larawan

blog

Inabot na ako ng siyam siyam dito..hindi ko pa rin maupload ang ginawa kong screenshot ng larawan…pagkatapos kong magbakasyon mula sa pangagalikot ng template,blog ng may blog, iba ko pang blog ay napagpasyahan kong ilagay sa isang blog yung mga litrato na kinuha ko. May nakapansin na kasi na nagiging photoblog na daw ang blog na ito. Nye!! eto na pala…sa wakas! Hirap talaga ng nakikigamit ng wi-fi account. Napapansin kaya ng hinihiraman ko na bumabagal ang connection niya? wag namn sana. Ayaw pa rin! tsk tsk tsk..hindi bale magtiya-tiyaga ako. First post ko ata ito ng screenshot, dahil ngayon ko lang nalaman kung paano ito gawin.

Sige antay lang ng antay. Wag naman sana akong abutan ng oras ng pagluluto ng dinner dito ano!

……..hayyyyy!!! Antay pa rin!!!

Labas ng kwarto.

Ayun! sa wakas, pagkatapos kong iprepare ang ipapakbet at i-dedeep fry na seabass naupload din.

Photobucket - Video and Image Hosting
Ang larawan
Pinalalakas ko ang loob ko, nagpapanggap akong may “passion” sa pagkuha ng mga litrato at pagkatapos ay ginagawan ko ng maikling kwento batay sa karanasan ko at ng ibang tao.
Nagpasiya akong pagsama-samahin na lang sila sa iisang site parang labahin diba? sama-sama ang de-kolor at ihihiwalay sa mga puti para kunwari ay isa akong organisadong tao.
Ang Background
Ang walang kamatayang background ng seksing babae. Sa mga nauna ko ng kaibigan sa blogging tiyak na kilalang kilala nyo na siya. Ewan ko, patay na patay ako sa litratong ito at gustong gusto ko siyang gamitin bilang background sa template. Sabi ko nga dati, magisip na ang gustong mag-isip, kung saan sila dalin ng kanilang isipan para lang kilalanin ang may gawa ng blog ay wala akong paki-alam. Gusto ko pa rin siya.
Gusto ko siyang ilagay sa aking domain, pero hindi ko na naman alam kung bakit hindi ko siya maipublish dito. Kung sana’y may mahaba-haba pa akong oras….pero wala….sayang.
Rate this:
2.5

Viewed 672 times by 145 viewers

RSS feed | Trackback URI

12 Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.