
        Chitika Referral
        Performancing Hive
        Social Media Marketi
        Authority Builder
        Blog Management
        Blog Stats
    Recent Comments
    Sponsors
To post or not to post..(post na lang!)
By User Imagemanilenya | No CommentsLeave a Comment
Last updated: Tuesday, July 25, 2006

Mandadaya sana ako, sasabihin ko na nanaginip ako dahil sa pagkakalugmok ko sa kalasingan diyan sa baba…pero malabo.  Una hindi ako nanaginip, tamang tulo lang laway pero walang panaginip, pangalawa hindi ako sobrang lasing dahil pagkatapos ng isang oras at kalahati paggising ko wala na kong tama.  Pero tamang kanta at walang bitawan ng mikropono hanggang sa mag-umaga.

Kaya sasabihin ko na lang totoo.  Nakuha ko lang yan sa inbox ko at kinopya para lang maputol ang ilang araw na hiatus.  Alam ko korni pero hayaan nyo na lang….para masabing nagpost ako pagkatapos kong ayaw magpaistorbo

 

SIGNS YOU ARE IN OFFICE HELL

Ang lobby guard niyo ay si Palito alias Rambuto.

Ang time administrator niyo ay si Cherie Gil at ang morning greeting niya with a smile ay…         “Welcome to hell…”

Ang HR head niyo ay si Bella Flores at ang Employee Relations Officer ay si Odette Khan at ang HR Staffing head ay si Dexter Doria.  At pag pumasok ka na walang ID o hindi naka-uniform, kakaladkarin ka nila sa buhok palabas ng opisina pagkatapos kang pagsasampalin.

Ang Employee Benefits head ay si Lolit Solis.  Sige!  Magreklamo ka na maliit ang sueldo mo… Sigeeeeee…I dare you!!!!

Tuwing may problema ang kompanya, ang Corporate Communications head niyo na si Cristy Fermin  ang nagbibigay ng official company statement.  At ang simula nang kanyang presscon ay:  “Galing ito sa isang reliable source at itataya ko ang buhay at karangalan ko dito.  Wala akong libel case na inuurungan…”

Ang official company driver niyo ay si Vandolph. Do I have to explain?

Kapag kasama mo mag-OT si German Moreno… walang tulugan!

Ang Legal Investigator niyo ay si Tony Falcon at ang assistant niya ay si Wengweng.  Paminsan minsan ay tumutulong si Ricky Lo at Madam Auring bilang consultant.

Tuwing bubuksan mo ang filing cabinet andun si Mahal sa loob para iabot ang file na hinahanap mo.

Nung huling company anniversary ay sumayaw ka ng nakadamit babae at sumayaw sa tugtog na “ang ganda ko…feel na feel ang long hair ko…” kinabukasan dumating si Robin Padilla para itanong sa yo kung niloloko mo ang kapatid niya!

Messenger niyo si Kuya Cesar.

Si Boy Abunda ang career counselor mo at tuwing may problema ka ang tanong niya ay…”Mag-usap tayo, kaibigan…kung nasa harap ka ng salamin, ano ang sasabihin mo sa iyong sarili?”

Si Love Anover ang voice behind your automated phone system. “Mga katsokaran…ip you chuva da number eklavu…dependots 1…ips not…luz valdez…charing!” 

Ang Office Security niyo ay binubuo ng Tulfo Brothers.  Bigla silang darating sa opisina mo at sasabihin “Hephephep!  Nag-uuwi ka ng bond paper … tarantadong ‘to, ah … manggagantsong butete ka!!!” At pag tumanggi ka - ipapanood nila sa ‘yo ang hidden camera shots na nagpupuslit ka ng 2 pirasong bond paper mula sa printer … habang pinoposasan ka ng mga pulis.

Nung Halloween party niyo ang costume mo ay Lizardo at dun mo rin first time na-meet ang anak ng may-ari na ang pangalan ay Tristan … alias Panday.  Next halloween may tribute sa buhay mo na ipapalabas.

Tuwing pasko ang prize committee head ay si Bernadette Sembrano at Vicky Morales. Taon taon din ay nanalo ka ng bananacue at pedicab showcase. At nangangarap ka na sana next time si Willie naman para may jeepney.

Si Michael Fajatin ang laging nagpe-present ng annual report niyo:  “Mga Igan … nung umabot sa PhP50M ang ating kinita … kumita tayo ng PhP50M … matapos nating magtrabaho ng matindi kumita tayo ng PhP50M pero bago yan ay nagtrabaho muna tayo saka tayo kumita ng PhP50M.”

Boss mo si Big Brother.  At alam niya na lampas 15 minutes ka nag-coffee break kaya kailangan mo mag-type nang gamit ang ilong mo hanggang patawarin ka niya.

Kaopisina mo si Arnold Clavio at pag naka-leave siya, OIC niya si Arn-Arn.

At ang number 1 sign na you’re in OFFICE HELL:  

Department head mo si Mike Enriquez.AT HINDI NIYA KAYO TATANTANAN!!!!

Rate this:
2.5

Viewed 418 times by 113 viewers

RSS feed | Trackback URI

Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.