manilenya - Last updated: Tuesday, July 25, 2006Mandadaya sana ako, sasabihin ko na nanaginip ako dahil sa pagkakalugmok ko sa kalasingan diyan sa baba…pero malabo. Una hindi ako nanaginip, tamang tulo lang laway pero walang panaginip, pangalawa hindi ako sobrang lasing dahil pagkatapos ng isang oras at kalahati paggising ko wala na kong tama. Pero tamang kanta at walang bitawan ng mikropono hanggang sa mag-umaga.
Kaya sasabihin ko na lang totoo. Nakuha ko lang yan sa inbox ko at kinopya para lang maputol ang ilang araw na hiatus. Alam ko korni pero hayaan nyo na lang….para masabing nagpost ako pagkatapos kong ayaw magpaistorbo
Viewed 134 times by 45 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, July 19, 2006Viewed 124 times by 41 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, July 18, 2006- nakakasawa na ring gumamit ng mga salitang minsan, madalas, naalala ko at naisip ko lang sa bawat entry ko
- ibig sabihin nun dapat hindi na ko nagpopost ng nakalipas, ng opinyon ko, ng haka-haka o ng kung ano mang gusto kong sabihin.
- dapat palitan ko na rin ang pamagat ng blog ko kung ganoon.
- at dapat rin simulan ko ng linisin ang bakuran ko at tanggalin ang mga basurang napapansin ng mga mata ko sa tuwing tiingin ako sa sidebar.
- at higit sa lahat naisip kong buiin ang blog na ito sa paglalagay ng sakto pero mukhang may kulang pang pagpapakilala ng may ari ng blog na ito.
Yung kakapalan ng mukha na umusbong lang naman sa pagkatao ko mula noong natuto akong mag-online, isinapraktika ko na rin. Patawad kung may masusuka sa pagbabasa ng pahinang iyon kung sakali mang umabot kayo sa katapusan.
| 2.5 |
Viewed 102 times by 36 viewers
manilenya - Last updated: Monday, July 17, 2006Kahapon sa harap ng hapag center table, brunch habang nanonood ng tv, pansamantalang kinocommercial ang bagong meal ng KFC:
“aloha?” sabi ni sis.
“hindi O.R daw”
“ahhh! Original recipe.”
“panong naging original recipe yan?” parang gusto kong makipagtalo “e marami na kayang ganyang recipe.”
“pag sinabing original recipe hindi maanghang.”
“ahhh, ganun ba yun?”
Biglang natahimik si younger sis. Sumubo sabay sinabing “naalala ko KFC, Kentucky Fried Chicken pa siya noon. Diba sina mama (tita namin) lagi lagi nasa Kentucky tapos bibili sila ng chicken, isang set na yun marami diba? nakakatakam….nakakainggit.”
“oo bucket-bucket pa nga sila bumili e pagkatapos dadalin dito sa bahay kakain …. madalas yun,tambay na nga sila ng Kentucky.” sagot ko naman.
Madalas nga noon yun pa kentu-kentucky sila, dadalin nga sa bahay pero nakakainggit pa rin, kasi kami di makapunta dun…tamang naglalaway lang ..tamang nakakakain pag me dala sila. Ganoon.
———
Minsan di maiwasang maalala yung dati ..iniisip ko tuloy para na rin kaming si nanay o si tatay. Mababanggit yung nakaraan pero habang binabanggit ang mga yun mapapangiti ka na lang …mapapatawa…hahalakhak…halahalakhak ng hahalakhak……….
Hanggang sa napapansin mo. Nababaliw ka na pala. Dahil sa Kentucky.
| 2.5 |
Viewed 93 times by 32 viewers
manilenya - Last updated: Sunday, July 16, 2006Dear GOD,
Kung hindi po ba ako magsimba na lagi ko namang ginagawa ay hindi nyo ibibigay ang idinadasal ko? Alam kong napakaistupidong tanong para sa mga makakabasa nito pero sa ganitong paraan alam kong alam mo na nakikipag-usap ako sa iyo ngayon.
Alam mo naman na…okey hindi naman sa ayaw kong magsimba. Madalas ko namang isipin na gusto kong magsimba at talagang dumadayo pa ako sa simbahan ng St. Jude noon para lang magsimba. Hindi ko man sinasabi sa iyo diba pero alam ko diyan sa taas na nakita mo kung anong klaseng emosyon nagkaroon ako noong unang tapak ko sa simbahan na iyon, ang unang dasal ko ng novena…para pa nga akong tanga diba kasi halos lahat ng katabi ko kabisado na yung dasal at alam kung saang pahina ang susunod na idadasal.
Balik ako sa tanong ko dear GOD, kung hindi ba ako magsisimba hindi nyo ibibigay ang kahilingan ko? pero alam mo naman na matagal ko ng idinadasal iyon diba? Yun nga lang hindi rin ako marunong magdasal. Ang natutunan ko noon, actually nasa bible din ito diba? kailangan magpuri muna, magpasalamat, humingi ng tawad at saka humiling. Whatever! kung bali-baligtad man sorry po. Pero hindi ka ganoon diba? hindi mo ako parurusahan kung hindi man in order yung sinabi ko.
Hindi ako nagdadasal ayun sa tinuro sa akin ng simbahan. Ayaw ko kasi ng paulit-ulit, ayaw kong makulitan ka sa akin, basta ang alam ko nagpapasalamat ako sa buong araw na ibinigay nyo sa akin at nagpapasalamat ako sa kahit anong maliit na pagpapala na ibinibigay nyo sa akin (Ooppps sana po huwag nyong isipin na pinagkakadiin-diinan ko yung salitang maliit ha). Hanggang sa makalimutan ko na na mayroon nga pala akong hinihiling. Pero di naman ako nagmamadali dear GOD, kasi alam ko may kalendaryong dapat sundin.
At alam ko katulad ng mga salitang madalas banggitin ni Aunty, ang Panginoon ay gumagalaw…in his time…in your time. Pero sana kung sakali sundin mo yung timetable ha please. Kung maaari nga lang mapaaga para mas maganda
Dear GOD, nagalit ka ata noong may itype ako, biglang bumagal ang connection, noong isinave ko biglang nag page cannot open na. Siguro next time pwede kong ikwento ano?
Dear God hanggang dito na lang po.
In Jesus Name.
Amen
P.S Dear GOD, alam kong kahit na walang In Jesus name sa huling dasal ng mga kapatid kong Muslim, Buddhist, at kung ano pa mang relihiyon katulad kong humihiling ay pagbibigyan mo sila kasi hindi ka racist diba? I hate racist alam mo yun.
Amen ulit.
I’ll try to hear the mass today
Pero hindi po ako nangangako.
Amen na talaga.
Dear GOD ipost nyo na po ito, sige na kahit wag nyo na ibigay ang hiling ko (joke lang lang po!)
| 2.5 |
Viewed 123 times by 39 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, July 13, 2006Wala akong maiblog. Sasabihin mo naman e di wag kang magblog
Di pwede kako sayang ang dalaw ng mga bumibisita, wala silang mababasa. At susundan mo naman ng e di sige kung gusto mong magblog, magpost ka kahit ano. Ala diary, ala-journal, ala gossip magazine, ala editoryal sa dyaryo. Sige me maiblog ka lang.
Ala diary? ala journal? ano itataype ko? hmmnnnn
*nagising ako ng pass 8 samantalang alas syete ang alarm clock ko.
*prepare ng sandwich para baon sa opisina ng mga kasama ko sa bahay.
*konting walis, konting pag-pag, konting punas.
*nagising si Enane, timpla ng milk, luto ng pancake tapos paligo then hatid sa baba para sa school bus.
*tapos ayun na tuloy lampaso, salang ng labahin sa washing machine, tingin ng inbox, tingin ng blog, bloghop, basa ng news sa Inq7.net, sundo kay shernane, pakain ng lunch, patulog, tuloy linis sa nakikitang marumi, laba ng bra ano pa ba?
*ganun araw-araw pero di pa rin ganon kalinis at kapulido mga gawain.
O ayan okey na bang diary-journal yan?
Pag wala pa rin akong maiblog bukas itry ko mala gossip sa magazine kung kakayanin ko o kaya mala editoryal sa dyaryo, pag hindi kaya … kuha ako alambre pahawak ko ke shernane tapos dun tawidako sa alambre, o kaya painitin ko alambre tapos subo ko hanggang maabot ang bituka ko. O kaya subo ako ng bubog tapos kuhanan ko sarili ko then ipost ko ano?
Hmmmmnnn magandang ideya!
| 2.5 |
Viewed 118 times by 41 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, July 12, 2006Ito lang naman ang bumungad sa akin ng magbukas ako ng email:
Tignan mo nga naman yan o birthday pala nitong babaing ito. Teka sino ba siya? Siya lang naman ang paborito kong kuhanan ng litrato pag hawak ko ang kamera niya.
Viewed 144 times by 49 viewers
manilenya - Last updated: Monday, July 10, 2006(ninenok ko ang ideya kay eric)
Kahit takot akong magyosi dahil baka mangalawang ang bagong kabit na alambre sa ngipin ko nagyosi pa rin ako. Hindi ko mapigil eh magdadalawang linggo na kaya akong hindi nakakahithit ng nikotina.
Hindi naman ako chain smoker. Nagkaroon lang ng panahon na pag nakaharap ako sa kompyuter ilang sunud-sunod na sindi ng yosi ang ginagawa ko. Ewan ko kung naamoy ako sa kabilang kwarto pero keber ko ba. Madalas naman ay tulog na sila sa kabila pag nagkokompyuter ako.
Hindi ko alam kung nakikita ba ng nanay ko iyong mga upos ng sigarilyo sa may bubungan sa labas ng kwarto ko. Hindi ko rin alam kung nagtatanong ba siya sa sarili kung kanino ang mga upos na iyon kung sakali ngang nakita niya ang mga basurang iyon. Doon ko lang tinatapon yung mga pinagupusan ko kapag tinatamad akong lumabas ng kwarto.
Pero noong minsan, kandarapa ako akong umakyat ng bubungan ng katabing bahay na may dalang walis at pandakot. Kinakabahan na rin ako e, baka mamaya pagsimulan na naman ng isang mahaba-habang litanya na hindi mo alam kung saan matutuldukan.
Viewed 144 times by 50 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, July 6, 2006“Bakit nanay pag anak ba, wala ng karapatang mangatwiran?”
Nagising ako sa malakas na boses ni nanay na iyon. Kausap niya ang isa kong pinsan tungkol sa problema ng nanay nito at mga mas nakakatanda niyang kapatid.
Sabi ni nanay, “ewan ko ba kung sino ke Ging-Ging (younger sis) o kay Bebe (youngest sis) ang nagsabi sa akin na “bakit nanay? porke anak ba hindi na pwedeng mangatwiran?”
“Ako yun,” sabat ko na gising na gising na.
“Pero sinabi ko iyon hindi dahil sa gusto ko lang sumagot o mangtwiran kung hindi dahil sa gusto kong marinig nyo ang boses ko.” sabay tayo sa higaan.
“Yun nga,” patuloy ni nanay. “Gawa niyan malalaki na mga kapatid mo. may mga sarili ng buhay, e ang nanay mo kung ituring kayong magkakapatid e katulad pa rin noong mga bata kayo e. Lahat pinoproblema pa, kaya ayan.”
Hindi ko na itinuloy pa ang pakikinig sa usapan nila.
At ngayon iniisip ko, tama ba yung linyang sinabi ko matagal na panahon na ang nakaraan? Hindi ba ang pangangatwiran ay pagbibigay lang ng justification sa isang bagay na mali mong nagawa? Hindi ba ang pangangatwiran ay ang hindi pagtanggap sa kamalian bagkus ay ipagpilitan sa kausap ko na tama ako, ang sinasabi ko ang totoo kaya kailangan tanggapin din ng kausap ko na tama ako.
At sa bandang huli eto ako, haharap sa nanay ko sasabihin habang umiiyak, “nay nabasag ko po”, “nay nadapa po ako”, “nay nawala ko po”, “nay tama po pala kayo”.
At heto ngayon, narealize ko na mas maganda atang pamalit na salita ang pagpapaliwanag kaysa pangagatwiran.
Kung alam mo na tama ka magpaliwanag ka, iparinig mo boses mo, ipaunawa mo ang gusto mong ipunto. Pag hindi ka marinig o sadyang ayaw kang pakinggan ng magulang mo…huwag kang mag-alala. Dahil darating at darating ang panahon, maririnig ka nila. At sa bandang huli, hindi na sila magsasalita dahil ang dalawang tainga nila, asahan mo lagi nang handa sa kung anumang gusto mong sabihin.
| 2.5 |
Viewed 196 times by 77 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, July 5, 2006Oh, it’s cryin’ time again, you’re gonna leave me
I can see that far away look in your eyes
I can tell by the way you hold me darlin’.
That it won’t be long before it’s cryin’ time
Viewed 122 times by 45 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, July 4, 2006“If you would be a reader, read; if a writer,write”
Makikita ang mga katagang ito sa pagpapakilala ng isang bagong komunidad na binuo ng mga bloggers o manunulat na kinakitaan ng disiplina sa pagsasalaysay, kwento o tula.
Ilang araw na akong naglilibo’t sa mga kaibigang blogger na mayroong angking talino sa pagsusulat upang manghimok/manghikayat na ibigay ang kaunting panahon upang lumahok at mag-ambag ng piling pyesa ng kanilang literatura
Para sa akin isa itong magandang panimula sa paghuhulma ng talento/kakayahan ng mga bagong usbong na manunulat/artista ng malikhaing sining. Dito itatakda ng isang indibidwal ang na magpa-unlad ang kanyang sarili sa larangan ng literatura.
Inaanyayahan ko kasama na ng mga iba pang myembro ang iba pa na blagerista at hindi blagerista na lumahok at magpa-usbong ng bagong mukha ng literatura sa pamamagitan ng pagbablog.
Ang Pinoy Underground ay ang pinagsama-samang malayang kamalayan ng mga manunulat at gustong maging manunulat.
Maari kayong mag rehistro upang makakuha ng username at password, at makaasa po kayong sama-sama tayong magpapalago sa iisang interes at iyan ay ang pagsusulat.
| 2.5 |
Viewed 125 times by 46 viewers
manilenya - Last updated: Monday, July 3, 2006Narito na naman ako
Sa pagkapa ng mga letra
Sa pagbuo ng mga salita
Sa paggawa ng mga pangungusap
Sa pagtimon ng mga parirala
Nangangapa na naman ako
ng mga ideya
ng mga karanasan
ng mga kalokohan
ng mga katarantaduhan
Ang isip ko
naglilimayon
lumilipad
lumalangoy
pero walang nabubuo
walang makakintal isip
na ibibigay
dahil walang tumitimong ideya
walang kwenta
bakit mo pa binabasa
| 2.5 |
Viewed 120 times by 46 viewers
manilenya - Last updated: Saturday, July 1, 2006Napagod ako sa kahahanap ng pinoy forum para sa work permit sa canada, pero wala akong nakita. Nagkainteres na lang akong basahin ang isang forum site ng mga pinoy expat. At dahil ang lola nyo ay nagpapanggap na socially aware at umaayon na napakasarap na tema ang pulitika at gobyerno over a cup of coffee or tea, o maging usapan sa harap ng hapag-kainan, kutuhan, bingohan, palengke at kung saan-saan, siyempre yung topic na iyon ang clinick ko. At ito nga ang nakita ko:
Subject : All out war against the NPA is launched
Posted : 2006-06-22 9:47 PM
Post #287620
Yesterday, Gloria Arroyo gave a send off to the troops to begin their all out war against the NPA. She tells them to cut their taxation activities and crush them in two years.What was Arroyo thinking? That she could crush communist insurgency by purely military action. Ferdinand Marcos tried that formula before. It backfired. Instead of weakening the insurgents, it strengthen them. By 1986 NPA was poised to seige Manila. All out war means higher civilian collateral damage. How would she engaged the NPA in the open when the latter opted a guerrilla tactic of engagement.
Chances are innocent civilians will be rounded up again and human rights violation will escalate.
Viewed 205 times by 69 viewers


piapot



