Dahil first time kong may bitbit ng camera sa byahe at first time ko ring mapwesto sa tabi ng bintana, wala akong ginawa the whole time sa ere kung hindi kumuha ng kumuha ng mga litrato. Masyado akong na-amaze noong naramdaman ko ng paakyat ang eroplano sa ere, doon ko lang nakita yung itsura ng lupa na unti-unti naming iniiwanan. Sa bahaging iyong palabas ng Singapore ay ang Java Sea, sa baba nakita ko ang mga barko at mga malalaking bangka na animo nag kakarerahan sa paglalayag. Aakalain mo na malalapit lang ang distansiya nila sa isa’t isa pero tiyak hindi sila nagkakakitaan.
Noong hindi pa ako nakakasakay ng eroplano, tulad ng pagsakay sa barko. isang bagay ito na kinatatakutan kong gawin. Abo’t-abot ang dasal ko na sana ay maging maayos ang pagbyahe sa ere at makalapag ako ng buo at buhay na buhay. Pero noong Huwebes ng tanghali, sakay ng erobplano pauwi ng pinas hindi ko inakala na sa taas, doon ko mararamdaman yung kapayapaan.

Yung tatlong kulay ng kalangitan, puti, bughaw at kulay abo, wari ay nagpanatag ng loob ko pansamantala. Kayganda pala ng Langit. Naalala ko tuloy yung isang panaginip ko matagal na panahon na ang nakakaraan. Natulog ako noon sa ibaba ng bahay at ang mga paa ko ay nakaharap patungo sa may pintuan kung saan kitang kita ang bakanteng lote sa harapan ng bahay namin. Doon sa panaginip ko may isang ga higanteng hagdanan na hindi nakalapag sa lupa ang unang baitang. Mataas ito, kaya nagtataka ako kung paano ang mga taong nakaputi, patungo pataas ay naka-akyat dito. At sa mga taong iyon, isa ako sa pa-akyat pero hindi alam kung saan ang pintuan na tinutumbok ng hagdanan na iyon.
Ng mga oras na iyon sa loob ng eroplano, doon ko nakita ang tunay na itsura ng langit, ang higanteng ulap na akala mo’y bundok ng bulak. Iniisip ko, pwede kayang mabuhay dito? pagkatapos ay tatalon talon ka lang sa mga ulap para maglakbay.
| 2.5 |
Viewed 373 times by 128 viewers









athem short term medical insurance
manilenya







No comments yet.