Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen goodnight...goodbye!

        (Updated 8 hours, 37 minutes ago)

      Please visit this site
    Recent Comments
    Sponsors
Sigarilyong di maubos
By User Imagemanilenya | No CommentsLeave a Comment
Last updated: Monday, July 10, 2006

(ninenok ko ang ideya kay eric)

Kahit takot akong magyosi dahil baka mangalawang ang bagong kabit na alambre sa ngipin ko nagyosi pa rin ako. Hindi ko mapigil eh magdadalawang linggo na kaya akong hindi nakakahithit ng nikotina.

Hindi naman ako chain smoker. Nagkaroon lang ng panahon na pag nakaharap ako sa kompyuter ilang sunud-sunod na sindi ng yosi ang ginagawa ko. Ewan ko kung naamoy ako sa kabilang kwarto pero keber ko ba. Madalas naman ay tulog na sila sa kabila pag nagkokompyuter ako.

Hindi ko alam kung nakikita ba ng nanay ko iyong mga upos ng sigarilyo sa may bubungan sa labas ng kwarto ko. Hindi ko rin alam kung nagtatanong ba siya sa sarili kung kanino ang mga upos na iyon kung sakali ngang nakita niya ang mga basurang iyon. Doon ko lang tinatapon yung mga pinagupusan ko kapag tinatamad akong lumabas ng kwarto.

Pero noong minsan, kandarapa ako akong umakyat ng bubungan ng katabing bahay na may dalang walis at pandakot. Kinakabahan na rin ako e, baka mamaya pagsimulan na naman ng isang mahaba-habang litanya na hindi mo alam kung saan matutuldukan.

Habang nasa bubungan ako tila ba parang rolyo sa pelikula na nagrerewind yung utak ko.

“Naninigarliyo ka daw sa eskwelahan.” panunumbat iyon kesa patanong.

“Ha?” wala na akong masabi e. Para tuloy akong isang magnanakaw na nasakote ng pulis.

“Me nagsabi sa kin. Saka ka na manigarilyo pag me trabaho ka na ha!” salita na ng reyna iyon at hindi ko na kinailangan pang humabol ng sagot.

Naimbyerna bigla ako dahil parang alam ko na kung sino ang sumbungera. Isa lang ang alam kong maaring magsabi sa nanay ko ko o pwedeng nagkwento siya sa iba at kinuwento naman ng pinagkwentuhan niya sa nanay ko. Mangani-ngani ko ng sugurin at paulanan ng masamang tingin kung sino man yun.

Pero teka, hindi naman ako pwedeng basta na lang manugod, dahil di ba nga mayroon pang ibang kapitbahay ang nag-aaral sa unibersidad na pinapasukan ko bukod sa akin at sa pinsan ko. At iyon din ang alam kong nagkalat sa lugar namin na lagi ako sa harap ng popeye sa tuwing may maliit na programa bago tumakbo patungo sa paanan ng mendiola.

Tumahimik na lang ako ng tuluyan. Ika ko sa sarili ko “bahala sila sa buhay nila, kung puproblemahin nila pati buhay ko abah e swerte ko naman.”

Lumakad ang panahon, hindi ako nakinig sa nanay ko. Syempre yosi pa rin ako……..ng patago. Yosi pa rin ako sa eskwela, kahit pinagbawal na yosi pa rin. Sabi nga nasa diskarte lang yan. Yosi sa rally, yosi pag may pag-aaral, yosi sa piket, yosi kahit saan.

Noong nahinto sa pag-aaral, yosi pag may inuman, sa tindahan…ipapasok ko bigla ang yosi sa bote ng sopdrink kahit hindi pa ubos pag narinig ko na boses ni nanay o ni tatay. Yosi sa baba ng bahay pag nasa taas na sila at natutulog. Yosi ako pag nasa kung saan na malayo sa bahay. Walang kamatayang yosi pero siyempre hindi naman marami, pailan-ilang stick lang.

Sa tinagal-tagal gusto ko na sanang sabihin sa nanay ko “nay pwede na ba kong magyosi, matagal na kong hindi nag-aaral eh” pero hindi ko masabi, nag-aalangan ako kasi baka isagot sa kin “pero anak wala ka pa ring trabaho hanggang ngayon.” Mapahiya lang ako diba?

Noong minsan nakita ko ang tatay ko nag-abot ng babaryahin sa mga kabataang babae na tambay sa may kanto ng eskinita namin. Pangyosi daw.

Napatanong tuloy ako sa sarili ko. Bakit ganoon, yung sungit ng tatay ko sa amin ng ganoon, na sa sobrang kasungitan hindi mo tiyak maipapakita kahit na yung maliit na bisyong ganoon. Pero eto siya nagbibigay ng pangyosi sa mga tambay sa labas.

Kasunod ng pagbabalik tanaw na iyon. bigla namang parang komersyal na lumabas sa isip ko yung sinabi ni kapatid, Naitanong ko kasi sa kanya kung bakit lagi niya ata akong napapansin. Pinapansin niya iyong mga bagay na ginagawa ko na sa tingin niya ay hindi maganda. Gayong alam ko naman na pareho lang kami ng matalik niyang kaibigan na may “kalokohan” kung minsan.

Ang sagot lang naman niya sa akin ay isang matinding “Kasi MAHAL KITA, MAHALAGA KA SA AKIN kaya kita pinapansin e siya bahala siya sa buhay niya, buhay niya iyon e.”

apdeyt!apdeyt:

  • Si kapatid na nagsabi sa aking noong matinding linya na iyon ay kajamming ko na sa yosian ngayon.
  • Pero madalas hindi niya pa nangangalahati pinapasa na niya sa akin, kinukuha ko naman kasi nanghihinayang ako mahal kaya yosi dito.
  • Dati pag naamoy ni Aya na amoy yosi ako sasabihin na niya “lagot ka! isusumbong kita kay nanay.” ganun pa rin, may anak na ko’t lahat takot pa rin akong ipakita sa nanay ko, sabi ko nga respeto na lang yun. Ewan ko kung masasabing respeto nga dahil balibaligtarin ko man mundo sinuway ko pa rin yung utos niya.
  • Natatandaan ko noong maliit ako, nag-aral magyosi si nanay pero isang hithit lang umubo na, sabi niya “hindi ko kaya to, hindi na baleng hindi mukhang sosyal o in”. Sa pagbabalik tanaw ko dito sabi ko nga pare-pareho lang ang panahon noon at panahon ngayon … nag-iba lang ng taon.
  • Sa totoo lang ayaw ko na magyosi, nakaka badbreath e wag ng sabihin yung mabubutas-butas ang baga ko o magkahighblood ako o magkakasakit ako sa puso.
  • Rate this:
    2.5

    Viewed 420 times by 125 viewers

    RSS feed | Trackback URI

    Comments »

    No comments yet.

    Name (required)
    E-mail (required - never shown publicly)
    URI
    Subscribe to comments via email
    Your Comment (smaller size | larger size)
    You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.