Ang ganda at sarap ng pinas

blog

Hindi ko na mailagay yung mga pics na nakuhanan ko noong papalapit na kaming maglanding sa Diosdado Macapagal International Airport dahil sa malabo yung mga kuha dala ng malakas na ulan.

Yung ganda ng panahon habang nasa ere kami ay napalitan ng nagngagalit na ulan doon sa parteng iyong ng pinas.  Pero ganun pa man hindi naka-alpas sa mata ko kung gaano kaganda ang lupang babalikan ko.

Berde ang nakikita kong kulay, malawak na paligid, kahit na marami na ring mga gusali at kabahayan sa ibang parte ng lungsod nandoon pa rin yung mga malalawak na lupain na kulay luntian.  Naalala ko yung isang kursong kasaysayan ng Pilipinas na napag-aralan ko noon na hindi ganoon nabanggit sa tradisyunal na pag-aaral ng lipunan sa loob ng paaralan.  Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman na kahit sa mga iyon lang ay kayang kaya nitong pakainin ang mas doble pa nitong populasyon.  Ang bahagi lang na iyon ng Luzon ang nakikita ko pa lang, paano pa kung malibot ko ang buong Pilipinas (sa panaginip).

MY VERY FIRST TASTE OF JOLLIBEE

spicy chicken

Sa Jollibee Subic kami dinala ng mga gulong ng owner type jeepney ni tatay at syempre ng kumakalam naming mga sikmura.  Eksaherado ang titulo, pero pagkatapos ng mahigit isang taon at kalahati na hindi ako nakakain sa jollibee, yun ang eksaktong mga salita ang tiyak na tiyak sa isip ko.  Although masyado akong nahaling sa mga pagkain sa Singapore, ang mga dila ko ay patuloy pa ring naghahanap ng mga lasang sa pinas mo lang matitikman.  Ang sarap ng timpla at pagkakaluto sa bangus belly sa totoo lang.

Pero syempre hindi ko rin dapat kalimutan yung dala-dalang steamed crab at butterred garlic shrimp ni nanay at pinagsaluhan sa loob ng sasakyan, yun nga lang talagang ginutom kami at malayo pa kaya ang tundo sa Subic.

Gusto ko sanang ipost yung konting pics na kinuha ko on our way home pero baka sa larawan ko na lang ipost.

 

 

Rate this:
2.5

Viewed 1039 times by 337 viewers

RSS feed | Trackback URI

Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.