Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Please visit this site
    Recent Comments
      Shout Out!
    Sponsors
» 2006 » June

may naamoy ang aking ilong!

Rate this:
2.5

Viewed 151 times by 62 viewers

Nakaantabay ang lahat
Sa istoryang sinimulan
Ng isang Dyosang marikit
sa paanan ng sasakyan
Ang sabi ni gari
ito ay isang parusa
ngunit ang aking masasabi
ito’y isang magiging
napakagandang istorya
Aking pakakaabangan
ang mga susunod na kabanata…..

Umiinog na ang istoryang sinimulan ng Diosa, kung inyong nabasa ang karugtong na kwento ang susunod naman ay yari na at nag-aantay na lang ng kasunod.

Ang sabi ko nga aabangan ko ang mga susunod na kabanata.  Malay natin makagawa ang mga blagerista ng isang librong nagsimula sa dyip.

Hindi masamang mangarap (sabay hanap ng estrelyang mahihilingan!)

Rate this:
2.5

Viewed 168 times by 65 viewers

Magbabayad na sana ako, pero pagkapa ko sa pantalon ko, napansin ko na kulang yung pera ko. Siyete singkwenta na ang pamasahe, maari ko namang sabihin sa drayber na siyete lang ang pera ko pero nahihiya ako.  Pinara ko ang sasakyan at nagkunwari na may naiwan sa aking pinanggalingan.  Iniisip ko, kailangan akong makahanap ng singkwenta sentimos, ayaw ko talagang magbayad ng kulang at baka mapahiya lang ako sa drayber at sa sinumang makasakay ko. 

Ang ginawa ko naglakad ako padiretso sa kalsadang tinutungo ng dyip papunta sa destinasyon ko.  Habang naglalakad nakatungo ako, baka may mahagip ang mata ko ng isang singkwenta, o kaya mas malaki pa, pwedeng piso, limampiso. beinte….basta!  Ang tanging laman lang ng aking isip ng mga panahon na iyon ay makahanap ng pangsakto sa pamasahe ko.

Aking napapansin na napapalayo na ang lakad ko, tumatagaktak na rin ang butil butil na pawis sa noo ko pero wala pa rin akong makita ni sentimo.  Inaliw aliw ko ang sarili ng mga kantang alam kohabang nakatungo, naghahanap pa rin.  “Putsa!” napapamura na ko, halos nakakalahati na yung nilalakad ko.  Mababaliw na ata ako….kailangan ko ng singkwenta sentimos para makasakay na ako.  Maya-maya ay may natalisod ang aking paa, sinipat-sipat ko ito dahil mukha siyang pera.  Yumuko ako at pinulot yung nakita ko.  Poteks!! isang metal na hugis bilog lang pala.

Continue Reading »

Viewed 180 times by 75 viewers

Taliwas sa madalas sabihin ni nanay na kinatatakutan ko ang boses ni tatay sa tuwing nalalasing siya, mayroon akong dalawang bagay na talagang kinatatakutan sa murang edad.

Ang una ay yung araw-araw kong nakikita sa isa sa mga pahina ng aking textbook sa ingles noong elementarya.  May ilustrasyon ito ng isang napakalaking sawa na hinahabol ang buwan sa kalangitan.

Sa istorya sa libro, darating ang panahon na  kakainin ng malaking sawa ang buwan, at pag nangyari yun, mawawalan na ng tanglaw sa gabi, magdidilim at maari na itong maging hudyat ng pagkagunaw ng mundo.  Takot na takot ako sa ideya, sino bang pitong taong gulang ang hindi manghihilakbot sa isiping ang mundo na siyang ginagalawan ko ay hindi permanente, maari itong magunaw at mawala sa kalawakan dahil sa isang malaking sawa.

Hindi ko alam kung totoo yung kwento, pero ang alam ko ay yung mumunting pagtatanong sa isip ko na bakit parang ang paaralang nagbigay ng textbook na yun ay tila ba nananakot sa murang isipan ko.

Continue Reading »

Viewed 171 times by 67 viewers

Paano mo iisnabin ang isang malaking pyestahan? at paano mo ipagwawalang bahalang daluhan ang bahay ng may pinakamaraming handa kung madalas kang kalamin ng sikmura?

yun nga lang ang isang pyesta, umaapaw man ang handa ay pansamantala lang naman ang hatid na kabusugan at pang-alis uhaw

pagkatapos ng pyesta uhaw ka na naman….gutom ka na naman…

maghihintay ka na naman ng isa pang malaking pyesta…..

sana lang sa susunod na pyesta may bagong putahe
na makakasagot sa napakahabang panahon ng tag-gutom

para hindi ka na magmumukhang timawa pag walang pyesta

para hindi ka na magmumukhang hilong talilong sa katatanong kung saan ulit may pyesta

para hindi ka na magtatanong kung sino ba ang may pinakamasarap at pinakamaraming handa pag may pyesta

para hindi ka na aasa pa sa susunod na pyesta

 

Rate this:
2.5

Viewed 181 times by 69 viewers

Eto na naman ako sa paliligo ng nakatuwad, ewan ko para akong nasa batalan na bukas ang bandang itaas at kinakailangan ko pang iyuko ang ulo ko para lang magbuhos ng tubig sa paliligo.  Ang batalan para sa hindi nakakaalam ang tawag ng mga taga probinsiya o ang lumang katawagan sa paliguan, banyo, CR o bathroom.  May shower naman kami sa banyo, pero hindi namin nakasanayang gamitin yun dahil sa pag narinig ni tatay yung tunog ng shower tiyak sasabihin nun na nag-aaksaya kami ng tubig at kuryente.  Tubig dahil maraming natatapong tubig pag nakabukas ang shower at kuryente dahil pinapatakbo ng kuryente ang tubig namin. Kaya ang siste maliligo kami na gamit ang tabo at timba.

plantsaOkey lang sa kin yun dahil medyo namiss ko ang tabo at timba, pero ang hindi maabot   ng   pang-unawa ko ay ang makita kong gumagamit ng plantsang de uling yung pinsan ko para sa mga damit na bagong laba.

Una kong nakita ang plantsang de uling na ginagamit ng lola kong namayapa na.  Uso na naman ang plantsang de kuryente noon pero dahil sa metikuloso si lola mas gusto niyang plantsahin ang mga inalmirol niyang daster at bestida gamit ang plantsang de uling.  Sobrang matagal na yun, medyo bata pa kaya ako noon.  Hindi ko inisip man lang na darating ang “future” na para bang babalik sa nakalipas at mamumuhay ng para bang primitibo.

Ang sabi ni nanay sobrang taas daw kasi ng kuryente, e dalawang bahay pa ang binabayaran ng kuryente at tubig.

Iniisip ko lang, baka pagbalik ko ulit dito e makita ko na lang na gumagamit na lang sila ng dalawang bato, magpapakahirap magkiskis para makagawa ng apoy pangluto.

Rate this:
2.5

Viewed 171 times by 69 viewers

Pilit nilalapit ni nanay sa mukha ni tatay yung dala dalang regalo ng pamangkin ko para sa father’s day.  Habang iniiwas niya yung mukha niya at pilit na nilalayo ng kamay ang isang maliit na kahoy na may nakaukit na happy father’s day ay sinabi niyang bakit naman daw pag lumabas ka ng bahay e wala naman daw ang araw na to, hindi daw uso yun at hindi naman nakikisali ang karamihan sa pinauusong araw araw ng mga ama na yan.

Ang sabi ni nanay “e bakit ba? sa amin syempre  uso yun.”

Halos sabay sabay kaming nag second the motion. “OO nga! happy father’s day!

Continue Reading »

Viewed 235 times by 98 viewers

Hindi ko na mailagay yung mga pics na nakuhanan ko noong papalapit na kaming maglanding sa Diosdado Macapagal International Airport dahil sa malabo yung mga kuha dala ng malakas na ulan.

Yung ganda ng panahon habang nasa ere kami ay napalitan ng nagngagalit na ulan doon sa parteng iyong ng pinas.  Pero ganun pa man hindi naka-alpas sa mata ko kung gaano kaganda ang lupang babalikan ko.

Berde ang nakikita kong kulay, malawak na paligid, kahit na marami na ring mga gusali at kabahayan sa ibang parte ng lungsod nandoon pa rin yung mga malalawak na lupain na kulay luntian.  Naalala ko yung isang kursong kasaysayan ng Pilipinas na napag-aralan ko noon na hindi ganoon nabanggit sa tradisyunal na pag-aaral ng lipunan sa loob ng paaralan.  Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman na kahit sa mga iyon lang ay kayang kaya nitong pakainin ang mas doble pa nitong populasyon.  Ang bahagi lang na iyon ng Luzon ang nakikita ko pa lang, paano pa kung malibot ko ang buong Pilipinas (sa panaginip).

Continue Reading »

Viewed 191 times by 94 viewers

Dahil first time kong may bitbit ng camera sa byahe at first time ko ring mapwesto sa tabi ng bintana, wala akong ginawa the whole time sa ere kung hindi kumuha ng kumuha ng mga litrato.  Masyado akong na-amaze noong naramdaman ko ng paakyat ang eroplano sa ere, doon ko lang nakita yung itsura ng lupa na unti-unti naming iniiwanan.  Sa bahaging iyong palabas ng Singapore ay ang Java Sea, sa baba nakita ko ang mga barko at mga malalaking bangka na animo nag kakarerahan sa paglalayag.  Aakalain mo na malalapit lang ang distansiya nila sa isa’t isa pero tiyak hindi sila nagkakakitaan.

Noong hindi pa ako nakakasakay ng eroplano, tulad ng pagsakay sa barko. isang bagay ito na kinatatakutan kong gawin.  Abo’t-abot ang dasal ko na sana ay maging maayos ang pagbyahe sa ere at makalapag ako ng buo at buhay na buhay.  Pero noong Huwebes ng tanghali, sakay ng erobplano pauwi ng pinas hindi ko inakala na sa taas, doon ko mararamdaman yung kapayapaan.

Continue Reading »

Viewed 154 times by 62 viewers

Kagabi sa Isang Christian fellowship na madalas kong puntahan s tuwing nandito sa bahay si Aunty (mama ni bayaw) ay may isang special guest na galing pa sa California, isang composer/singer na Born Again Christian. Ang sabi niya, sa makabagong panahon daw maraming nagsulputang mga awit at lagi ng ginagamit sa mga simbahan, pero may isang awit isang daan at dalawampung taon na ang nakakaraan, may isang awit na “sukdulan” ang ganda, lahat daw ng pagpupuri at pagmamahal sa Diyos at sa mga lalang niya ay nandoon na. Nilapatan lang niya ito ng bagong musika pero ang mga lumang titik pa rin ang ginamit niya.

Naisip ko, mahigit isang daang taon na rin ang nakakaraan, isang daan at walong taon eksakto ng makamit natin ang “Pambansang Kalayaan” (tiyak, hindi marahil, kalayaan mula sa mga dayuhang kastila), marami ding mga kanta, kantang ginamit ng mga nakaraang rehimen para sa pagseselebra ng “Araw ng Kalayaan”.

At dahil nasanay ako mula pagkabata na sineselebra ang araw na ito (walang pasok sa eskwela at trabaho), ang araw na ito para sa akin ay kalayaan mula sa mga kwaderno, lapis, papel at libro. kalayaan mula sa maghapong pagpapa-alipin sa mga kapitalista at negosyante. Kailangan ay iselebra ko rin ito sa blog ko.

Pero gaya ng singer/composer na bisita sa simbahan kagabi. Gusto kong gunitain ang araw na ito sa pamamagitan ng pagpopost ng akda ng tunay na magiting at nagpasimula ng pag-aaklas laban sa mga kolonyalistang espanyol. Gamit pa rin ang dating titik at alam ko hanggang ngayon, ang bawat letra, bawat salita, bawat saknong ay siya pa ring sinisigaw hindi man ng mga bibig kundi sa puso ng mga taong naghahangad ng tunay na kalayaan.

Continue Reading »

Viewed 196 times by 75 viewers

Attention IT pipol!

got this email from my sis who’s working here in Singapore as a System Analyst.

matagal ko na siyang kinukulit sa mga agency ng mga IT dito dahil may mga friends akong gustong makapagtrabaho dito.

Late this afternoon, I received an email from her. Baka lang magkainteres kayong basahin :)

Good Luck sa mga makakabasa na magkakainteres.

take note: sa pinas po yung company :)

Continue Reading »

Viewed 914 times by 456 viewers

Isa sa paulit-ulit na kinukwento ni nanay sa akin ay noong nagsisimula pa lang ako sa unang baitang sa elementarya. Hawak ang lapis at papel nagtatanong daw ako kay nanay kung paano nga ba isulat ang isang letra sa abakada. Medyo naiinis na ata si nanay dahil ilang beses na daw sa akin itinuro ay hindi ko pa rin makuha.

Hinawakan niya ang kamay ko at sinulat ang isang letrang iyon sabay sabing “ganito o ganito ganito!”

Naramdaman ko daw ata na iritable na ang mga boses at kilos niya kaya napaiyak na lang ako. Habang umiiyak daw ay tinapos ko ang pag-aaral magsulat na hindi na muling nagtanong at nagpaturo sa kaniya.

Mula noon napalitan na ng ballpen ang lapis, gumamit na ako ng tatlong kulay ng ballpen, mga ballpen na may mababango at kumikinang na tinta at ng lumaki ako’y nagkulay dugo na ang kwaderno ko dahil sa pulang tinta na ng ballpen ang ginagamit ko, tuluyan na akong hindi na nagtanong at nagpaturo na may kinalaman sa aking pag-aaral.

Ano na nga ba ang nangyari sa lapis?

Hinahanapan ko ito ng kuneksyon sa gusto kong sabihin, pero ngayon tila katulad ng nakaraan kong entry mukhang “Ang sulating ito, bagamat may bulaklak, ay tila nakahiga sa kangkungan, mas nakikita ang mga dahon sa kaniyang luntian.”

Ano na nga ba ang nangyari sa lapis?

Siguro pinalitan ko na ang lapis ng ballpen o sign pen na gamit ko noong nakaraang entry ko.

Binasa ko ng makailang ulit yung Madilim Ang Paligid, binasa ko rin ang ilang mga nakaraang entry ko. Iisa lang ang nakita ko. Ang bawat nilalabas ng tisa ng aking lapis ay base sa karanasan ko. Yung nakita ng mga mata ko, naramdaman ng kalamnan ko, nadama ng mga palad ko, narinig ng mga mata ko. Wala namang pinagbago.

Yun nga lang, siguro masyado ngang mabulaklak ang mga salita. Kaya ba minsan hindi ko na napapansin na lumalayo na ko sa gusto kong iparating? Hindi! Siguro dahil sa iyon lang ang nakayanan ng tisa ko. Siguro nga wala pa sa mga kamay ang puso ko. O katulad ng sinabi ko dati; hindi kasing lawak ng imahinasyon ng isang tunay na manunulat ang imahinasyon ko.
O kailangan ko ng bagong lapis?

Sana Siyang nasa kabilang dulo ng kalsada, sa iyong muling pagbabalik, iwanan mo ang iyong lapis. Baka sakali, hindi lang magiging magkahawig ang tisa ng ating mga lapis. Kundi magiging isa….para hindi ka mapapagod magbasa.

Ewan ko lang kung hindi ako mapapagod magsulat.

Pero ganun pa man, salamat sa puna. Tinatanggap kong obhetibo yan. Pramis!

Rate this:
2.5

Viewed 137 times by 56 viewers

Pagkatapos kong umikot-ikot sa mall na malapit dito sa bahay ay nagpasya na akong umakyat sa taas at maghintay na lang kay Shernane sa labas ng study center nila. Umupo ako sa isang dulo ng hagdanan. Nilabas yung binabasa kong Eleven Minutes ni Paulo Coelho, sinimulan kong basahin, maya-maya may nakita akong isang salita na hindi ko alam ang ibig sabihin.

Sinulat ko iyon, ang sabi ko hahanapin ko yung meaning sa dictionary pagdating sa bahay. Maya-maya nakaisip ako ng ilang mga salita nag ginawa kong patula. Kinuha ko yung pilot sign pen sa bag ko pati na ang dala-dala kong notebook, ewan ko basta bigla ko naisip na magdala ng notebook. Isang oras at kahalati kasi akong maghihintay kay Enane sa labas ng klase e, sabi ko baka makaisip magsulat e di me masusulatan ako.

Sinulat ko na yung mga nasa isip ko. Hindi pa ako nakuntento, gumawa na rin ako ng pwede kong maiblog sa tingin ko.

Yung kaninang libro na binabasa ko e nasa mga hita ko na, habang patuloy akong nagsusulat. Medyo nga lang na-iistorbo nung tatlong babae sa kabilang dulo ng hagdanan yung pag-iisip ko. Hindi ko maintindihan yung mga salita nila pero mukha naman silang mga pinoy. Hindi naman ilokano pero parang hindi naman bisaya. Mas lalong hindi Malay dahil sa halos dalawang taon ko dito, alam ko na ang salitang malay. At mas lalong hindi Mandarin na palasak na ginagamit ng mga tsekwa dito. Hindi rin Tamil.

Yung lakas ng usapan nila e talagang nakakadiskaril sa “konsenstrasyon” ko.

Nilibot ko ang mga mata ko. Iba’t ibang race ng tao ang nakikita ko, palagay ko nag-aantay din sa mga batang lalabas sa study center ang mga ito. Magtataka pa ba ako kung bakit iba-iba ang itsura namin dito e kaya nga tinawag itong multi-racial na lupain. Karamihan sa kanila ay nakatingin sa akin. Baka nagtatanong sa isip kung ano ang ginagawa ko dahil hindi naman ako mukhang estudyante pero eto me hawak akong libro, notebook at pen.

Maya-maya bigla ko naisip yung isang eksena na matagal ko ng nakita. Kasa-kasama ako ni nanay noon sa pagtitinda sa bangketa doon sa kahabaan ng Ongpin. May isang lalaki na halos doon na nakatira sa bangketang iyon kasama pa ng iba niyang mga kababayan galing Bicol. Doon sila natutulog sa gabi, at nagtatrabaho sa umaga. Karamihan sa kanila ang trabaho ay pedicab boy, ang iba naman ay sa ginagawang building sa di kalayuan.

Yung lalaking iyon, madalas ko siyang mapagmasdan na me hawak ng libro, papel at ballpen. Nagbabasa, nagsusulat at nag-iisip. Mukha naman siyang nagbabasa dahil nakikita kong nililipat niya ang mga pahina ng libro. Nakikita ko rin siyang nagsusulat. Pero di ko alam kung nag-iisip nga siya o meron talaga siyang iniisip sa itsura niya na tila ba nag-eexam sa isang silid aralan.

Ang sabi ng mga kasamahan niya, may sayad daw yung lalaki. Iniwan daw ng asawa noong mga panahon na wala siyang trabaho.

Yung eksenang iyon na nakita ko matagal na panahon na. At ang eksena ko ngayon habang nililibot ko ang tingin ko sa mga tao sa paligid ko. Iniisip ko….may sayad na rin kaya ako?

Pero teka……hindi ako iniwan ng asawa ha!!

Rate this:
2.5

Viewed 167 times by 63 viewers

Iniisip ko lang , paano nga ba?
Medyo madrama yung mga nauna kong tinype. Naisip ko na mas magandang burahin na lang. Ang gusto kong itanong ngayon ay kung paano nga ba?

Continue Reading »

Viewed 130 times by 53 viewers