Ganun pa man, araw pa rin ni tatay.

Opinion

Pilit nilalapit ni nanay sa mukha ni tatay yung dala dalang regalo ng pamangkin ko para sa father’s day.  Habang iniiwas niya yung mukha niya at pilit na nilalayo ng kamay ang isang maliit na kahoy na may nakaukit na happy father’s day ay sinabi niyang bakit naman daw pag lumabas ka ng bahay e wala naman daw ang araw na to, hindi daw uso yun at hindi naman nakikisali ang karamihan sa pinauusong araw araw ng mga ama na yan.

Ang sabi ni nanay “e bakit ba? sa amin syempre  uso yun.”

Halos sabay sabay kaming nag second the motion. “OO nga! happy father’s day!

OO nga naman, nililitanya ko sa sarili ko.  Kelan nga ba nauso yun?  Nasanay kasi ako na mother’s day lang ang madalas iselebra noon.  Lumaki ako na taon-taon mayroong mga nilulunsad na palabas patungkol sa mga ina, halos lahat tiyak paiiyakin ka. Naglipana ang mga bulaklak at kung anu-anong mga materyal na bagay pangregalo para sa mga ina.

May mga nagbibiro at nagsasabi na unfair naman daw yata iyon, bakit daw araw lang ng mga ina ang iseselebra? porke daw ba feeling ng mga kababaihan ay sila ang pinaka oppressed na gender (tiyak may magrerebat na third sex dito) ay isang paraan ito para kahit papano ay makalimutan nila na kawawa sila mula sa kalalakihan/katatayan?

Aba e kung ganyan din lang, hindi ba parang oppressed din kami at mag-iisip na walang equality sa usaping sekswal dahil kayo lang mga ina ang binibigyan pugay at may espesyal na araw sa loob ng isang taon.”  Sabi pa ng isang kakilala ko na tila ba nakalimutan niya na ang pagbibigay halaga sa kaniya ng kanyang asawa sampu ng kaniyang mga anak mula umaga para ipaghanda siya ng pagkain sa almusal hanggang ipaghanda siya ng matutulugan sa pagtulog.  Mula pagbibigay sa kaniya ng kape at diyaryo pag linggo ng umaga hanggang pagseserbisyo sa kaniya ng inumin at pulutan kasama ng mga kumpare niya sa gabi.

Nakita ata at naramdaman ito ng mga negosyante at kapitalista naawa sa mga katatayan, at naisip nila na bakit nga ba ang mga ina lang ang kanilang pinagkakakitaan?  Hindi ba’t dahil ang ama ang naghahanapbuhay marapat lamang na pagkakitaan din sila?

Ayun, biglang nadagdagan ng espesyal na araw sa kalendaryo sa tuwing sasapit ang ikatatlong linggo ng Hunyo.  Madalas ng makakita ng advertisement sa telebisyon at dyaryo, makarinig ng anunsyo sa radyo, sumigla ang mga mall dahil sa mga nagbibilihan ng mga regalo, magkaingay at magselebra ng araw ng mga ama sa araw na ito.

Sa totoo lang medyo napaplastikan din ako kung minsan, dahil bakit kailangan pang antayin ang hunyo para magpadama na espesyal ang tatay mo (at ganun din naman sa nanay syempre.)

Pero ganun pa man, niyaya ko si tatay kanina para kumain sa labas, kaming buong pamilya.  Idedeyt namin siya kung baga.  Sabi ni Aya noon pa daw gusto kumain ni tatay sa Kenny Rogers Roasters kaya lang nagsara na daw ito sa Tutuban Centermall.

Pero kj si nanay dahil natulog at kj ang panahon dahil umulan noong magising na si nanay.  Hindi natuloy ang date namin ni tatay.  Tsk tsk tsk!

Rate this:
2.5

Viewed 955 times by 306 viewers

RSS feed | Trackback URI

1 Comment »

2008-06-15 11:07:51

[...] Manilenya recalls the celebration of Father’s Day with her Tatay and how he tried to disclaim the day as simply another day. I myself dont remember celebrating Father’s Day in the Philippines when I was growing up. Come to think of it, even mother’s day. I guess, it wasn’t part of the Pinoy upbringing in my times . It is only now that this western tradition has been to its full bloom in Pinas, right? At any rate, Manilenya treated her Tatay out and I’m sure he had a wonderful day spending time with the family. [...]

 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.