Napagod ako sa kahahanap ng pinoy forum para sa work permit sa canada, pero wala akong nakita. Nagkainteres na lang akong basahin ang isang forum site ng mga pinoy expat. At dahil ang lola nyo ay nagpapanggap na socially aware at umaayon na napakasarap na tema ang pulitika at gobyerno over a cup of coffee or tea, o maging usapan sa harap ng hapag-kainan, kutuhan, bingohan, palengke at kung saan-saan, siyempre yung topic na iyon ang clinick ko. At ito nga ang nakita ko:
Subject : All out war against the NPA is launched
Posted : 2006-06-22 9:47 PM
Post #287620
Yesterday, Gloria Arroyo gave a send off to the troops to begin their all out war against the NPA. She tells them to cut their taxation activities and crush them in two years.What was Arroyo thinking? That she could crush communist insurgency by purely military action. Ferdinand Marcos tried that formula before. It backfired. Instead of weakening the insurgents, it strengthen them. By 1986 NPA was poised to seige Manila. All out war means higher civilian collateral damage. How would she engaged the NPA in the open when the latter opted a guerrilla tactic of engagement.
Chances are innocent civilians will be rounded up again and human rights violation will escalate.
Nasa pinas ako noong pumutok ang balitang iyan. Nagpalabas si GMA ng dalawang bilyon para sa anti-insurgency o all-out war laban sa mga rebolusyonaryong kilusang CPP-NPA at Anti-Graft and Corruption Campaign. Ang sabi ang pondong nilabas para sa Anti-Graft and Corruption ay tulong daw galing sa Pamahalaan ng US.
Sa ganong timpla pa lang ng balitang nabasa ko medyo kumunot na ang noo ko. Ano kinalaman ng pamahalaang US sa graft and corruption sa pinas? O baka naman ang pondo e para sa anti-insurgency, hindi ba sila ang nagdikta kay GMA na ang mga extreme leftist na ito ay paratangang terorista.
At siyempre ang US ang “numero unong” kalaban ng mga terorista. Kaya kailangan nitong magbigay “tulong” pinansiyal sa mga maliliit na bansang madali nilang utuin para makatulong sa pang-international nilang mga plano sa pagdurog ng mga grupong sa tingin nila’y hadlang sa kanilang imperyalistang gawain.
At maari bang ang nasabing “tulong” na iyon ay walang kapalit?
Tanong natin kay Raul Gonzales baka pwede nang pambayad iyong pag-abswelto sa kaso ng mga sundalong kanong rapist.
Sa tingin ko, kasabay ng pagsasayang ng isang bilyong piso para sa kautusang iyan ng babae sa malakanyang ay ang pag-aaksaya ng mga inosenteng buhay na direktang maapektuhan ng all-out war na iyan. Hindi ata natuto si GmA sa nangyari sa Kalinga Apayao at sa iba pang parte ng Northern Luzon noong mga panahon ni Corazon Aquino.
Maraming mga bata ang mga nangamatay hindi lamang dahil sa kagutuman dahil hindi pinayagang makapasok ang supply ng pagkain sa buong rehiyon kundi namatay mismo sa gitna ng digmaan ng magkalabang military at NPA. Marami din sa mga bata ang nawalan ng mga magulang at kapatid dahil sa pinaghinalaang panig o myembro ng kaliwang grupo.
Ang kabundukan ay kinalbo na rin para daw walang mapagtaguan ang mga rebelde. Ang sabi nga daw “di bale ng kalbo basta makapatay lang ng tao.”
Mahina yata talaga mag-isip ang gobyerno o talagang “utak pulbura” lang, sugod ng sugod ng hindi nag-iisip. Hindi na napapansin na yung gustong puksain ay lalong dumarami dahil sa maling paggamit ng pamuksa. Ang mga naging biktima ng Human Rights Violation ay syempre lalong nag-iinit at ang “last resort” ay pumanig sa grupong pinupuksa. Dumarami lang lalo ang mga rebeldeng makakaliwa.
Sayang lang ang isang bilyong piso. Sabi nga ng kapit-bahay namin e “palugaw-kaya siya o pasopas tatlong beses isang araw katulad ng ginagawa ng GMA foundation sa Antipolo Rizal, tiyak maraming malnourished at walang makaing bata sa buong pinas ang mabubusog at magkakalaman ang katawan.”
MAY ISA PANG HUMIRIT
Pinoy expat pa rin:
Subject : Aking Tula Para Kay Arroyo
Posted : 2006-03-04 3:49 PM
Post #259571Hanggang kelan ka di matitinag
Sa kinau-upuan mo, di mo ba naaaninag?
Mga kababayan kong ayaw na sa iyo
Isinisigaw, bumaba ka na sa iyong pwestoSa iyong takot, iyong hinakot
Mga aso mong sa iyo ay takot
Na pag di ka sinunod, mawawala sa pwesto
At kung minalas baka mawala dito sa mundoMga barikada ay iyong pinalagyan
Sa kalsada at sa harapan ng Malakanyang
Sa takot na ikaw ay lusubin
Ng taong-bayan at ikaw ay patalsikinDi mo masisisi ang taong-bayan na sila’y magprotesta
Na ang gusto lang naman nila ay muling makalaya
Sa isang dambuhala na katulad mo
Isang mandarayang naka-upo sa pwestoKailan ka matitinag, kailan ka bababa?
Sa iyong trono na nakuha sa daya
Pag meron na bang namatay, pag meron ng nagbuwis ng buhay
Ng kababayan nating sandata lamang ay lawayMga KABABAYAN ating ipaglaban
Ang DEMOKRASYA at KALAYAAN ng ating BAYAN
Sa isang DAMBUHALA na MANDARAYA
Na ayaw bumaba sa pwesto, napaka-kapal ng mukha.
| 2.5 |
Viewed 478 times by 135 viewers









itot
manilenya







No comments yet.